DOTr NAGPALIWANAG SA COA SA MABABANG KITA NG MRT-3

coa55

(NI KEVIN COLLANTES)

NAGPALIWANAG ang Department of Transportation (DOTr) matapos punahin ng Commission on Audit (COA) ang performance ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) noong 2018.

Sa pahayag, sinabi ng DOTr na bumaba ang bilang ng maaasahan at ligtas na tren ng MRT-3 nitong 2018 kaya’t nabawasan rin sila ng ridership at ng kita.

“Revenues require ridership, ridership requires trains, and it is unfortunate that the number of reliable and safe trains available to MRT-3 in 2018 went down due to years of neglect, bad maintenance practices, and failure to undertake scheduled overhaul and upgrading works,” pahayag pa ng DOTr.

“Years of mismanagement of MRT-3 resulted in the compounded degradation of MRT-3, which DOTr MRT-3 has successfully halted and stabilized in 2018, and which is being reversed with the 26-month comprehensive rehabilitation of the railway by Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries (MHI) from May 2019 to July 2021,” ayon pa sa DOTr.

Binigyang-diin din ng DOTr-MRT3 na hindi kailanman ang ‘revenue maximization’ ang pangunahing objective nila kundi ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero kaya’t simula nang mag-take over ang MRT-3 Maintenance Transition Team (MTT) sa pangangasiwa sa MRT-3, nang i-terminate ang serbisyo ng Busan Universal Rail, Inc. (BURI) noong Nobyembre 2017, tiniyak nilang ang bibiyahe lamang na tren ay ang mga ligtas at maaasahan para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

 

 

Please follow and like us:
Read More

DEPED WORKERS ISASAMA SA BENEPISYO

deped2

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAIS ng isang mambabatas na bigyan ng karagdagang P10,000 allowance , hindi lamang ang mga public school teachers, kundi lahat ng mga manggagawa sa Department of Education (DepEd) maliban sa high ranking officials na may salary grade (SG) 30.

Sa ilalim ng House Bill 1740 na iniakda ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr., nais nito na bigyan ng karagdagang sahod ang mga empleyado ng DepEd upang hindi na makaltasan ng buwis.

Kung maipapasa ang nasabing panukala na tinawag nitong “An Act Providing for Additional Support and Compensation for Educators in Basic Education”, magkakaroon ng karagdang P10,000 ang allowance ng mga ito empleyado ng DepEd sa loob ng tatlong taon.

“This bill intend to address the financial security of our public school teachers and non-teaching personnel by giving them additional compensation on top of their existing salary and benefits,” ani Villafuerte sa kanyang panukala.

Unang ibibigay ang P4,000 sa unang taong implementasyon ng batas at tig-P3,000 sa ikalawa at ikatlong taon.

Hindi lamang ang mga nagtuturo o teaching personnel ng DepEd ang makikinabang sa nasabing karagdagang allowance kundi ang mga non-teaching personnel maliban sa mga high ranking officials na ang salary grade ay 30 o higit P196,000 ang buwanang sahod.

Kasama rin na makikinabang sa dagdag na benepisyo ang mga public educators at mga locally funded teachers, Philippine Science High School system at non-teaching personnel.

 

Please follow and like us:
Read More

PARENTS’ GROUP NAG-PROTESTA VS ANAK NA NI-RECRUIT NG NPA

parents44

(NI JULIE DUIGAN)

“EDUKASYON hindi rebolusyon” sigaw ng mga magulang sa ginanap na press conference Biyernes ng umaga sa Ermita, Maynila.

Ito ang madamdaming tagpo ng mga magulang na ang kani-kanilang mga anak ay hindi na kapiling , matapos umanong mairecruit ng umano ‘y Kabataan Party List ; Anak Bayan party List at mula sa makakaliwang grupo.

Dahil dito, nagkaisa ang iba’t ibang grupo ng mga magulang upang ilunsad ng Parents League of the Philippines para sa ibayong proteksiyon at pangalagaan ang mga puwersang CPP /NPA , isa sa umano’y mga “hot base” para sa recruitment ng komunistang grupo.

Gamit umano ng mga ito ang “legal front recruitment “, upang maghimagsik sa pamahalaan at maglatag ng armadong pakikibaka.

Napasok na ng ilang makakaliwa ang mga eskuwelahan sa Manila, tulad ng PUP at FEU , dahil nasa anim na umanong magulang ang nangangamba sa kanilang anak kung ang mga ito’y nasa bundok na at hindi na nag-aaral .

Please follow and like us:
Read More

DESISYON NI DU30 SA PAGBABAWAL SA ONLINE GAMBLING HINIHINTAY

(NI BETH JULIAN)

NAKAANTABAY ang Malacanang sa isusumiteng rekomendasyon ng Pagcor kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa panawagan ng China na ipagbawal na ang lahat ng uri ng online gambling operation sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang Pangulo lamang ang tanging makakapagpasya rito lalo’t sa ilalim ng batas ay legal ang online gambling.

Sa ngayon ay itinigil muna ng Pagcor ang pagtanggap ng aplikasyon  ng mga bagong casino.

Matatandaan na sinabi ni Chinese Foreign Minister spokesperson Hua Chunying na ikinagagalak nila ang hakbang ng Pagcor at umaasa pa rin sila na tuluyan nang ipagbabawal ng Pilipinas ang online gambling operations.

Please follow and like us:
Read More

YASAY LAYA NA SA P60-K PIYANSA

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY JHAY JALBUNA)

DAHIL sa inilagak na P60,000 piyansa sa pansamantalang paglaya ni dating Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay Jr., pinayagan ng  hukuman na makalaya sa  kinakaharap na mga kasong paglabag sa banking laws.

Inatasan ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 10 Hon. Judge Danilo Leyva si P/Lt. Glenzor Vallejo, hepe ng Manila Police District (MPD)-Warrant and Subpoena Section, na palayain si Yasay matapos na makapaglagak ng piyansa, Biyernes ng umaga.

Nauna rito, si Yasay, 72, ay inaresto ng mga pulis dakong alas-3:00 ng hapon nitong Huwebes sa kanyang tahanan sa Unit 4905 Milano Residences, Century City Road, Barangay Poblacion, Makati City.

Sa Manila Doctor’s Hospital naman kinailangang magpalipas ng magdamag ni Yasay nang dumaing ng pananakit ng dibdib, ilang oras matapos itong arestuhin ng mga awtoridad.

Pinayagan rin naman si Yasay ng mga doktor na makalabas ng pagamutan ganap alas-8:00 ng umaga upang dumalo sa kanyang bail hearing, ngunit kinailangan din nitong bumalik sa pagamutan ng 11:00 ng umaga para sa karagdagan pang medical tests na kanyang pagdaraanan.

Sinasabing may kinalaman ang pag-aresto sa kinakaharap nitong mga kasong paglabag sa Republic Acts 8791 at 7653 o General Banking Law at  New Central Bank Act,  matapos na akusahang sangkot sa umano’y maanomalyang P350 milyong loan mula sa Banco Filipino Savings and Mortgages Bank, na naganap umano sa pagitan ng taong 2003 hanggang 2006.

Nilinaw naman ni Yasay, na hindi siya dapat napasama sa kaso dahil taong 2009 lamang siya nang mapasok sa naturang banko.

Napaulat din na bago inaresto si Yasay ay nagtungo sa MPD headquarters si Atty. Jonn Irvin Velasquez, na umano’y kinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, dakong 11:00 ng umaga at humingi ng police assistance para sa implementasyon ng warrant of arrest.

Ayon kay Yasay, sa edad na 72 at bilang survivor ng dalawang cancer, mahirap para sa kanya ang makulong lalo na’t inosente siya at biktima lamang ng pag-abuso sa proseso.

Please follow and like us:
Read More

P519-M BONUS, ALLOWANCE NG PCSO OFFICIALS, KAWANI, GOODBYE NA

(NI ABBY MENDOZA)

TINIYAK ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na inihinto na, tulad ng pagtalima sa kautusan ng Commissin on Audit (CoA), ang naglalakihang bonus, allowance at personal benefits ng mga opisyal at kawani ng ahensiya na umabot sa  P519.925 million noong nakaraang taon.

Kasabay ito ng pagharap ni PCSO general manager Royina Garma at Chair Anselmo Pinili sa House Appropriations Committee kaugnay sa pondo nito para sa susunod na taon.

Sinabi ni Garma na nirerebisa na ng ahensya ang compensation package na nararapat lamang na maibigay sa mga empleyado.

Ayon kay Garma, nasa P24.6 B ang total revenue ng ahensya mula Enero hanggang Hunyo ng 2019 kung saan ang pinakamalaking kita ay nagmumula sa Small Town Lottery na nasa P12.66B o halos 52% at sumunud ang Lotto games na may P10.06B kita at ikatlo ay Keno na nasa P1.3B.

Sa kita ng STL P5.23B ay napupunta sa premyo, nasa P2.81 ang sa Documentary Stamp Taxes samantala P2.61B ang sa charity kabilamg dito ang sa Malasakit Center, calamity assistance at procurement ng medical equipment.

Kinuwestiyon ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pagpopondo ng PCSO sa Malasakit Centers, giit ni Lagman dapat i-validate ng PCSO officials ang legal basis ng paglalaan ng pondo sa Malasakit Centers lalo at nagagamit umano ito bilang partisan tool sa halip na isang medical outlet.

Pero depensa ni Garma, ang Malasakit Centers ay isang one stop shop ng iba’t ibang government agencies kabilang ang Philhealth at DSWD kaya nagbibigay ng pondo dito ang PCSO. Dito rin umano nagpupunta ang mga pasyente na lumalapit sa PCSO.

Sa ngayon ay nakabimbin sa House of Representatives ang House Bill 1140 para sa institutionalization ng Malasakit Centers sa buong bansa kung saan maaari nang direktang lumapit ang indigent patients sa center sa halip na magtungo sa concerned agencies para magpresenta ng medical bills o abstract.

Sa nasabing pagdinig, sinabi  ni Garma na 30% ng kanilang nalilikom na pondo ay ibinabayad nila sa pamahalaan bilang buwis, katunayan 22.81% o nasa P2.81B na kinita ng STL ang napunta sa pagbabayad ng buwis.

Sinabi ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na dapat pag-aralan ng PCSO kung maari na hindi na sila magbayad ng buwis upang ang lahat ng kita nito ay mailalaan sa charity, ani Pichay, isang non-profit operation at charity-based ang PCSO kaya dapat ay hindi sila nagbabayad ng buwis at ang kita na nalilikom dito ay dapat napupunta direkta na sa mga charity programs.

Dahil dito, tiniyak ni Pichay na makialam ang Kamara sa operasyon ng PCSO at maghahain ng resolusyon para bisitahin at i-rationalize ang operasyon ng PCSO.

Pinag-aaralan na ng Promotion and Selection Board ng PCSO ang regularization at promotion ng kanilang mga job-order employees.

Maging ang status ng mga empleyado ng PCSO ay hinalungkat din ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite at bilang tugon, sinabi ni Garma na kanila nang inirerekonsidera ang mga empleyadong nasa ilalim ng job order.

Aabot sa 1,679 ang empleyado ng ahensya kung saan 1,074 dito ay permanent habang 617 naman ay job order.

 

Please follow and like us:
Read More

JABIDAH MASSACRE TINAWAG NA FAKE NEWS, PINALAGAN

(NI BERNARD TAGUINOD)

PINALAGAN  ng isang Mindanao congressman ang isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos tawaging ‘original fake news’ ang Jabidah massacre.

Ayon kay House deputy speaker Mujiv Hataman, hindi  katanggap-tanggap sa kanilang mga Moro ang pahayag ni AFP deputy chief of staff for Civil-military operations Maj. Gen. Antonio Parlade na original fake news ang Jabidah massacre at ginamit na propaganda laban sa gobyerno para mag-aklas ang mga kabataan.

“We Moros have been commemorating this unfortunate incident in our history year after year. The Jabidah massacre cost dozens upon dozens of young Moro lives. It is an extremely dark occurrence in the Moro history, and is considered by the Bangsamoro people as one of the tipping points of our struggle for justice and self-determination,” ani Hataman.

Base sa kasaysayan, ang Jabidah massacre na unang tinawag na “Corregidor Massacre” ay ang pagpatay umano sa mga recruit mula sa Mindanao na sinanay ng AFP sa Corregidor para sa planong pagbawi sa Sabah sa kamay ng Malaysia noong 1968.

Dahil sa pagpatay na ito umusbong ang Muslim insurgency sa Mindanao  kung saan ipinanganak ang Moro National Liberation Front (MNLF).

“We should be careful with what we say, as these statements may only fuel radicalism,” ani Hataman lalo na’t ang pagtawag na orihinal fake news ang Jabidah massacre ay itinaon sa pagtatag ng Bangsamoro Government kasunod ng pag-apruba ng Bangsamoro Organic Law.

“And this revisionism of history does not help our transitional efforts for justice – one that aims to continue healing the country, especially for the families of casualties in the conflict in Mindanao. The last thing we need right now is the denial and erasure of our history as a people in this country,” ayon pa kay Hataman.

 

Please follow and like us:
Read More

GERALD NAKIPAGBALIKAN BA KAY BEA?

NAGPAPALIPAD-HANGIN nga ba ang controversial actor na si Gerald Anderson na gusto nitong makipagbalikan sa ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo?

Parang ganito kasi ang pinapahiwatig ng video na pinoste ng aktor. Sa video, nasa loob siya ng isang kotse habang maririnig sa background ang kanta ni Bamboo na “Much Has Been Said”: “Much has been said. Well I never learned. Keeping my fingers crossed. Praying for my luck to turn. But I can’t complain. I’m living it easy. Job’s keeping me busy, I’m going crazy. “Start over again, this time, this time let’s do it right … this time let’s keep the fires burning.”

Marami sa Gerald-Bea fans ang umaasa na magkabalikan pa sila.

Please follow and like us:
Read More

HEALTH WARNING SA ALAK ISINUSULONG SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA)

BUKOD sa sigarilyo kailangan din na malagyan ng health warning ang mga inuming nakalalasing para magsilbing babala sa masamang epekto ng alak.

Sa House Bill 4059 na inihain ni Muntinlupa Rep. Rufino Biazon inoobliga  ang mga gumagawa ng alak na maglagay ng health warning label sa kanilang  produkto.

Sakop din ang mga establisyimentong nagbebenta ng mixed alcohol beverages tulad ng cocktails na ilalagay ang warning sa kanilang menu.

Tinukoy ni Biazon ang datos ng  World Health Organization na nagsasabing tatlong milyon kada taon sa buong mundo ang namamatay dahil sa masamang epekto ng alak, may 200 klase ng sakit ang makukuha sa sobrang pag-inom ng alak.

Dahil addicting ang alak ay malaki rin ang koneksyon nito sa mental at behavioral disorders gayundin sa  pagkakaroon infectious diseases gaya ng tuberculosis at HIV/AIDS.

Hindi tulad ng sigarilyo na ang naaapektuhan lang ay ang mga smoker at ang nakasisinghot ng usok na malapit sa kanila, ang alak ay puwedeng makadisgrasya o makapatay ng iba kung sa kalasingan ay nakadisgrasya o nakagawa ng krimen.

“Government must be consistent in how it deals with what is determined to be harmful to people. So if we have placed health warnings on cigarettes, so should we do the same for alcohol,”giit ni Biazon.

Sa oras na maisabatas ang mga lalabag ay maaaring maharap sa multang P1 milyon sa unang paglabag; P2 milyon sa ikalawa at P3 milyon sa ikatlong paglabag bukod pa sa pagbawi sa kanilang lisensya.

 

Please follow and like us:
Read More