PNP NAGTALAGA NG LADY SPOKESPERSON

BUKOD kay Police Brigadier General Roderick Alba, hepe ng PNP Public Information Office (PIO), nagtalaga na rin ng isang opisyal na tagapagsalita ang pamunuan ng Philippine National Police.

Isang lady spokesperson ang hinirang ni PNP chief, Police General Dionardo Carlos bilang tagapagsalita sa mga isyu na may kaugnayan sa pinuno ng pambansang pulisya.

Si Police Colonel Jean Fajardo, isang PNPA graduate at lady lawyer, ang itinalaga ni Gen. Carlos bilang kanyang bagong tagapagsalita.

Miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Kaagapay” Class of 1996 at nagtapos ng abogasya sa Jose Rizal University si Fajardo.

Si Fajardo ay dating deputy director for operations ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) at naging Pampanga Police Provincial Office chief.

Magiging trabaho ni Col. Fajardo na tumugon sa media sa lahat ng mga isyu na may kaugnayan sa PNP chief.

Samantala, mananatili naman si P/BGen. Alba bilang PNP Public Information Officer. (JESSE KABEL)

Related posts

Leave a Comment