Sa ikinasang 3-day vax drive 3M A DAY TARGET ‘DI NAABOT

(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD MAITUTURING pa ring mabagal ang pagbabakuna dahil hindi naabot ng pamahalaan ang target nitong tatlong milyong babakunahan kada araw. Nabatid na umabot lang sa 8,014,751 ang mga nabakunahan sa ikinasang 3-day Bayanihan, Bakunahan. Ngunit paglilinaw ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa Public briefing, ang higit 8 million recorded jabs ay “as of 6am” pa lamang ng Disyembre 3. Hindi pa aniya pumapasok ang iba pang data lalo na na ang datos ng hanggang 6pm ng Disyembre 3 kaya’t madaragdagan pa ang naitalang record nito. Aniya…

Read More

TERORISTANG LIDER, 4 PA PATAY SA SAGUPAAN

LIMA katao, kabilang ang pinaniniwalaang bagong talagang lider ng Daulah Islamiyah, ang patay matapos makasagupa ang Joint Task Force Central sa Barangay Dabenayan sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao. Kinilala ang napaslang na teroristang lider na si Asim Karinda alyas “Abu Azim” na umano’y isang dalubhasa sa paggawa ng mga pampasabog na karaniwang gamit sa grupong Daulah Islamiyah sa paghahasik ng gulo sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao. Sa datos na ibinahagi ng militar, lumalabas na si Karinda ang itinalagang kapalit ni Salahudin Hasan na napatay naman sa…

Read More

2 TOP MOST WANTED SA NAGA ARESTADO SA PNP-PRO5

DALAWANG top most wanted person sa Naga City ang sinilbihan ng warrant of arrest sa isinagawang law enforcement operation ng mga kawani ng Naga City Police Office noong Disyembre 1, 2021. Dakong alas-1:30 ng hapon nang arestuhin ng mga pulis ang top 9 station level wanted person na kinilalang si Jesus Nazareno Jr. y Amaro, 28-anyos, walang asawa, marketing staff at residente ng Zone 6, Paraiso St., Sta. Cruz, Naga City. Ang akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 12, Article 11 ng RA 9165, na may piyansang P40,000. Pagsapit…

Read More

Itinutulak ni Defensor PWDs 20% OFF SA RFID LOAD

MAGANDANG balita sa mga may kapansanang bumabagtas sa mga toll roads. Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara para sa 20% diskwento sa toll fee para sa mga taong may kapansanan kesehodang sila mismo ang motorista o pasahero lang. Kasabay ng paggunita ng International Day of Persons with Disabilities, inihain ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang House Bill 10558 na nagtatakda ng 20% diskwento para sa PWDs sa tuwing bibili ng load para sa RFID cards na gamit ng mga motoristang dumadaan sa Skyway, North Luzon Expressway, South Luzon…

Read More

6 DRUGS SUSPECTS HULI SA P176K SHABU

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Antonio C. Yarra ang pagkakadakip sa anim na drug suspects na nakumpiskahan ng P176,800 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operations sa Quezon City noong Huwebes. Kinilala ni P/Lt. Col. Joewie Lucas, station commander of Fairview Police Station (PS-5), ang dalawa sa mga suspek na sina Felix Nelson Alea, 42-anyos, residente ng Luzon Ave., Matandang Balara, Quezon City, at Marhama Abas, 26-anyos, residente ng Brgy. Commonwealth, Quezon City.  Ang dalawa ay inaresto dakong alas-11:00 ng gabi noong Disyembre 2, 2021 sa Commonwealth Ave. corner Winston St.,…

Read More

NAVOTEÑONG TAXPAYERS MAY AMNESTIYA

NILAGDAAN ni Navotas Mayor Toby Tiangco noong Huwebes ang Ordinance No. 2021-62 o ang General Pandemic Amnesty Program. Ayon sa Ordinansa, ang mga multa, interes, surcharges at iba pang karagdagang bayarin mula Enero 2020 hanggang Disyembre 2021 sa lahat ng hindi bayad na buwis, regulatory fees at service charges ay ibabasura basta’t magbayad ang taxpayers sa kanilang accounts mula Enero hanggang Hunyo 30 ng susunod na taon. “Many of our constituents suffered financial instability because of the pandemic. Now that they are trying to get back on their feet and…

Read More

‘MAGIC 12’ TARGET MAKUMPLETO NG POLPHIL

MISTULANG isang selection team ang paglalarawan sa koponang isinusulong ng grupong kinabibilangan ng mga batikang political operators para sa pagiging senador sa nalalapit na 2022 general elections. Sa kalatas ng Political Officers League of the Philippines (POLPHIL) kasabay ng kanilang 3rd national assembly na ginanap sa Manila Hotel sa temang “We Stand as One,” anim pa lamang sa 174 na naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para senador ang nakikita nilang may integridad at kakayahang tugunan ang mabigat na responsibilidad na nakaatang sa isang mambabatas. Kabilang sa kanilang tinaguriang selection…

Read More

MOST WANTED PERSON SA ISABELA, TIMBOG SA QC

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Antonio C. Yarra ang pagkakaaresto sa no. 8 regional level most wanted person ng Isabela PPO, sa isinagawang joint operation ng Galas Police Station (PS-11) at Cabagan Police Station, Isabela noong Huwebes sa Brgy. San Isidro, Galas, Quezon City. Kinilala ni P/Lt. Col. Von June Nuyda, station commander ng PS-11, ang akusado na si Reymar Bada, 35-anyos, residente ng Brgy. Calingayan, Tumauini, Isabela. Ang akusado ay naaresto dakong alas- 2:00 ng hapon noong Disyembre 2, 2021 sa Luzon Ave., Brgy. San Isidro, Galas, Quezon City. Si…

Read More

ATENEO LAWYERS SUMUPORTA SA BBM-SARA UNITEAM KONTRA-DAYA

NAG-ALOK ng libreng serbisyong legal ang 13 abogado ng Ateneo Law School kay presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para tulungan siya sa kanyang pangangampanya at magbantay ng boto nito sa darating na halalan sa 2022. Personal na nagtungo ang mga abogado, na pawang mga miyembro rin ng Fraternal Order of Utopia, nitong Huwebes ng hapon sa tanggapan ng secretary general ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na si retired Gen. Thompson Lantion sa BBM headquarters sa Mandaluyong City. Si Marcos Jr. ang standard-bearer ng PFP. “They are here to…

Read More