Kinuwestyon na ng COA FOOD PACKS NI MAYOR JOY LABAG SA PROCUREMENT LAW

KINUWESTIYON na ng Commission on Audit (COA) si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa P479 million halaga ng COVID-19 pandemic procurement na ginawa ng kanyang tanggapan sa simula ng pandemya noong 2020.

Ito ang nabatid kay Anakalusugan Representative at mayoralty bet Mike Defensor, na pruweba aniya na hindi pamumulitika ang isiniwalat nitong pagbili ng QC government ng food packs na umano’y overpriced.

Ayon sa mambabatas, sinabi ng COA na nilabag ng City government ang procurement law at implementing regulation kasama ang accounting rules sa biniling food packs na nagkakahalaga ng P479 million.

“Payments…were not supported with complete documentation…Thus the validity and regularity of the transactions cannot be ascertained,” pahayag ng komisyon, na ayon kay Defensor ay nagpatatag sa kanilang hinala na overpriced ang biniling food packs.

“Mayor Belmonte has not sufficiently explained the procurements, conveniently dismissing our accusation as politically motivated. Now even the COA is questioning her pandemic-related purchases,” ani Defensor.

Nabatid na sinampahan ng isang concerned citizen si Belmonte ng plunder case sa Office of the Ombudsman kaugnay ng nasabing anomalya na natuklasan ng mambabatas.

Lumalabas aniya sa report ng COA na walang dokumento na sumusuporta sa P479 million transaction na pinasok ng City government dahil walang detalye sa mga biniling pagkain, procurement plan at notice of award.

Sinabi ng mambabatas, ang nasabing halaga ay bahagi ng Bayanihan to Heal as One Law na inaprubahan ng Kongreso at ini-release ang pondo sa city government noong Abril 7, 2020.

Sa nasabing halaga, sinabi ng COA na P385 million umano ang ginastos ng City government sa food packs, P84.7 million sa bigas at plastic bag at P9.4 million naman sa noodles.

“The COA said the city also violated accounting rules by treating the fund release as part of its internal revenue allotment or share from national taxes, instead of as a subsidy from the national government. The city later rectified its error,” ani Defensor.

Tinataya ng mambabatas na daan-daang milyong piso ang nawala sa kaban ng bayan sa transaksyon ng gobyerno ni Belmonte dahil P636 lamang umano ang totoong halaga ng pagkain sa bawat food pack na ipinamigay ng city government subalit idineklarang P1,149.98 ang halaga nito o overpriced ng P514 kada food pack. (BERNARD TAGUINOD)

102

Related posts

Leave a Comment