NO VAX, NO RIDE SWAK DIN SA MGA PROBINSYA

SA hangaring pwersahin ang pagpapabakuna laban sa nakamamatay na COVID-19, nakatakda na ring maglabas ng kani-kanilang executive orders kaugnay ng polisiyang “no vax, no ride” sa mga lalawigan sa labas ng Metro Manila.

Sa isang kalatas, hayagang kinatigan ni Quirino Gov. Dakila Cua na tumatayong pangulo ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), ang rekomendasyon ng Department of Transportation batay sa resolusyong ipinasa ng mga alkaldeng kasapi ng Metro Manila Council para sa pagbabawal sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan ng mga hindi pa bakunado.

“Maraming lokal na pamahalaan ang nagsisimulang mag-usap at magpanukala ng executive orders tungkol dito. ‘Yung ‘no vax, no ride policy,” ani Cua sa isang panayam a radyo.

“May kaunting modifications nga at usually improvements nga. I-qualify natin, sino talaga. Kung lalabas ang vaccinated na magulang at kailangang i-doktor ang anak na hindi pa bakunado, kailangan naman may ganoong accommodations,” paliwanag pa ng gobernador.  (LILY REYES)

Related posts

Leave a Comment