Sapat na pagkain pasok sa plataporma GUTOM SOLB SA BBM-SARA UNITEAM

TULUYAN nang matutugunan ang gutom sa bansa sa sandaling maupo bilang susunod na Pangulo si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, ayon kay dating presidential spokesperson Harry Roque.

Subalit hindi aniya sapat ang tugunan ang gutom sa ilalim ng kanyang ikakasang panukalang magbibigay ng sapat na panahon sa tambalang Marcos at sa magiging bise presidente nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Aniya, may naihain na siyang panukalang batas sa Kamara noong panahong siya’y kinatawan pa ng isang party-list group, isang adyendang kanyang umanong muling ihahain kung papalaring maging bahagi ng Senado.

“If elected, I would re-file a bill creating the Commission on the Right to Adequate Food to achieve “zero hunger.”

Katuwang ang administrasyong Marcos sa Hulyo, dapat aniyang isulong ang isang batas na tutukoy, tutugon at magbibigay daan sa sapat na suplay ng pagkain para sa lahat, kasabay ng mga mekanismong magpapatibay sa mga sektor ng agrikulturang kasalukuyang pinaghaharian ng mga mapagsamantalang kapitalista.

“Bibigyan po natin ng pitong taon ang gobyerno ni Bongbong Marcos at Inday Sara para tapusin ang pagkagutom sa buong Pilipinas,” ani Roque.

Base sa datos ng survey na pinangasiwaan ng Social Weather Stations (SWS), lumalabas na 10% ng mga pamilyang Pilipino ang nakararanas ng pagliban sa pagkain – dahil wala talagang kakainin, isang suliraning pasok sa plataporma ng tambalang BBM-Sara.

Sa pinagsamang husay ni Marcos at matibay na paninindigan ni Duterte-Carpio, nakatitiyak aniyang magiging bahagi na lang ng kasaysayan ang dusang pinagdadaanan ng maraming Pilipinong salat sa kabuhayan. (CESAR BARQUILLA)

Related posts

Leave a Comment