MASON TINODAS SA BATANGAS

0

BATANGAS – Patay ang isang construction mason matapos na tambangan ng hindi kilalang suspek habang papasok sa kanyang trabaho sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga.

Walang buhay na bumulagta sa damuhan sa gilid ng kalsada ang biktimang kinilalang si Ramonito Roxas, 59, residente ng Sitio Batulao, Brgy. Kaylaway, Nasugbu dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Batay sa report ng pulisya, bandang alas-6:45 ng umaga, kasama ang kanyang kapatid at apo, naglalakad ang biktima patungo sa kanyang trabaho sa isang construction site ng Masgro Builders Corporation, nang harangin ito ng suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Walang sabi-sabing pinagbabaril nito ang biktima gamit ang kalibre .45 baril at saka mabilis na tumakas.

Hindi naman ginalaw ng suspek na nakasuot lamang ng maong na short at gray jacket, ang dalawang kasama ng biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang posibleng motibo sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment