LAND TAX HIKE SA QC IBABASURA NI DEFENSOR

DAHIL dagdag na pasanin sa mga residente sa Quezon City, tuluyang ibabasura ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang dagdag na land o real estate tax kapag siya ang nanalong mayor ng lungsod sa susunod na eleksyon.

“Our people are already struggling from the COVID-19 pandemic, with many workers finding it hard to support their families’ daily needs. We should not add to their financial burden,” ani Defensor.

Sa ngayon ay ipinagpaliban lamang ni Mayor Joy Belmonte ang implementasyon ng dagdag na buwis sa mga lupain sa lungsod hanggang Disyembre 2022 sa ilalim ng City Ordinance.

“They should discard that imposition permanently. If they do not do it, I and my vice-mayor partner Winnie Castelo will do it,” ani Defensor.

Hindi umano dapat na idagdag pa ng city government ang buwis na pinapasan ng mga residente sa Quezon City sa mga susunod na mga taon dahil tiyak na matagal bago makabangon ang mga tao sa krisis na pinagdadaanan nila ngayon dahil sa pandemya sa COVID-19.

Bukod dito, napakarami nang binabayarang karagdagang buwis ang mga residente sa Quezon City dahil dinagdagan ng QC government ang buwis sa kanilang home, apartment, building at iba pang land improvement.

“We can afford to forego the additional levy on land as a way of giving back to our taxpayers. The city has enough revenues for its projects, programs and its workforce,” ani Defensor.

Hindi lamang aniya ang mga may kaya sa buhay ang makikinabang kapag tuluyang ibasura ang dagdag na real estate tax sa lungsod kundi maging ang mga mahihirap, kasama na ang mga negosyante, nangungupahan at iba pa.

Unang ipinatupad ang dagdag na buwis sa mga lupa sa Quezon City sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2556 noong 2016 subalit kinuwestiyon ito ng Alliance of Quezon City Homeowners Associations, Inc. sa Korte Suprema.

Naglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) kaya itinigil ang pagkolekta ng karagdagang real estate tax ngunit noong Setyembre 17, 2018 ay binawi ang TRO at sinuspinde ito ng City Council hanggang Disyembre 2022. (BERNARD TAGUINOD)

57

Related posts

Leave a Comment