TERORISTANG LIDER, 4 PA PATAY SA SAGUPAAN

0

LIMA katao, kabilang ang pinaniniwalaang bagong talagang lider ng Daulah Islamiyah, ang patay matapos makasagupa ang Joint Task Force Central sa Barangay Dabenayan sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao.

Kinilala ang napaslang na teroristang lider na si Asim Karinda alyas “Abu Azim” na umano’y isang dalubhasa sa paggawa ng mga pampasabog na karaniwang gamit sa grupong Daulah Islamiyah sa paghahasik ng gulo sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa datos na ibinahagi ng militar, lumalabas na si Karinda ang itinalagang kapalit ni Salahudin Hasan na napatay naman sa isang engkwentro sa Barangay Damablac, sa bayan ng Talayan ng nasabi ring lalawigan noong Oktubre 29.

“The recent armed clash with the Daulah Islamiyah Terrorist Group only shows that your security forces are persistent and committed to ensure the safety of our communities and of the Filipino People,” pahayag ni Major General Juvymax Uy na tumatayong commander ng Joint Task Force Central.

Ayon naman kay Lieutenant Colonel Charlie Banaag, wala namang namatay o nasugatan sa hanay ng mga sundalong sumagupa sa halos isang oras na bakbakan sa mga terorista.

Kinilala ang apat pang napatay na sina Fahad Salipada, Hamsallah Ganoy Salangani, Salah Salipada at alias Tatoks.  (JESSE KABEL)

 


"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment