2 TODAS, 1 KRITIKAL SA PAMAMARIL SA BATANGAS

BATANGAS – Dalawang lalaki ang namatay habang isa ang sugatan sa tatlong insidente ng pamamaril sa loob ng walong oras sa lalawigang ito, noong Lunes.

Unang namatay ang 49-anyos na construction worker na si Randy dela Peña na pinagbabaril ng riding in tandem habang nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. Bayorbor, sa bayan ng Mataas na kahoy dakong alas-1:10 ng hapon.

Dead on the spot ang biktima habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

Sa Lungsod ng Sto. Tomas, patay ang 50-anyos na si Mario Cielo Moraleja alyas “Golden Boy” na binaril ng riding in tandem sa harap ng kanyang bahay sa Barangay San Isidro Norte habang may kausap sa cellphone dakong alas-7:00 ng gabi.

Dead on arrival sa ospital ang biktima habang mabilis na tumakas ang hindi nakilalang mga suspek.

Samantala, kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng 25-anyos na si Angelo Lance Competente na binaril ng nag-abang na suspek habang ito ay nagmamaneho ng tricycle sa Barangay Timbain, Calaca, Batangas dakong alas-8:40 ng gabi.

Pauwi na ang biktima sa kanyang bahay nang abangan ito ng naka-jacket at naka-facemask na suspek sa madilim na bahagi ng kalsada at pinagbabaril.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa nangyaring tatlong kaso ng pamamaril. (NILOU DEL CARMEN)

74

Related posts

Leave a Comment