343 HULI SA GUN BAN

PATULOY sa pagtaas ang bilang ng nahuhuling lumalabag sa ipinaiiral na total gun ban ng Commission on Elections na ipinatutupad ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine kaugnay sa papalapit na eleksyon.

Pumalo na sa 343 ang bilang ng mga lumabag sa nationwide gun ban na ipinatutupad na 45,638 Comelec-PNP-AFP checkpoints, mula sa naitalang 318.

Sa datos na ibinahagi ng PNP, 25 ang pinakahuling nadagdag, 23 ang sibilyan at dalawa naman ang security guards.

Lahat aniya ng mga naaresto ay kanila nang sinampahan ng kaukulang kaso.

Sa kasalukuyan ay mayroong 45,638 establish checkpoints ang inilatag ng mga awtoridad iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga nakumpiska ng mga awtoridad ang mga baril, bala at Iba’t ibang nakamamatay na armas.

Ang mga naaresto ay mula sa Metro Manila, Marawi City, Taguig City, Leyte, at Tacloban City, gayundin sa ilang erya sa Eastern Visayas, Western Visayas, Central Luzon, Cagayan, at Ilocos.

Simula noong Enero 9, unang araw ng election gun ban, minobilisa ng Comelec ang mga checkpoint na binabantayan ng mga pulis at militar sa iba’t ibang bahagi ng bansa na magtatagal hanggang sa Hunyo 8, 2022.

Tanging mga alagad ng batas lamang ang awtorisadong magbitbit ng baril matapos na pansamantalang suspindehin ang lahat ng permit to carry firearms outside residence, at kinakailangan din na sila ay naka-uniporme. (JESSE KABEL)

Related posts

Leave a Comment