3 TULAK NALAMBAT SA P3.4-M DROGA

0

CAVITE – Tinatayang mahigit P3 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa isang subdibisyon sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Marvin Espiritu, alyas “Barron”, 30, negosyante; John Paul Reyes, alyas
“Kuya”, 26, delivery rider, at Christine Bautista Alvaran, alyas “Nanay”, 25-anyos.

Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Robertson Vallejo ng Bacoor City Police, dakong alas-3:10 ng hapon noong Huwebes nang ikasa ng Bacoor City Police at PDEA NCR ang buy-bust operation sa harapan ng 90’s Craving Store sa loob ng Floraville Subd., Panapaan 1, Bacoor City.

Dumating ang mga suspek sakay ng isang Toyota Avanza at nakipag-transaksyon sa poseur buyer na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na P3,400,000 ang street value, na nakita sa loob ng kanilang sasakyan, at boodle money. (SIGFRED ADSUARA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment