PAGLABAS NG MINORS LIMITADO PA RIN

0

MAGLALABAS ng paglilinaw ang Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong araw hinggil sa paglabas ng mga kabataan sa ilalim ng Alert Level 3 sa Kalakhang Maynila.

Ani Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, “Local governments only have a say in the interzonal and intrazonal travel of children,” na ang tinutukoy ay ang IATF resolution.

Matatandaang pinagbawalan ng pamahalaan ang mga kabataan na lumabas ng kanilang bahay dahil sa paniniwala ng mga eksperto na maaari silang maging  “superspreaders.”
Pinayagan naman ng pamahalaan ang limited in-person classes at sinimulan na rin ang COVID-19 vaccination sa mga menor de edad na may comorbidities.

Nauna rito, sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na magpapalabas “very soon ang MM mayors ng isang resolusyon na bibigyang linaw ang guidelines ng IATF ukol sa pagpayag na palabasin ang mga kabataan sa kanilang bahay.

Ang mga kabataan na may edad 17 pababa ay pinapayagan na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at gamot, bisitahin ang kanilang doktor o dentista, at mag-ehersisyo at makapag-avail ng interzonal at intrazonal travel, ayon sa IATF resolution.

“Pangalawa, kung sila po ay nagtatrabaho, meaning if there’s any employment status that allows their age,” ani Zamora.

“Para mas maging malinaw, maglalabas ng pormal na resolution ang MMC (Metro Manila Council) very soon because last time, nagkaroon na nga ho ng kasunduan,” ani Zamora.
Mananatili namang bawal ang mga kabataan sa malls at dine-in services.

Samantala, mahigit 1,000 kabataan na may edad 15 hanggang 17 ang nabakunahan na bilang bahagi ng pilot pediatric vaccination, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Sinimulan ng pamahalaan ang rollout sa 8 ospital sa iba’t ibang bahagi ng Kalakhang Maynila noong Oktubre 15, gamit ang Pfizer-BioNTech vaccine, isa sa mga bakunang inaprubahan ng Food and Drug Administration para sa mga kabataang edad 12 hanggang 17. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment