Para sa kaligtasan ng bikers BICYCLE LANES DAGDAGAN -DEFENSOR

NABABAHALA si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na posibleng lumala pa ang disgrasya sa hanay ng mga biker dahil sa kakulangan ng imprastraktura para sa mga ito.
Ito’y sa gitna ng parami nang paraming nagbibisikleta papasok sa trabaho dahil sa kawalan ng masasakyan at upang makaiwas ang mga ito sa COVID-19.

“In Metro Manila alone, we saw a 48 percent jump in bicycle road crashes in 2020. The rate of increase in accidents this year is bound to be even higher, considering that more people are choosing to go to work in bicycles,” ani Defensor.

Base sa datos aniya ng Metro Manila Development Authority (MMDA), lumobo sa 2,606 ang bicycle road accident noong 2020 mula sa 1,759 noong 2019 na isang patunay na dumami ang nagbibisikleta sa panahon ng pandemya subalit dumami rin ang nadisgrasya dahil sa hindi sapat ang imprastraktura.

Posible aniyang hindi pa ito ang eksaktong bilang dahil malalang aksidente lamang ang nai-report at naidokumento at hindi ang minor accidents maging sa mga nasa probinsya.

“We have to restructure and redesign our streets to accommodate the influx of bicycles. Right now, bicycle riders have very little leeway to safely navigate through motor vehicle traffic in our heavily congested roads, thus causing many accidents,” ayon sa mambabatas.

Dahil dito, muling umapela ang mambabatas sa liderato ng Kamara na ipasa na ang kanyang House Bill (HB) 10396 o Bike-Friendly Communities Act para maglagay ng cycling infrastructure, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Isa ang proyektong ito sa nais tutukan ni Defensor sakaling maging alkalde ng Quezon City.

Tiniyak nito na magkakaroon ng maayos at ligtas na kalsada sa buong lungsod para sa bikers dahil kasama ito sa P9 Billion infrastructure program niya.

“We will use a portion of the spending to expand and improve the city’s bicycle lane network,” ayon naman sa running mate ni Defensor na si Quezon City Councilor Winnie Castelo. (BERNARD TAGUINOD)

51

Related posts

Leave a Comment