DENR pinakakasuhan sa IATF DOLOMITE BEACH SUPERSPREADER

0

HINDI dapat palagpasin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang katampalasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na naglagay sa peligro sa buhay ng hindi bababa sa 8,000 kataong sabayang dumagsa sa unang araw ng muling pagbubukas ng Manila Bay Dolomite Beach, sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa lungsod ng Maynila.

Sa isang panayam sa ANC kahapon, nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno sa IATF na sampahan ng karampatang kaso ang mga opisyal ng DENR na nagbukas ng kontrobersyal na pasyalan nang lingid sa kaalaman ng lokal na pamahalaan – bagay na dapat sana’y napaghandaan ng naturang kagawaran sa pakikipagtulungan sa Manila City government.

Pag-amin ng alkalde, ang pasyang muling buksan ang Dolomite Beach sa Maynila ng Manila Bay Coordinating Office – isang ahensyang direktang pinangangasiwaan ng DENR, ay ikinagulat ng lokal na pamahalaan. Aniya, trabaho ng MBCO ang makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya pagdating sa rehabilitasyon, pagbabalik-anyo at pagpapanatili ng kaayusan ng nasabing proyekto.

Sa tala ng LGU, tila hindi napaghandaan at inaasahan ng DENR ang bugso ng mga bumibisitang tao, na aniya ay umabot pa sa 65,000 nitong nakaraang Linggo. Kabilang din aniya sa mga nasa Dolomite Beach ay mga batang edad 12 pababa. (RENE CRISOSTOMO)

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment