EXHIBITIONIST DAKIP SA TERMINAL

MALAMIG na rehas ang kasunod na hinimas ng isang binata makaraang ireklamo ng 22-anyos na dalaga ng kahalayan sa isang bus terminal sa Quezon City.

Kwento ng biktimang si Angelina Pillarina Chavez, residente ng Barangay Apolonio Samson, Quezon City, isang lalaki ang dumakma ng kanyang dibdib at naglaro pa ng kanyang ari sa Carousel Bus Terminal sa kahabaan ng EDSA bandang alas 6:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ni Corporal Noelanie Sumad-on ng Project 6 Police Station Women and Children Protection Desk ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na si Samero Morales Benaso,binata, 35-anyos at naninirahan sa Ermin Garcia, Barangay E. Rodriguez, Quezon City.

Ayon sa imbestigador, harap-harapan umanong ipinakita ng suspek ang paglalaro ng kanyang ari – eksenang nagtulak sa biktima para mapasigaw, na siya namang nakatawag ng pansin sa mga pulis na nagpapatrulya sa nasabing lugar.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanya. (LILY REYES)

Related posts

Leave a Comment