NAT’L CHILDREN’S VAX DAY IKAKASA

HINIKAYAT ng health experts ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) against coronavirus disease (COVID-19) na magsagawa ng COVID-19 vaccination day para lamang sa mga bata sa gitna ng kamakailan lamang na pagsirit ng infections sa bansa.

Sa isang webinar na may pamagat na “Omicron Truths and Myths, Pediatric COVID-19 vaccine news and the Journey to the New Normal” na idinaos nitong Enero 25, pinatunayan ng health experts ang pagiging epektibo ng COVID-19 vaccines.

Sa kahalintulad na webinar, sinabi ni Philippine Medical Association (PMA) president Dr. Benny Atienza na hiniling din ng kanilang medical society sa national government na magsagawa ng “vaccination day for children” para tumaas at maging mabilis ang inoculation drive sa gitna ng pagtaas ng infections.

Samantala, inulit ni Philippine Foundation for Vaccination (PFV) executive director Dr. Lulu Bravo na ang tanging daan lamang para matapos ang pandemya ay sa pamamagitan ng “all-out vaccination.”

“Vaccination is the way for it. It is the way that we can end this pandemic… [it is] the immunity that we all deserve to get, not just from a previous infection, but from vaccination,” ani Bravo. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment