‘DI BAKUNADO TABLADO SA 7 LUGAR SA LAGUNA

LAGUNA – Nasa pitong lokal na pamahalaan sa lalawigang ito ang naglabas ng kautusan at ordinansa na nagtakda ng regulasyon sa paglabas ng mga hindi pa bakunadong indibidwal, sa gitna ng tumataas na aktibong mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Kabilang dito ang pamahalaang lungsod ng Biñan at pamahalaang bayan ng Los Baños, Kalayaan, Mabitac, Magdalena, Pagsanjan, at Pila, ayon sa ulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 4A.

Ang paglilimita sa paglabas ng mga hindi pa bakunadong indibidwal ay kasunod ng pagtatakda ng Metro Manila Council ng ordinansa tungkol dito dahil sa nararanasang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, sa pagsisimula ng taong 2022. NILOU DEL CARMEN

Related posts

Leave a Comment