2 WANTED TAIWANESE, KOREAN NALAMBAT

INANUNSYO ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang pagkakaaresto sa isang babaeng Taiwanese na wanted ng mga awtoridad sa Taipei dahil sa kasong forgery.

Ayon sa report kay Immigration Commissioner Morente, ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU), kinilala ang pugante na ang 61-anyos na si Peng Hui Ying, naaresto noong Enero 12 sa isang condominium unit sa Araneta Ave., Quezon City.

Nabatid mula kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, inaresto ang suspek ng arresting agents na armado ng mission order mula kay Morente na inisyu matapos hilingin ng Taiwanese authorities na nakabase sa Maynila.

Sinabi pa ni Sy, ang warrant of arrest laban kay Peng ay inisyu noong 2017 ng District Court ng Hsinchu, Taiwan kung saan may kasong forgery ang dayuhan.

Nabatid sa impormasyon mula sa Taiwan law enforcement agencies, si Peng ay nakapanloko sa kanyang mga kababayang biktima ng halagang 380,000 New Taiwan dollars o may katumbas na US$14,000.

Napag-alaman din sa imbestigasyon na ang Taiwanese ay overstaying alien base sa records. Ito ay mahigit nang limang taon sa bansa bilang turista.

Si Peng ay kasalukuyan nang nasa nakadetine sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang nakabinbin ang deportation proceedings laban sa kanya ng bureau’s Board of Commissioners.

Isinailalim na ang suspek sa Immigration blacklist na pinagbabawalan nang muling makapasok sa Pilipinas.

Related posts

Leave a Comment