IDETALYE ANG INUTANG

0 TIYAK na lahat ng taxpayers ay magsasabi na kailangang idetalye kung saan ginastos at paano ginastos ang inutang ng ­gobyerno para tugunan ang pandemya sa coronavirus disease 2019. Medyo nakakataranta ang P1.15 trillion na inutang ng gobyerno para labanan ang COVID-19 pandemic na una nilang binalewala noong pumutok ang virus na ito sa Wuhan, China.Tiyak na lolobo pa ang utang na iyan dahil hindi pa tapos ang pandemya. Nararapat lang talaga na ipaliwanag o idetalye ng gobyerno papaano ginamit ang pondong ito. Saan at papaano ginamit dahil ang mamamayan…

Read More

BBM-INDAY SARA TANDEM, AYAW PAPASUKIN SA QCMC?

0 MARAMING reaksyon ang naglabasan nang mapanood nila ang video ng usapan sa pagitan ng kinatawan ng kampo ng BBM-Inday Sara Tandem at management ng ­Quezon City Memorial Circle (QCMC) para sa planong isasagawang programa sa nabanggit na lugar. Ayon sa mga nakausap ng PUNA mula sa ­supporters ng BBM-Inday Sara tandem, halatang biased daw itong si Engr. Zaldy dela Rosa, action officer ng QCMC, sa kanyang mga sinasabi. Halatang ayaw daw ­payagan ni Engr. Dela Rosa ang BBM-Inday Sara tandem na magkaroon ng prog­rama sa loob ng QCMC partikular…

Read More

PRAYORIDAD SA HARAP NG PANIBAGONG BANTA

0 KASABAY ng pagpasok ng buwan ng Kapaskuhan, natanaw ang pag-asang matatapos na ang lintek na pandemya, batay na rin sa datos ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa – isang indikasyon ng pagbangon at pagsigla ng ekonomiyang nalumpo bunsod ng mga paghihigpit ng gobyerno. Kung tutuusin, isang magandang balita naman ang pagbuti ng kalagayan ng bansa sa aspeto ng mga naitatalang arawang kaso. Gayunpaman, lubhang nakababahala ay ang pagsulpot na naman ng panibagong mutated strain na ayon sa mga eksperto’y 500 ulit…

Read More

PROTOCOLS SA APAYAO IN-UPDATE NG IATF

0 INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Huwebes, ang testing at quarantine protocols para sa mga darating na international passengers sa lahat ng ports of entry ng Pilipinas na magmumula sa mga bansa, teritoryo, jurisdictions na hindi itinuturing bilang Red List country/territory/jurisdiction. Ang bagong protocols na ito ay epektibo mula Biyernes, Disyembre 3, 2021. Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, para sa fully vaccinated individuals, required ang mga ito na magkaroon ng negative RT-PCR test na ginawa sa loob ng 72 oras bago pa ang…

Read More

183 MULA SA SOUTH AFRICA ‘DI PA MAKITA

0 MISTULANG naghahanap ng karayom sa isang bunton ng dayami ang hirap na dinaranas ngayon ng Department of Health (DOH) sa pagtunton sa 183 indibidwal na dumating sa bansa mula sa South Africa kung saan unang natuklasan ang presensiya mas mabagsik na peligrong dala ng Omicron variant. Sa tala ng DOH, 254 kataong napag-alamang may travel history sa South Africa ang lumapag sa iba’t ibang paliparan sa bansa ilang araw bago pa man naglabas ng travel ban ang Palasyo bunsod na rin ng babala ng World Health Organization sa banta…

Read More

MANDATORY ONSITE VACCINATION, LABAG SA LABOR LAWS

0 PINABABAWI ni Senador Risa Hontiveros sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ang mga inilabas na resolution na nag-aatas ng  mandatory vaccination sa workplaces. Sinabi ni Hontiveros na hindi katanggap-tanggap ang kautusan at labag ito sa labor laws. “Malinaw sa ating labor laws na iligal na i-hold ang sweldo ng sinomang empleyado nang walang pahintulot. Hindi ito dapat payagan dahil isang araw lang na maantala ang sahod ng manggagawa ay katumbas na ng gutom ng buong pamilya,” saad ni Hontiveros. Inilabas ng IATF ang…

Read More

Pag-uwi ng OFWs apektado sa Omicron variant WALA MUNANG REUNION SA PASKO

0 HUMINGI ng pang-unawa at paumanhin ang Malakanyang sa mga Pilipino na may kamag-anak na nahihirapang umuwi ng Pilipinas ngayong Kapaskuhan. Kailangan kasing muling i-adjust ng pamahalaan ang testing at quarantine protocols para i-delay o maantala ang pagpasok ng coronavirus (COVID-19) Omicron variant sa bansa. Ang pahayag na ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na magpalabas ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ng bagong testing at quarantine protocols para sa mga biyahero mula sa non-red list countries, nitong…

Read More

GHOST DELIVERIES NG PHARMALLY BUBUSISIIN

0 LUMUTANG ang posibilidad ng ghost delivery ng COVID-19 supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation sa Department of Budget and Management. Sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni CPA Mon Abrea na batay sa kanilang inisyal na pagsisiyasat, walang supporting documents ang sinasabing P3.4 billion delivery ng COVID-19 supplies. Sa presentasyon ni Abrea sa kabuuang P7.2 billion na purchases, P3.8 billion lamang ang may supporting documents. Kabilang rito ang P2.9 billion purchases mula sa Evermore, P273 million mula sa Acme Pinnacle at P613 million importations. Samantala,…

Read More

Good news sa GSIS pensioners P3.2-B CASH GIFT IRE-RELEASE SA DEC. 6

0 IPALALABAS ng State pension fund Government Service Insurance System (GSIS) ang 2021 Christmas cash gift na nagkakahalaga ng P3.2 billion sa kanilang old-age at disability pensioners simula Disyembre 6. Ang benepisyong ito ay kinilala ng mga pensiyonado bilang kanilang “Christmas bonus.” “Sa kabila ng hinaharap nating pagsubok dahil sa pandemya, hangad naming makatulong pa rin sa pagbibigay ng masaya at maginhawang Pasko sa aming mga pensiyonado. Kaya naman siniguro ng GSIS Board na maaga ang ecrediting ng Christmas cash gift sa kanilang mga UMID card o eCard,” ayon kay…

Read More