BUCKS UMISKOR SA SPURS

0

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

DUMAYO ang Milwaukee Bucks sa San Antonio, umiskor si Khris Middleton ng 28 points at nagdagdag si Giannis Antetokounmpo ng 21 para talunin ang Spurs, 121-111.

Nagtala si Doug McDermott ng 25 points at si Keldon Johnson, 20 points sa ikalawang sunod na talo ng San Antonio, matapos ang season-opening home win kontra Orlando.

Tinapatan ng Bucks ang paulit-ulit na spurt ng Spurs tungo sa pagkolekta ng kanilang ikalawang double-digit victory. Bawat Milwaukee starter nag­tala ng double figures at si George Hill ay nagdagdag ng 15 points (off the bench).

Si Hill at Jordan Nwora ang nagbigay sa Bucks ng kina­kailangang ayuda mula sa bench, habang sina Jrue Holiday at Grayson Allen ay naupo lang.

May seven points, six rebounds, two blocks at assist si Nwora sa 21 minutong laro.

Ang Milwaukee ay may 535 sa field at 43% sa 3-point range.

Hikahos naman ang San Antonio sa long distance sa ikalawang sunod nitong laro, 10-for-39.

Kumayod ang Bucks ng 11-2 run makaraang umangat ang Spurs, 91-90 buhat sa 11-foot jumper ni Devin Vassell, may four points, sa final two minutes ng laro. Nagkomit pa ang Spurs ng TO at natawagan ng clear path foul sa loob ng dalawang minutong nalalabi.

Umiskor si Lonnie Walker IV ng 17 points para sa San Antonio.

Humirit si McDermott ng pares ng 3-pointers sa opening quarter at inulit ito sa final period para tumapos na may 7-for-11 sa 3-point range.
Hindi nakalaro sa Bucks sa ikalawang sunod si center Brook Lopez sanhi ng injured back.

Ayon kay coach Mike Budenholzer, ang 14-year veteran ay hindi rin makalalaro sa Martes (Manila time) kontra Indiana sa pagtatapos ng three-game trip ng Bucks.

Sa tatlong laro ng Spurs, iba-ibang manlalaro ang top scorer. Ihohost ng San Antonio ang Los Angeles Lakers sa Miyerkoles (Manila time).

PISTONS SINUWAG
NG BULLS

NATALO ang Detroit Pistons sa opening season game sa Bulls, muling nagharap ang dalawang koponan Linggo (Manila time) sa United Center sa Chicago at matapos ang solid opening quarter, unti-unting nanghina ang Pistons bago nagsara ang first half at mula roon hindi na nakarekober pa at muling bumagsak sa kamay ng Bulls.

Umabante ang Bulls hanggang 31 puntos tungo sa 97-82 win, kung saan nakagawa ang Detroit ng 23 turnovers, mayroon lamang 14 assists at shot 5-for-28.

Maliban kay Saddiq Bey, umiskor ng 20 points sa 8-of-18 shooting at may career-high 16 rebounds, wala nang ibang kumamada pa sa Pistons.

Nanguna sa Bulls si DeMar DeRozan, 21 points, habang si Nikola Vucevic may ambag na 15 points at 19 rebounds.

Sa unang paghaharap ng Bulls at Pistons noong Miyer­koles, kung saan naitakbo ng Bulls ang 94-88 win, ganoon din ang naging takbo sa muli nilang pagkikita kahapon. Sa halftime, ang Pistons ay may 14 turn­overs at eight assists. Habang ang Bulls, one turnover at 14 assists.

Ang Detroit ay 2-for-10 sa 3-point arc. At angat din 45.2% sa field goal kumpara sa 40% ng Bulls, maging sa rebounds, 31-17, pero naghabol pa rin ng 11 points.

Sa third period, dinomina ito ng Bulls, bagama’t bago pa natapos ang halftime, halos tapos na rin ang aksyon. Nag-komit ang Detroit ng anim pang TO (turnover) sa huling 5:04 sa ­second quarter, at dito umatake ang Bulls, 10-3 run upang makalayo.

Sa laro noong Miyerkoles, nagtala ang Detroit ng 16 TO sa kabila ng 17 assists at shot 6-for-28 sa tres.

Ikasiyam na sunod na panalo na ito ng Chicago laban sa Detroit, at ikatlong sunod ngayong season sapol noong 2016, kung saan si dating Lakers’ Alex Caruso sinigawan ng MVP chants ng home crown sa ikalawang sunod na gabi, kung saan tumapos siyang may 12 points at five steals off the bench.

Susunod na kalaban ng Bulls ang Pelicans sa Sabado ng gabi (Linggo sa Manila).

HAWKS TIKLOP
SA CAVS ROOKIE

KUMULEKTA si rookie Evan Mobley ng 17 points, 11 rebounds at four blocked shots, para tulungan ang Cleveland Cavaliers sa una nitong panalo sa season, 101-95 laban sa Atlanta Hawks.

Nagtala rin si Ricky Rubio ng 23 points at eight assists, habang si Jarrett Allen ay ­nagdagdag ng 11 points at 14 rebounds para sa Cleveland, na hinabol ang 13 points sa second quarter.

Talo ang Cleveland sa ­unang dalawang laro nito sa parehong 11 puntos.

“We’re definitely really happy about our first win, it felt great,” wika ni Mobley. “But we don’t want to just settle on it. We want to keep winning and ­growing from here.”

Si Mobley, No. 3 overall selection mula sa USC, umiskor ng seven points sa 21-0 run na naglagay sa Cavs sa 67-58 lead sa third quarter. Scoreless ang Atlanta sa loob ng 4:28 ­makaraan ang layup ni Trae Young, 46 seconds sa second quarter.

“As Evan kept making plays, we kept giving him the ball,” sambit ni Cavaliers coach J.B. Bickerstaff. “He’s got that straight face, but his skill set is diverse and versatile. Evan has earned our trust because of how quickly he’s picked things up.”

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment