MABIGAT PA RIN ANG TIMBANG KAHIT NAG-EEHERSISYO, MAY MALI BA?

MABIGAT

Nagpapapawis na’t lahat wala pa ring nangyayari. Lahat na yata ng workout ay ginawa na pero parang hindi nababawasan ang timbang o kung mabawasan man ay parang hindi nahahalata. Bakit kaya?

Ang siste kasi sa mga nag-e-exercise ay marami sa kanila ang matapos ang kanilang aktibidad ay kumakain din sila agad – at hindi basta kain kundi mas marami ang kanilang kinakain. Iniisip kasi nila na dahil nakapagpapawis na sila ay na-burn na ang fats na kailangan nilang i-burn.

Tandaan natin na ang pag-burn ng lahat ng fats ay hindi naman nangyayari overnight. Kung matapos agad ang exercise at susundan agad ito ng walang disiplinang dami at uri ng kakai-nin ay wala talagang mangyayari. Ito ay dahil mas mabilis ang pagpasok ng bagong fats dahil sa mga kinakain matapos ang exercise kumpara sa pagtunaw nito tuwing nag-eehersisyo.

Kaya mahalaga talagang may solido tayong determinasyon sa pagbababawas ng timbang at hindi masabi lang na nag-eehersisyo.

Kung hindi ka naman sigurado sa mga dapat mong kainin ay makakatulong ang manghingi ng payo mula sa experts para may patunguhan talaga ang pag-eehersisyo mo.

Please follow and like us:
Read More

HEALTHY DIET PARA SA HEALTHY LIFESTYLE

HEALTHY DIET

Kapag kumain ka ng masusustansyang pagkain ay isang sure way din ito para makabawas sa timbang.

Sa pagkain ng healthy food ay nagiging healthy din ang utak at maganda ang ating nagiging mood. Good plus din na maiiiwas tayo nito sa iba’t ibang uri ng sakit.

Pero batid natin na cha-llenging din ang pagkakaroon ng healthy lifestyle at pag-stick sa healthy food para maging maayos ang ating kalusugan at mabawasan ang taba sa katawan. Paano ba gagawin ang mga ito?

1. Maging realistic sa expectations

Alam natin na kapag kumakain tayo ng mga pagkaing mayaman sa nutrisyon ay may potential benefits ito para makabawas ng timbang at magkaroon ng healthy na katawan. Pero si-yempre dapat may realistic expectations para rito.

Sa pag-achieve ng ganitong bagay dapat ay walang pressure sa iyo ang gagawin mo o hindi ‘yong napipilitan ka lamang. Dahil kung may pressure ay napakataas ng tendency na masira nito ang plano mong maabot ang mas maayos na kalusugan ay mag-backfire lamang.

Doon ka muna sa dahan-dahan at sa kaya ng katawan hanggang sa makasanayan mo na ang pagkakaroon ng healthy diet.

2. Kailangang magkaroon ng motivation

Kapag naalala mo kung bakit kailangan mong magkaroon ng healthy choices ay malaking bagay para makatulong sa iyo ito for you to stay on course.

Magkaroon ka ng list sa specific reasons kung bakit gusto mong maging healthy. Keep this list handy para alam mong may reminder ka.

3. Ilayo ang mga unhealthy food sa bahay

Kung surrounded ka ng junk foods, mahihirapan kang mag stick sa plan mong maging healthy. Kung mayroong kang kasama sa bahay na mahilig sa pagkaing ganito ay mabuting itago na lamang ang mga ito sa lugar na hindi madaling makita.

“Out of sight, out of mind” ang kasabihang dapat mag-apply dito. Ayon sa pag-aaral marami ang tumataba dahil ang mga taong ito ay maraming nakikitang pagkain na hindi naman masusustansya.

4. Magbaon ng healthy snacks

Mahirap mag-stick sa healthy diet lalo na kapag wala ka sa bahay sa mahabang oras kaya kailangang may baon ka palagi nito para hindi ka nawawala sa plan mo.

Ang tendency sa marami, kapag nagutom at wala nang healthy snack na available ay sige-sige na lamang sa kung anong pwedeng makain magkalaman lamang ang sikmura kaya naman ang goal mo na maging healthy ay nasisira lamang.

Ang ilang portable, healthy snacks ay almonds o peanuts, jerky pero piliin mo ang chicken o turkey nito para mas healthy. Pwede ring i-consider ang hard boiled eggs, cheese o yogurt na ilalagay mo sa small cooler. Siyempre dapat ay nasa tamang dami lamang ito para hindi ka masobrahan sa pagkain.

5. Mag-exercise at ibahin ang diet

Narinig mo na siguro na hindi mo dapat baguhin ang maraming bagay all at once kapag gusto mong maging healthy talaga. In general, good advice ito.

Ngunit ayon sa pag-aaral, “when you make both dietary and physical activity changes at the same time, the results tend to reinforce each other.”

Sa pag-aaral pa at obserbas-yon sa 200 katao na nagsimulang mag-ehersisyo at baguhin ang kanilang kinakain, mas naging epektibo sa kanila ito para magkaroon ng healthy na pangangatawan at kalusugan. Sa ganitong paraan din ay namamantina nila ang kanilang goal sa healthy body and lifestyle.

6. I-enjoy ang kinakain

Habang mindful ka sa uri ng pagkaing kakainin, mahalaga rin na nai-enjoy mo ito at hindi ka nagmamadali.

7. Imonitor at i-track ang progress

Mas maiging naka-log ang goal mo na ito mula sa ehersisyo na iyong ginagawa at pagkaing iyong napipili.

Mahalagang nasusukat mo ang mga bagay na ito para makita mo kung may improve sa iyong mga ginagawa dahil kung maganda ang progress na nangyayari sa iyo ay lalo kang magkakaroon ng motibasyong ipagpatuloy pa ito.

8. Sumali o mag-encourage ng iba

Maiging may partner ka o grupong makakasama sa pagkamit ng goal mong maging healthy at fit. Mas maigi ring ma-ging influence ka sa iba para mas ganado kang gawin ang dapat mong gawin.

9. Huwag ma-discourage kung mabagal ang result ng goal

Hindi lahat ng taong nagwo-workout at on a diet ay mabilis na nakukuha ang goal na hinahangad dahil iba-iba rin ang sistema ng ating katawan.

Dapat magkaroon ng pasensya para rito at umasang sa dagdag willingness mo o effort ay makukuha mo ring maging healthy tulad ng iba.

10. Alamin kung anong uubra at maigi sa iyo

Walang perpektong paraan na uubra para sa lahat kaya mahalagang malaman mo kung anong exercise at pagkain ang may positive at effective result sa iyong katawan at isipan.

Please follow and like us:
Read More

SALUDO KAMI SA SUPORTA NI MAYOR VICO SA ZAGU WORKERS

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Nakatutuwang balita na ang bagong mayor ng Pasig City na si Vico Sotto ay nagpakita ng kanyang pagsuporta sa mga naka-strike na manggagawa ng Zagu. Ang mga manggagawang nabanggit ay nakapiket dahil sa kontraktwa­lisasyon na isinasagawa ng kompanyang ito.

Saludo ang mga kinatawan ng Bayan Muna, kabilang sina Rep. Ferdie Gaite at Eufemia Cullamant sa pagkilala ni Mayor Vico sa karapatan ng manggagawa. Bihira ang mga lokal na opisyal na magpakita ng pagkilala at pagsuporta sa mga nakikibakang manggagawa para sa kanilang karapatan. Saludo kami sa iyo!

Dapat tularan ng iba pang mga opisyal ng gobyerno ang ginawa na ito ni Mayor Vico. Lalo pa ang mga nasa ahensya ng gobyerno na dapat nangangalaga sa manggagawa, tulad ng Department of Labor and Employment o DOLE. Dapat nilang panindigan ang kanilang pangako na tatapusin nila ang endo, at tunay na pumanig sa mga manggagawang Filipino. May matututunan din ang Philippine National Police o PNP kay Mayor Vico. Na imbes iutos na buwagin ang piket, ay kilalanin ang karapatan ng manggagawa na mag-unyon at gumawa ng mga aksyon upang ipagtanggol ang kanilang karapatan sa paggawa.

Hamon sa ating mga lokal na opisyal na tularan ang makamanggagawa at makamamamayan na mga tindig at gawain ni Mayor Vico. Ipakita nila ang tunay na malasakit sa kanilang nasasakupan sa pagsuporta sa mga laban at dinggin ang mga hinaing nila.

Gayundin, ipinapakita ng isyu na ito na buhay na buhay pa ang kontraktwa­lisasyon sa ating bansa, bagama’t maraming sinabi ang gobyerno sa pagpapabasura sa di-makataru­ngang iskemang ito. Kaya naman dapat ay tuluy-tuloy ang a­ting panawagan na ibasura ang kontraktwa­lisasyon, at sa mga manggagawa na igiit ang kanilang karapatan sa paggawa, kasama na ang regularisasyon at mga benepisyo. (Kakampi Mo ang Bayan / TEDDY CASIÑO)

Please follow and like us:
Read More

HINDI DAPAT MABAHALA SA UNHRC RESOLUTION

SIDEBAR

Kung si dating presidential spokesperson Harry Roque ang tatanungin, hindi dapat mabahala ang pamahalaan sa resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na nagpapaimbestiga sa naging kondukta ng drug war ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Toothless tiger” ang deskripsyon ng international law expert na si Atty. Roque sa UNHRC dahil isang “shaming mechanism” lang ang mga resolusyon nito at hindi naman kayang ipatupad ito nang walang pagsang-ayon ang mga bansa na subject ng human rights inquiry gaya ng Pilipinas.

Sa saligan, ang natu­rang resolusyon ng UNHRC ay manipesto lang ng 18 bansa na pumirma rito na isang minoryang maitutu­ring dahil 47 ang member-countries ng naturang konseho ng United Nations.

Ito ang paliwanag ni Roque: “UNHRC’s mandate is limited to periodic review of individual states compliance with treaty obligations through thematic and country-specific rapporteurs.

Idinagdag pa ni Roque na ang mga naturang rapporteurs ay kailangang imbitahin ng isang member-country gaya ng Pilipinas para makapagsagawa ng imbestigasyon. Karapatan din ng member-country na hindi payagang makapasok ng bansa ang mga rapporteurs at ito ay naaayon sa patakaran ng UN.

Nangangahulugan lang ito na mas mahalaga sa UN ang soberanya ng member-countries nito at hindi papayagan na malabag ang mga internal na batas ng mga bansang miyembro ng UN.

Kaya nga karapatan din ng UN member-countries na umalis sa mga komisyon gaya ng UNHRC na siyang ginawa noon ng Estados Unidos noong kasagsagan ng imbestigasyon sa kalagayan ng international terrorists na nakakulong sa detention centers ng US bilang bahagi ng “US war on terror” matapos ang 9-11.

Ang Philippine National Police (PNP) ang nangu­nguna sa “war on drugs” at ayon kay PNP chief PGen Oscar Albayalde, umaabot lang sa 6,600 ang napatay sa giyera laban sa droga mula Hulyo 2016 hanggang Mayo 2019.

Kamakailan ay hinamon ni PGen Albayalde ang human rights groups na bigyang liwanag ang sinasabi nilang 27,000 katao na napatay sa “drug war” na siya ring datos na ginamit sa UNHRC resolution na inisponsoran ng bansang Iceland.

“We have the list of the 6,600 deaths in the war on drugs. Ours is covered by data, records, and these are all submitted to the Office of the Solicitor General. Can we have probably a list of these 27,000 na pinaulit-ulit nilang sinasabi? Show us the list, the names, and we will gladly investigate all of these kung totoo man ‘yan,” ani Albayalde sa isang panayam sa mga mediamen sa Camp Crame in Quezon City.

Kung susuriin ang na­ging botohan sa 41st regular session ng UNHRC sa Geneva, Switzerland, karamihan ng 18 bansang bumoto sa resolusyon ng Iceland ay mga bansa sa Europa na malamang ay kumukuha lang ng impormasyon mula sa human rights groups na kritikal sa administrasyong Duterte.

Umabot naman sa 14 na bansa ang bumoto laban sa resolusyon ng Iceland samantalang 15 bansa ang nag-abstain o hindi bumoto dahil marahil sa kawalan ng sapat na impormasyon sa war on drugs sa Pilipinas.

Gaya ng sinabi ni Atty. Roque, hindi dapat mabahala ang pamahalaan sa UNHRC resolution dahil hindi ito “unenforceable” o hindi puwedeng ipilit sa Pilipinas at ang habol lang dito ng mga bumotong pabor sa Iceland resolution ay “propaganda value” para hiyain ang Pilipinas.  (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

Please follow and like us:
Read More

BUHAY PINOY

FOR THE FLAG

Nasa $2.6 billion ang naitalang remittance ng overseas Filipino workers para nitong nakaraang buwan ng Mayo.

Mayaman ang Pilipinas sa remittance na hinihigop naman ng mga multi-bilyonaryong negosyante sa bansa.

Pero kung pamimiliin ang OFWs kung mayroon lamang ding trabahong makasasapat sa pangangailangan at makatutustos sa mga pangarap nila rito sa bansa ay pihadong mas gugustuhin nila rito.

Ating busisiing bahagya kung bakit umabot na salat sa trabaho sa mahal nating bansa na nagtutulak sa ating mga kababayan na makipagsapalaran sa ibayong dagat, kung bakit nasa 50% ng ating mga kababayan ay nakaranas ng matin-ding kahirapan at kagutuman, kung bakit na tayo na sana ay isang agricultural country ay nag-aangkat ng basic agricultural products katulad ng bigas mula sa ibang bansa at kung bakit marami sa ating mga kababayan ay nagsisilikasan papuntang ibayong dagat para maghanapbuhay.

Isa sa apat na Filipinong nasa hustong edad ay walang trabaho. May makabagong teknolohiya nga na available at nagagamit natin sa ating social life katulad ng cellphone at ng Internet, ngunit hindi pa ito talaga nagagamit ng pamahalaan para sa edukasyon ng ating mga mag-aaral, lalo na sa paglinang ng mga kapaki-pakinabang na skills na magagamit nila sa pangangailangan ng merkado.

Dugtungan na ‘yan, dahil salat ang trabaho para sa kababayan nating kulang sa skills at edukasyon, at paglisan ng mga negosyo mula sa bansa dahil sa korapsyon, kriminalidad, panggugulo ng ilang elemento at taas na buwis sa pagnenegosyo, ay marami ang nagugutom, mahigit 50 milyong Filipino po o higit sa 11 milyong sambayanan sa buong kapuluan.

Nag-aangkat tayo ng mga produktong bigas, asukal, sibuyas, bawang at marami pang iba na naitatanim naman sa ating sariling bansa ngunit dahil na rin sa globalisasyon at sa pangangailangan ng ating mga mamimili ng mga produktong mas mababa ang presyo ay napipilitan tayo.

Mahigit sa 10% ng mga Filipino ay nagsisipag-abroad upang maghanapbuhay sa ibang bansa o kaya ay upang doon na manirahan. Pagtakas po ito sa kahirapan at upang maiahon ang kani-kanilang pamilyang naiiwan sa bansa.

Ang mga kasagutang sinusubukan ng pamahalaan ay iyang microfinance na tutulong sa mga maliliit nating mga kababayan na makapagnegosyo o kaya ay magkaroon ng puhunan para sa kanilang sakahan at paghahayupan. Pero iilan lamang ang nakikinabang nito, at ang tulong ng pamahalaan sa microfinance industry na bilyun-bilyong piso sa mga nakaraang taon ay mukhang napunta lamang sa wala. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

Please follow and like us:
Read More

PROSESO NG MGA PAPELES SA BOC MABILIS NA

BOC DOCS

(Ni JOMAR OPERARIO)

Sa pamamagitan ng paggamit ng Customs Care Portal System (CCPS) at ng Document Tracking System (DTS), ay mabilis na ngayon ang proseso ng mga papeles ng stakeholders sa Bureau of Customs (BOC).

Magugunitang nitong nakalipas na Hunyo 17, 2019, sinimulang gamitin ang CCPS at DTS.

Ang CCPS ay isang web-based system na kung saan ang stakehol­ders ay dadalhin ang kanilang katanungan, kahilingan sa pamamagitan ng nasabing portal.

Bukod dito, nakapaloob din sa CCPS ay ang ticketing system na kung saan ang unique ticket number ay ibinibigay sa stakehol­ders para sa kanilang bawat pangangailangan.

Sa pamamagitan ng ticket number, ang stakeholders ay magiging madali ang kanilang track online sa kalagayan at progreso ng kanilang request.

Ang Customs personnel mula sa lahat ng BOC offices ay itinalaga para i-monitor at sagutin ang mga katanungan ng stakeholders.

Ang naturang sistema ay hindi lamang  magbibigay ng ginhawa kundi  magkakaroon na rin ng mas transpa­rent environment sa stakeholders.

Gayunpaman, sa mga  importers at Customs brokers na nais magpa-accredit ay kailangan lamang isumite ang  mga requirements sa BOC online na gamit ang  CCPS at hindi na kailangang magtungo sa Account Management Office para isumite ang kanilang documentary requirements.

Ang DTS ay magbibigay daan sa publiko para makita at ma-monitor ang kalagayan ng dokumento na natanggap ng bureau.

Dahil dito, hinikayat ang stakeholders na gamitin ang nasabing bagong inimplementang information system para maging madali ang kanilang transaksyon sa ahensya.

Please follow and like us:
Read More

PANINIYAK NG BOC-NAIA: ILLEGAL GOODS WALANG LUSOT

BOC-NAIA

(Ni JOMAR OPERARIO)

Tiniyak ni Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) District Collector Mimel Talusan  na hindi makalulusot sa kanila ang mga illegal goods na planong ipasok sa pamamagitan ng nasabing paliparan.

Ang paniniyak ni Talusan ay bunga ng sunud-sunod nilang pagkakasabat ng mga ilegal na kontrabando na tinangkang ipasok sa NAIA.

Nitong nakaraang Hulyo 1, 4 at 7, 2019 ang BOC-NAIA ay nakasabat ng iba’t ibang klaseng baril at rifle parts mula sa DHL warehouse sa Pasay City.

Ang mga imported na baril at iba’t ibang parte nito ay nagmula sa Hong Kong at nadiskubre sa DHL warehouse na hindi idineklara ng tama dahil sinabing general merchandise lamang ito.

Samantala ang pistol at pistol parts papuntang Taiwan ay misdeclared bilang “new water pump”.

Sa nasabi ring warehouse, natagpuan naman matapos ang  isinagawang eksaminasyon  sa abandonadong goods noong Hulyo 7, 2019 ang airgun rifle at 4 na pirasong airgun accessories at gun parts mula China.

Nauna rito, sa isinagawang Customs operations, nasabat ang   kalaha­ting milyong pisong baril at mga bala papuntang Taiwan  sa DHL warehouse noong nakaraang Pebrero 2019.

Sa ilalim ng Sections 119, 1400 at 1113 ng RA No. 10863 (Customs Mo­dernization and Tariff Act) at Repuclic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) ay nakasaad na ang lahat ng  may kinalaman sa import at export ng mga baril, piyesa at mga bala nito na walang kaukulang clea­rance mula sa gobyerno ay kinakailangang kumpiskahin pabor sa pamahalaan.

Gayundin naman ngayong  Hulyo 2019, sa isang Customs operations ay  nakumpiska ang  baril at mga piyesa sa pakiki­pagtulungan sa Philippine National Police-Firearms and Explosive Office (PNP-FEO).

Kaugnay nito, ang mga awtoridad ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon para matukoy at makasuhan ang nasa likod ng nasabing gun smuggling.

“We do not sleep at the NAIA District office, if only to ensure that illegal goods, especially guns and drugs are apprehended and are not able to get through Customs,” ayon kay Talusan.

Please follow and like us:
Read More

GAMBLING PARAPHERNALIA NASABAT NG BOC-KIA

GAMBLING PARAPHERNALIA

(Ni Jo Calim)

iba’t ibang gambling paraphernalia ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Kalibo International Airport (BOC-KIA, Aklan) na dumating sa nasabing pwerto kamakailan.

Kabilang sa mga ito ay ang iba’t ibang poker chips, dealer chips, casino playing cards, casino dices at mahjong sets.

Batay sa ulat, ang nasabing mga gambling paraphernalia ay dumating sa BOC-KIA dala ng  isang tao na hindi binanggit ang pangalan noong nakaraang Hulyo 4 at 6, 2019.

Kinumpiska ang mga ito dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) partikular ang Section 119 (b), Customs rules and regulations.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng BOC-KIA/Enforcement Security Service (ESS) ang  nasabing mga gambling paraphernalia, ayon sa Warrant of Seizure and Detention (WSD) na i­nisyu laban sa nilabag nitong artikulo.

Matatandaang pumutok ang balitang planong tayuan ng casino ang isang lugar malapit sa Boracay Island, subalit hindi natuloy matapos magpahayag ng pagtutol  si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang Boracay ay dinaragsa ng mga dayuhan mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo dahil sa angking ganda nito, kung kaya’t pinaniniwalaang ang mga nakumpiskang gambling paraphernalia ay doon gagamitin.

Please follow and like us:
Read More

SURPRISE RANDOM DRUG TEST SA BOC EMPLOYEES AT OFFICERS

DRUG TEST SA BOC

(Ni JOEL O. AMONGO)

Isinailalim sa surprise random drug test ang mga empleyado at opisyales ng Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang Lunes ng umaga pagkatapos ng kanilang flag raising ceremony sa Port Area, Manila.

Ang isinagawang surprise drug test ay bilang  pagtupad  na rin sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tuluyan  nang masugpo ang  illegal drugs sa mga  ahensya ng pamahalaan tulad ng BOC.

Inisyatibo na rin ito ng  tanggapan ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa  hangaring  maging drug-free workplace  ang ahensya.

Kabilang sa nakipagtulungan sa nasabing isinagawang drug-testing ay ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Tumulong din ang CIIS at CAIDTF sa chemist mula sa PDEA para kolektahin ang mga urine samples mula sa mga empleyado na nakatalaga sa Office of  the Commissioner, Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay Deputy Commissioner Raniel Ramiro ng Intelligence Group, isinagawa ang drug test  bilang pagtalima sa Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation No. 13, Series of 2018 na naglalayong tiyaking maging drug-free workplace policies ang lahat ng opisina ng gobyerno.

Ang sinumang opisyal at empleyado na tatangging magpa-drug test na walang dahilan ay iisyuhan ng show cause order mula sa tanggapan ng commissioner habang ang sinumang magpositibo sa paggamit ng droga matapos ang inisyal na pagsusuri ay isasailalim pa sa confirmatory drug test.

Please follow and like us:
Read More