PASABOG NI ‘BIKOY’ ‘DI BIBILHIN NI LACSON

SEN LACSON-2

SINABI ni Senador Panfilo Lacson nitong Huwebes na hindi niya paniniwalaan ang ibinunyag ni Peter Joemel Advincula  kung saan inaakusahan niya ang Liberal Party at si Senador Antonio Trillanes na nasa likod ng “Totoong Narco-list” videos laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson, dating hepe ng Philippine National Police na kailangang magpakita pa ng mas matitinding ebidensiya si Advincula at hindi basta kwento lang.

“He suffers from a serious credibility problem that he must overcome if he wants to be believed this time. He can only do it by presenting solid and substantial proof of his alleged meetings and regular communication with the people that he is now turning the tables on,” sabi ng senador.

Iiiwan na lamang umano ni Lacson ang mga sinabi ni Advincula sa tamang awtoridad para siyang humawak at gawan ng malalimang imbestigasyon sa pinakahuling pasabog.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PROJECT SODOMA: PABAGSAKIN SI DU30; ILUKLOK SI LENI

bikoy2

(NI JG TUMBADO)

ISINIWALAT  din ni Peter Joemel  Advincula na nais umanong pabagsakin ng Liberal Party si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng narco video at kung magtagumpay man umano ay si Leni Robredo ang hahalili sa puwesto bilang pangulo ng bansa.

Maka ilang beses na rin aniya silang nagpupulong kasabay ng pagpaplano para matiyak ang paglulunsad ng “Project Sodoma” na umanoy isang proyekto para sa iisang layuning pabagsakin ang administrasyong Duterte.

“Dahil kapag napabagsak si Presidente Duterte, ang uupo, duly constitutionalized, Her Excellency Leni Robredo, and she will appoint from the Senate or the House, to be the vice president. Sonny will be in line to become the vice president,”pagbubunyag pa ni Advincula.

Dagdag pa ni alyas “Bikoy” na simula umanong maipakalat na ang videos sa social media ay hindi na nagpakita pa sa kanya si Trillanes at hindi na rin siya sinasagot nito  kung kaya’t isa sa mga dahilan kung bakit siya nagdesisyong lumantad sa publiko.

 

Please follow and like us:
Read More

NARCO VID SINIMULAN, TINAPOS SA LOOB NG KUMBENTO

nikoy2

SINABI ni Peter Joemel Advincula, ang nagpakilalang si ‘Bikoy’ sa serye ng narco video na ikinalat kung saan iniuugnay sa droga ang halos buong pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iligal na droga, na isang pari ang nagpakilala sa kanya kay Senador Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Advincula na ang buong serye ng video at plano ay inumpisahan sa isang kumbento at doon din natapos ang lahat.

“Ang lahat ng nangya ri sa ‘Ang Totoong Narcolist’ video episode 1 to video episode 5, ‘yong nirecord ko no’ng nasa isang kumbento ako, lahat ‘yon pawang scripted, lahat ‘yon pawang kasinungalingan,”giit nito.

Ginawa anya ang video upang siraan mismo ang Pangulo at maging ang lahat ng administration candidates kabilang si dating Special Assistant to the President na ngayon ay senator-elect Christopher “Bong” Go.

Kabilang din sa mga iniuugnay ni Advincula sa paggawa ng narcolist video ay ang pangunahing mga miyembro ng Liberal Party na sina Senator Risa Hontiveros at Senator Leila De Lima.

“Kasinungalingan kasi may plano ‘yong kabilang kampo, ‘yong kabilang kampo magpaputok ng issue para ma-divert ‘yong attention ng tao, papataas nang papataas ang ratings ng administration candidate samantalang walang pumapasok particularly sa Otso Diretso candidate,”paliwanag nito.

“At ito nga ‘yong paputok nong kay Bikoy, para ma-discredit si Senator-elect Bong Go hindi totoo ‘yon, walang katotohanan, at ‘yon pawang orchestrated lamang ng mga nasa-kabilang party which is the Liberal Party under the handling of Senator Antonio Trillanes IV,” dagdag ni Advincula.

“Hindi ko ho kaya na panindigan ‘yong mga scripted lang ng kwento na ngayong talo na ‘yong mga kandidato nila nararamdaman ko unti-unti na akong nilalaglag, at ang kinakatakutan ko ay baka sila pa ang mag-eliminate sa akin kalaunan dahil wala na akong silbi,”saad pa nito.

 

Please follow and like us:
Read More

NAGKA-ONSEHAN; BIKOY UMAMIN: NARCO VID PAKANA NI TRILLANES, LP

bikoy19

IBINUNYAG ni Peter Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang si ‘Bikoy’, na ang narcolist videos ay plinano at ginawa ng Liberal Party at ni Senator Antonio Trillanes IV.

“Ito ay pawang orchestrated lamang ng Liberal Party under the handling of Senator Antonio Trillanes IV,” ayon kay Advincula sa isang press briefing, Huwebes ng umaga sa Camp Crame.

Sumuko si Advincula Miyerkoles ng gabi sa Northern Police District.

Inamin ni Advincula na ang mga tao sa likod ng video ay nangako sa kanya ng P500,000 kapalit ng pagpayag

na mailabas siya sa narcolist videos.

Gayunman, hindi umano naibigay ang napag-usapang halaga at ngayon ay nakokonsensiya na kaya ibinunyag ang lahat.

“Ito na yung totoong tawag ng konsensya na napakahirap mabuhay na merong director, may nagsusulat ng gawain mo,” ayon pa rito.

Sinabi pa ni Advincula na isang pari ang nagpakilala sa kanya kay Trillanes.

Please follow and like us:
Read More

EX-TOURISM SEC DURANO PINAYAGANG MAG-ABROAD

ace12

(NI JEDI PIA REYES)

PINAGBIGYAN ng Sandiganbayan 7th division ang mosyon ni dating Department of Tourism secretary Ace Durano na maka-biyahe patungong Australia sa susunod na buwan.

Sa isang resolusyon, kasabay ng pagpayag ng korte na makalabas ng bansa si Durano ay kailangan nitong maglagak ng travel bond na nagkahalaga ng P60,000.

Batay sa motion to travel ni Durano, ang kanyang biyahe sa Australia ay mula sa Hunyo 2 hanggang 15, 2019.

Kung mabigo naman si Durano na makabalik ng Pilipinas matapos ang biyahe nito sa Australia, tuluy-tuloy pa rin ang pagdinig sa kaso nito.

Si Durano ay nahaharap sa kasong graft kaugnay sa maanomalyang pagbili ng mga DOT wall calendar na nagkakahalaga ng P2.7 million noong 2008.

Ayon sa prosekusyon, hindi dumaan sa public bidding ang pagbili ng mga kalendaryo.

Please follow and like us:
Read More

UAAP SEASON 81: RONDINA, LACUNA ATHLETES OF THE YEAR

ATLETA12

(NI JOSEPH BONIFACIO)

ITINANGHAL sina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina ng University of Santo Tomas at Jessie Khing Lacuna ng Ateneo University bilang Athletes of the Year ng UAAP Season 81.

Sa seremonyang ginanap nitong Martes sa Mall of Asia Arena, nanguna si Rondina sa team sports category. Ito naman ang ikalawang AOY award ni Lacuna, na unang inangkin ang karangalan noong 2016, kung saan kasosyo niya sina Ian Lariba, ang namayapang table tennis Olympian ng De La Salle, Alyssa Valdez ng Ateneo women’s volleyball at Queeny Sabobo ng Adamson softball.

Si Lacuna, isa ring Olympian, ay tinapos ang makulay na swimming career sa nakulektang 35 gold medals.

Si Rondina, sa kanyang huling taon sa UST, ay inakay ang Tigresses sa ikatlong sunod na beach volleyball crowan at fourth overall sa loob ng limang taon, bukod pa sa kanyang apat na season MVP award. Habang pangunahan din niya ang runner-up finish ng women’s team sa indoor volleyball, kung saan siya rin ang tinanghal na season MVP.

“Blessed and di ko rin inexpect na sa akin mapupunta.

Thank you. Siguro, para sa lahat ng teammate ko to. Nakakasurprise talaga siya,” pahayag ni Rondina matapos tanggapin ang AOY award.

Ang UST rin ang tinanghal na overall champions sa ikalimang sunod na pagkakataon. Sa junior division, tinanghal na 19th overall champions ang Tiger Cubs.

Winalis naman ng Ateneo ang Athlete of the Year plums sa juniors division, sa pangunguna ni Kai Sotto at ng young tanker na si Philip Joaquin Santos sa team at individua categories.

Isinalin naman ng National U ang hosting job sa Ateneo para sa Season 82.

Please follow and like us:
Read More

DEPED PABOR SA ROTC     

deped12

(NI BETH JULIAN)

INIHAYAG ni Education  Secretary Leonor Briones na suporta nito ang panukala na ibalik ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa mga kolehiyo.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Briones na pabor ito sa ROTC para maitatak sa mga bata ang disiplina sa sarili.

Sinabi ni Briones na kung maipapasa ng Senado ang sariling bersyon ng mandatory ROTC at malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas bago ang June 7, ay mayroon nang 100 paaralan na magiging pilot area para sa pagpapatupad ng mandatory ROTC sa loob ng dalawang taon.

Ang nasabing panukala ay naipasa na sa third and final reading na mandatory ROTC bill.

Please follow and like us:
Read More

REKLAMO VS EX-FDA CHIEF IBINUNYAG NG PALASYO

puno12

(NI BETH JULIAN)

IBINUNYAG na ng Malacanang ang iba’t ibang reklamong tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay dating Food And Drug Administration director general Nela Charade Puno.

Sa pahayag ni Presidential Secretary Salvador Panelo, tinanggap na ng Pangulo ang isang liham mula  sa Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) kung saan nakasaad na pinapurihan ang pagsibak kay Puno.

“We fully support your resolute actions at the FDA, including the replacement of its director general, for us to effectively and efficiently conduct commerce that is consistent with your agenda of increasing competitiveness and ease of doing business to fuel human capital and economic development,” nakasaad sa liham ni PHAP executive director Teodoro Padilla kay Duterte na may petsang May 17.

“The President also wants to share to the public that he has received numerous, as in numerous complaints from doctors, including his own doctor about the former director general (Puno), and many complaints from other sectors,” pahayag ni Panelo.

Una nang pinabulaanan ni Puno na korapsyon ang dahilan ng kanyang pagkakatanggal at sinabing ito ay “clear attack” laban sa kanya.

Ayon kay Panelo, ang lahat ng dokumento ng Commission on Audit (CoA) ay ipapasa sa Department of Justice (DoJ) para ma-review at makapagsampa ng kaso laban kay Puno.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PIA WURTZBACH BAGONG KABABALIWANG VLOGGER

pia100

SOON pwede nang idagdag ni Pia Wurtzbach ang “vlogger” sa kanyang dumaraming titles. Kailan lang, sinabi ng 2015 Miss Universe na pinaghahandaan na niya ang pagba-vlog. Abangan na lang daw ito ng kanyang mga followers.

“Is this thing on?” sabi niya sa isang Instagram post, kung saan makikitang nagse-selfie siya noong Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon. Mayroong 8.4 million followers si Pia sa Instagram, kaya inaasahang magiging hit din ang kanyang vlog.

Ngayon ay host si Pia ng isang travel show, ang “Pia’s Postcards” sa Metro Channel kung saan bumibisita siya sa iba’t ibang lugar.

Please follow and like us:
Read More