5% TAX DISCOUNT SA QC BUSINESSMEN – DEFENSOR

0

BIBIGYAN ng limang porsyentong discount ang mga negosyante sa Quezon City kapag naupo na bilang mayor ng lungsod si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, upang kunin muli ng mga ito ang kanilang mga empleyado na tinanggal sa trabaho matapos silang maapektuhan sa pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Defensor, aabot sa 74,750 enterprises na nag-o-operate sa Quezon City ang makikinabang sa 5% discount sa kanilang local business tax na kada taon nilang binabayaran.

“The tax discount is just one of our highly aggressive strategies to swiftly revive all employment-generating economic activities in the city to their pre-pandemic levels,” ani Defensor.

“We are counting on the discount to help businesses, especially small and medium enterprises with less than 200 workers, get back on their feet,” dagdag pa ng mambabatas.

Sinabi ng mambabatas, aabot sa P625 million ang ibabalik sa mga negosyante lalo na ang single proprietorship shops sa 5% na discount na ibibigay niya sa mga ito na malaking tulong aniya para makabangon at ibalik ng mga ito ang kanilang empleyado na tinanggal sa trabaho.

Noong 2020, umabot P12.5 billion na nakolekta ng Quezon City na local business tax kaya maliit na halaga lamang umano ang ibibigay na discount para makabangon ang mga negosyante sa lungsod.

Si Defensor ay tatakbo bilang mayor ng lungsod sa 2022 kung saan running mate nito si three-term representative at ngayon ay Councilor Winnie Castelo.

“To energize household consumption spending, we will also provide P3 billion worth of direct financial aid to the jobless, informal workers, health staff, teachers, police officers, and public-sector employees,” dagdag pa ng mambabatas.

Bahagi ang P3 billion na ito sa P17 billion economic roadmap ng administrasyon ni Defensor na kinabibilangan ng P5 billion insentibo sa mga negosyo at P9 billion para sa mga local infrastructure spending na makatutulong para magkaroon ng dagdag na trabaho at kabuhayan ng low-income families sa lungsod. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment