PISTONS SILAW SA SUNS

BALITANG NBA Ni VT ROMANO UMISKOR si Devin Booker ng 30 points sa 30 minutes, inakay ang Phoenix Suns sa 135-108 pagdurog sa Detroit Pistons, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa Michigan. Nakapagtala si Booker ng 11-of-18 shooting sa field at naupo na sa fourth quarter. Nagdagdag naman si Cameron Payne ng 20 points, five rebounds at five assists, habang ang kapwa reserve na si JaVale McGee ay umiskor ng 20 points buhat sa 9-of-10 shooting sa field, bukod sa six rebounds. Maging si Landry Shamet ay nagsumite rin…

Read More

TAMA NA TRAPO SA KONSEHO

SA gawing silangan ng kabisera matatagpuan ang Antipolo kung saan ma­ganda ang klima, malinis ang hangin at mayaman sa kultura. Bagama’t sadyang mainam ang lungsod na kilala sa pamamanata tuwing Mayo. Kung tutuusin, mahusay naman ang sangay ng ehekutibo sa Antipolo, bagay na mas yayabong pa kung may kalakip na kwalipikado sa konseho. Sa pagrerebisa ng talaan ng mga aspirante sa posiyon bilang konsehal, may ilan akong napansing dapat lang manungkulan. Bagama’t ‘di ko naman talaga kilala si Atty. Chito Soronio, pakiramdam ko hindi hamak siyang kwalipikado kaysa piso tumpok…

Read More

BAKIT MAPULITIKA SA PINAS?

MULA noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos, halos taon-taon ay tinatangkang amyendahan ang 1987 Constitution pero taon-taon ding itong nabibigo. Tuwing may bagong Kongreso, meron at ­merong naghahain ng panukalang batas na pag-isahin ang dalawang kapulungan sa ilalim ng Constituent Assembly (Con-Ass) para ang mga mambabatas na lang ang mag-amyenda sa ­konstitiusyon at hindi ma­laki ang gastos. Meron namang nag-hahain ng panukala na ­maghalal ng mga kinatawan ng Constitutional Convention (ConCon) para sila ang bumuo ng bagong “bibliya” ng Pilipinas at maiwasan ang partisan politics at hindi mangibabaw ang…

Read More

39K COVID-19 CASES NAITALA SA ISANG ARAW?

NAKABABAHALA na ang mabilis na pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa impormasyon na nakuha ng PUNA mula sa Department of Health (DOH) nitong nakaraang Enero 15, 2022 ay nakapagtala ng 39,004 na bagong kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw sa bansa. Ang bilang na ito ay pinakamataas na kaso nang magsimula ang COVID-19 noong Marso 2020. Sa petsang ito, mayroong naitalang 23,613 na gumaling at 43 ang namatay. Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ay 8.9% (280,813) ang aktibong kaso, 89.5% (2,834,708)…

Read More

PASAKALYE SA BAGONG DISKARTE

SA mabagal na pagbaba ng mga ­kumpirmadong kaso ng mga positibo sa nakamamatay na ­COVID-19, ­paulit-ulit ang pasaring ng ­Depart­ment of Health (DOH) sa kanilang pagpapalit ng estratehiya. Ang ­dating giit na contact tracing isinantabi para bigyang daan ang mass testing. Ganito ang himig ng departamento buwan ng Abril at Mayo ng taong 2020. Anila, hindi sapat ang face mask bilang proteksyon laban sa COVID-19, kasabay ng rekomendasyon para sa pwersahang paggamit ng face shields ng bawat Pilipino. Ang resulta – garapalang katiwalian. Ayon sa DOH, dodoble pa ang antas…

Read More

Sa muling paglikha ng trabaho NEGOSYO, AGRI, TURISMO AT INFRA PRAYORIDAD NI BBM

INILATAG ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang mga prayoridad para agad makalikha ng trabaho sa muling pagbangon ng bansa mula sa hagupit ng COVID-19, kung sakaling palaring mahalal kasama ang ka-tandem niyang si vice presidential aspirant Mayor Sara Duterte sa darating na Mayo. Sa panayam sa SMNI nitong Sabado, inisa-isa ni Bongbong kung ano ang mga plano nila ng kanyang katambal na si Mayor Sara para makalikha ng maraming trabaho. Prayoridad ng BBM-Sara UniTeam ang pagtutok sa negosyo, agrikultura, turismo at imprastraktura kabilang na ang pagpapatuloy sa matagumpay…

Read More

KULONG KAY SUU KYI KINONDENA NG DFA

KINONDENA ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang four-year jail term na hatol sa pinatalsik na si Myanmar leader Aung San Suu Kyi noong nakaraang linggo. “The military regime is using the judicial system to silence political opponents and crush the National League for Democracy,” ang pahayag ni Locsin sa isang kalatas. “Nearly a year has passed since the military coup in Myanmar. The situation has deteriorated sharply in all areas of society over the past year. I am deeply concerned about the suffering of the civilian population,” dagdag…

Read More

Sa unang araw ng implementasyon HIGIT 100 PASAHERO SINITA SA ‘NO VAX, NO RIDE’

SINITA at pinababa sa sasakyan ang mga pasaherong hindi bakunado sa unang araw ng pagpapatupad ng polisiyang no vaccination, no ride/entry sa mga pampublikong sasakyan sa National Capital Region (NCR). Bandang tanghali kahapon ay may 155 na ang mga pasaherong pinababa sa inspeksyon ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT). Ikinasa ang magkakahiwalay na operasyon sa Caloocan, Quezon City at Pasay. Sa Commonwealth Avenue, Quezon City, limang Public Utility Vehicle (PUV) ang sinita habang 12 naman sa Mindanao Avenue. Karamihan sa mga idinadahilan ng mga pasahero ay nakalimutan ang vaccination card…

Read More

Ikinakasa ng mga tagasuporta FEB. 14 PROCLAMATION RALLY NG UNITEAM SA QC

IKINAKASA na ng mga tagasuporta ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang isasagawang proclamation rally ng UniTeam sa Quezon City sa mismong Valentine’s Day, Feb. 14, 2022. Kaugnay nito, umaasa ang kampo ni Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor na papayagan na sila ng lokal na pamahalaan na makapagdaos ng proclamation rally sa Quezon City Memorial Circle (QCMC). Kahapon ay nagtungo si Edwin Rodriguez, kinatawan ng Malayang Quezon City sa tanggapan ng QCMC para pormal na humingi ng pahintulot na magamit ang QCMC sa nasabing…

Read More