OMICRON VARIANT, MAS MATINDI SA DELTA; PUBLIKO, PINAG-IINGAT

PINAYUHAN ni Senador Richard Gordon ang publiko na doblehin ang pagiging vigilante at pag-iingat dulot ng banta ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron. Sinabi ni Gordon na ang bagong strain ay mas madaling maikalat at mas malakas kumpara sa Delta variant. Iginiit ng senador na dapat mabahala ang bawat isa sa panibagong variant dahil mas mabilis ang pagkalat nito. “We should be really concerned about this new variant because it’s already spreading like wildfire. Let’s continue to wash our hands, keep our distance, get tested regularly and strive to…

Read More

REPORMA SA OMBUDSMAN ITINUTULAK NG EX-SOLON

KASUNOD ng pagpapawalang-sala sa kanya ng Sandiganbayan sa mga kasong graft at malversation noong Nobyembre 12, taong ito ng Sandiganbayan, sinabi ni dating Congresswoman Mary Mitzi “Mitch” Cajayon-Uy na kailangan ang mga kagyat na reporma upang mapalakas at maipatupad ang mga mandato ng Office of the Ombudsman bilang tagapagtanggol ng estado at tagapagtanggol ng publiko. “Kung ako ay mahalal muli sa Kongreso, ang mga reporma at iba pang mga hakbang ay dapat na maisabatas upang matiyak na ang mga reklamong inihain sa OMB ay sasailalim sa mas mahigpit na pagsusuri…

Read More

2 RAPE SUSPECTS NASUKOL NG PNP BICOL

DALAWANG suspek sa panggagahasa ang nadakip ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo sa magkahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Aurora at Masbate. Kinilala ni P/BGen Estomo ang nadakip sa Aurora Province na si Jovinal Ugale Molina, 61, tinaguriang no. 5 most wanted person sa Viga Municipal Police Station. Si Molina ay suspek sa panggagahasa sa isang dalaga sa bayan ng Viga. Pagkaraan ay nagtago ang suspek ng halos 16 taon hanggang sa madakip sa Sitio Kipit, Purok 6, Brgy. Dinadiawan, Dipaculao, Aurora Province. Samantala,…

Read More

MURDER SUSPECT NATUNTON NG PNP-PRO5 SA NOVALICHES

“WE cannot give in to pressure or else it will control us.” Ito ang naging pahayag ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos na matunton ng kanyang mga tauhan ang tinaguriang Camarines Norte most wanted person sa Novaliches Quezon City. Ikinonsidera ni P/BGen. Estomo na close case na ang murder case makaraang madakip sa manhunt operation makalipas ang 12 taong pagtatago, ang suspek na si Jose Jalimao Napao, construction worker, residente ng Purok 4, Sitio Canalmacan, Anameam, Labo, Camarines Norte. Si Napao ay trinabaho ng pinagsanib na puwersa…

Read More

P15.7-B HCWs BENEFITS NI-RELEASE NA NG DOH

INILABAS na ng Department of Health (DOH) ang P15.7 bilyon pondo para sa mga benepisyo ng healthcare workers sa bansa. May kabuuang P15,719,085,923.00 ang nailabas nang pondo nitong Nobyembre 26, base sa Statement of Allotment, Obligation and Balances (SAOB) ng kagawaran. Ayon sa DOH, kabilang dito ang P7,915,760,434 Special Risk Allowance (SRA) ng 486,585 healthcare workers mula Disyembre 20, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021 habang nasa P6,555,957,185 na SRA at active hazard duty pay (AHDP) ang nailabas na rin. Umabot naman sa P1,231,098,680 ang ni-release para sa ‘meals, accommodation, and…

Read More

ONG, DARGANI INILIPAT NA SA PASAY JAIL

NANINDIGAN si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na may hangganan ang pagsisinungaling ng mga resource person sa imbestigasyon ng Senado. Ito ay kasunod ng paglilipat nila sa Pasay City Jail kina Pharmally Pharmaceutical Corporation executives Linconn Ong at Mohit Dargani mula sa kanilang kustodiya. Ang dalawa ay sumailalim muna sa medical check up kabilang na ang antigen test para sa COVID-19 bago ibiniyahe sa Pasay City Jail. Ipinaalala ni Gordon na ang Senado bilang co-equal branch ng pamahalaan ay binigyan ng powers of legislation at oversight ng konstitusyon.…

Read More

SUCs SA BANSA NAIS DAGDAGAN NI MARCOS

ISUSULONG ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na makapagpatayo pa ng maraming State Universities and Colleges (SUCs) sa mga lalawigan upang mas mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Pilipino na makapag-aral. Binigyang-diin ni Marcos na kailangang unahin ang edukasyon sa bansa kaya ang pagpapatayo ng dagdag pang mga paaralan ay mas makatutulong upang mapahusay ang kakayahan, kagalingan at kaalaman ng mga mag-aaral. Ito rin aniya ay magbibigay oportunidad sa mga mahihirap na pamilya upang mapag-aral ang kanilang mga anak nang hindi inaalala ang tumataas na…

Read More

IMBESTIGAHAN NATIN

AANHIN pa ang damo kung patay na ang kabayo? Ito mismo ang kwento ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) na inabutan ng kanilang pagpanaw nang hindi man lamang nakuha ang insentibong kalakip ng kanilang katapatan, husay at sigasig para malagpasan ang itinakdang target collection ng puertong kanilang kinabibilangan. Sa isang mensaheng ipinaabot ni Reynaldo Galeno, dating kawani ng BOC, taong 2018 pa nila hinihintay ang insentibong nakasaad sa ilalim ng Republic Act 9335 (Lateral Attrition Law) na naglalaan ng bahagi ng anumang labis sa pondong nalikom ng isang…

Read More

JET FUEL SISILIPIN, TARIPA SUSURIIN

SA hangaring protektahan ang interes ng gobyerno, tinungo kamakailan ng iba’t ibang kinatawan mula sa mga tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) ang Petron Bataan Refi­nery sa Limay, Bataan kung saan nakalagak ang mga inangkat ng A1 fuel na gamit ng mga sasak­yang himpapawid. Partikular na tinutukan sa pagbisita sa pinakamalaking oil refinery facility sa buong bansa ang proseso sa daloy ng importasyon ng Jet A1 fuel. Bago ang pagbisita sa Petron Oil Refinery facility sa baybaying lokalidad ng Limay, nagpulong sina Customs Deputy Collector for Administration Atty. Ruperto Bustamante,…

Read More