RANK 1 MOST WANTED SA RAPE, LAGLAG SA BICOL PNP

WINAKASAN ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 ang anim na taong pagtatago ng isang rape suspect na tinaguriang no. 1 municipal most wanted person ng Del Gallego MPS, nang matunton ng mga pulis ang pinagtataguan nito.

Batay sa ulat mula sa Camarines Sur Police Provincial Office, dakong alas-4:30 ng hapon, inilatag ng pinagsanib na puwersa ng Del gallego MPS Tracker team, kasama ang PIU CSPPO, 4th Base Platoon CS 1stPMFC, Libmanan MPS at 3rd Special Operation Unit-Maritime Group, ang manhunt operation laban sa suspek na kinilalang si Leopoldo Joven y Purca, 66-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Domagondong, Del Gallego, Camarines Sur.

Ang akusado ay naaresto sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ng RTC Branch 29, Fifth Judicial Region, Libmanan, Camarines Sur, para sa krimeng rape noong Enero 12, 2022. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek.

Ang PNP Bicol ay mas determinadong dakpin ang mga may nagawang paglabag sa batas, ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, PNP-PRO5 director, na mabigyan ng katarungan ang mga naging biktima ng mga ito. (JESSE KABEL)

Related posts

Leave a Comment