CRIME GROUP MEMBER TIKLO SA LAGUNA

LAGUNA – Arestado ang isang umano’y miyembro ng criminal group na most wanted person sa lalawigang ito, sa isinagawang operasyon ng pulisya noong Linggo sa Barangay Marinig, Cabuyao City.

Patong-patong na kaso ang kahaharapin ni Alexander Acibar Marino alyas Hapon, 29, longganisa vendor.

Ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director. P/Col. Rogarth Campo kay Calabarzon Regional Director, P/BGen. Eliseo DC Cruz, nagsagawa ng operasyon sa tinitirhan ng suspek sa Southville 1, Barangay Marinig, ang Laguna PNP upang ihain ang warrant of arrest para sa kasong murder, na inisyu ng Regional Trial Court, 4th Judicial ng Cabuyao City.

Nakumpiska sa bahay ng suspek ang isang suppressor silencer, isang caliber .45 pistol, mga bala at isang itim na sling bag.

Itinuturo rin ang suspek sa magkahiwalay na pagpatay kina Ruben Milo Unay noong Agosto, at Rolly Rajal Taguiwalo noong Oktubre 2021.

Pinaniniwalaang miyembro si Marino ng Bascogin criminal group na kilalang robbery gun-for-hire na nag-o-operate sa lalawigang ito at ilang kalapit na lugar. (CYRILL QUILO)

Related posts

Leave a Comment