PAGBABALIK NG CURFEW TINABLA NG MMDA

SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na hindi kailangan na muling magpataw ng curfew sa National Capital Region (NCR) dahil ang mga residente ngayon ng rehiyon ay marunong “mag-self regulate” sa gitna ng surge sa COVID-19 cases. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Abalos na alas-8 pa lamang ng gabi ay halos sarado na ang mga restaurant sa mga mall at halos kaunti na lamang ang mga tao sa kalye. “Noong kami ay nag-usap noong nakaraan, nakita namin sa larawan na halos siguro alas otso…

Read More

Tata Gus Villanueva, 83 PAGLISAN NG HALIGI NG PERYODISMO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINDI kalakihan ang pangakong kinabukasan sa propesyon ng pagiging peryodista sa bansa sa kabila pa ng hirap at peligro kalakip ng trabahong pinili nila. Ito rin marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit marami sa mga mamamahayag piniling magpalit ng karera. Ilan nga ba ang piniling manatiling peryodista? Ang sagot – konti lang. Isa si Augusto Villanueva. Higit na kilala bilang si Tata Gus, na kabilang sa mga haligi ng pamamahayag. Pag-angat ng batang diyarista Ang totoo, isa si Tata Gus sa pinakabatang naging peryodista.…

Read More

KITA-KITS SA 8TH INT’L GAMEFOWL FESTIVAL SA FEB. 25-27, 2022!

MAHILIG talaga sa sabong ang mga Pilipino. Kumbaga, libangan na nila ito. Sinasabing para naman sa mga taong mahilig sa sabong, ang konsepto ng ‘katapangan’ ay sinisimbolo raw ng mga manok na panabong. Siyempre, hindi maitatanggi na mula noong mga unang panahon, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit kinagigiliwan ng mga kalalakihan ang sabong. Hindi naman natin maitatatwa ito. Bukod sa mga aksyong dulot ng labanan, kinakitaan nila ang mga manok na panabong ng kakaibang tapang. Paano, kaya nilang su­muong sa bawat laban nang hindi iniinda ang sakit…

Read More

BBM-SARA TANDEM, ‘DI KAYANG TIBAGIN

SA kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 cases sa bansa ay abala pa rin ang BBM-SARA UniTeam upang matugunan ang ilang pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan na dumaranas pa rin ng kahirapan mula noong ­manalasa ang pandemya. Kasabay nito ay nanawagan si Presidential ­aspirant Bongbong Marcos sa pamahalaan na maglaan ng pondo upang ­matulungan ang ating mga kababayang manggagawa na dagdag pasanin pa sa kanila ang halaga ng RT-PCR test lalo na sa panahong ito na patuloy na gumagapang ang ekonomiya sa ating bansa. Samantala, tila supalpal…

Read More

DAGDAGAN ANG HEALTHCARE BUDGET PARA SA ATING MGA FRONTLINER

DAHIL sa baba ng sweldo at benepisyo para sa ating mga health worker, hindi natin masisisi na dumarami na sa kanila ang nagnanais mangibang bansa. Noong nakaraang linggo nga lang, inanunsyo ni Jose Manuel Romualdez, ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos, na nasa 100,000 na health worker ang kasalukuyang naghihintay na maaprubahan ang kanilang work visa para sa kanilang inisyal na deployment. At sa gitna ng pandemya kung saan kinakailangan ang mga ekspertong ito para sa ating pagbangon, ang kanilang pagnanais na iwanan ang kanilang bayan para sa mas maayos…

Read More

TIKAS NI SINAS

MINSAN pa, ipinamalas ng retiradong dating Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas ang tikas na mayroon siya sa ilalim ng administrasyong Duterte. Tanging si Sinas lang ang hindi isinama sa kasong kriminal na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa 17 opisyal at operatiba kaugnay ng ­tinaguriang “Bloody Sunday” na kumitil sa siyam na aktibista, kabilang ang mag-asawa sa ­Nasugbu Batangas noong Marso 2021. Bagama’t karaniwang pasok ang pinuno sa bulilyaso ng grupo – batay sa doktrina ng command responsibility – sadyang mahirap para sa NBI…

Read More

PLANO SA LOCAL HOG INDUSTRY IPINOPORMA NA NG BBM-SARA UNITEAM

MAGPAPATUPAD ang BBM-Sara UniTeam ng isang malawakang plano para sa local hog raisers na tatapos sa patuloy na pagtaas ng presyo ng karneng baboy sakaling manalo sila sa darating na 2022 elections. Ayon kina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at kanyang running-mate na si Davao City Mayor Sara Duterte, ang mas mataas na inflation dulot ng pagsipa sa presyo ng karneng baboy ay pabigat sa milyun-milyong pamilyang Pilipino. “High pork prices are a drain in the budget of Filipino households. Simply put, the issue in pork prices is mainly…

Read More

Cruise missiles kontra China? $374-M ARMS DEAL PIRMADO NA — DND

GANAP nang nilagdaan ng pamahalaan at ng private isang arms manufacturer mula sa bansang India ang isang kasunduan para sa pagbili ng supersonic cruise missiles na gagamitin ng Philippine Navy sa pagpapatrolya sa karagatang sakop ng Pilipinas. Paglalarawan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, pinakamabilis sa buong mundo ang $374-milyong halaga ng supersonic cruise missiles na gawa ng Brahmos Aerosphere Private Ltd. (BAPL), isang Indian-Russian aerospace logistics provider. Ani Lorenzana, pirmado na rin niya ang notice of award sa BAPL, hudyat para sa pagde-deliver ng tatlong baterya ng BrahMos missiles, training…

Read More

HATOL NG SC: UNLI DQ VS PICHAY

NAGLABAS ang Supreme Court (SC) First Division ng resolusyon na nagbabasura sa consolidated petitions na inihain ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay kung saan kinatigan din ng high tribunal ang parusang ‘dismissal from service’ na katumbas ng ‘perpetual disqualification to hold any position in government’ na ipinataw laban sa mambabatas. Sa 40-page resolution ng naturang SC division, pinawalang-saysay ng SC ang hirit ni Pichay na isantabi ang mga naunang desisyon ng Court of Appeals (CA), Sandiganbayan at ng Office of the Ombudsman na pawang nagdidiin sa kongresista. Base sa…

Read More