77M BABAKUNAHAN HANGGANG MAYO

PIPILITIN ng gobyerno na mapagtagumpayan ang target nitong mabakunahan laban sa COVID-19 ang 77 milyong adults bago sumapit ang May 9, 2022 elections.

Ang anunsyo na ito ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na isiwalat ng pamahalaan ang bago nitong target para protektahan ang mga botante na magpapartisipa sa halalan.

“Ito po yung aming isusulong talaga na marating natin iyon,” ani Nograles.

“If not by the end of the first quarter [of] 2022, at least before the May elections na 77 million na target natin, kasama at kabilang na po doon ang adult population,” dagdag na pahayag nito.

Nauna nang nagtakda ang gobyerno na gawing fully vaccinated ang 54 milyong adult population bago matapos ang taong 2021. Ang target ay nakamit lamang noong nakaraang linggo.

“As of January 18,” nakapagturok na ang pamahalaan ng 120,645,514 doses ng COVID-19 vaccines. (CHRISTIAN DALE)

83

Related posts

Leave a Comment