PAANO MAWAWALA ANG MANTSA NG KAPE?

0

Ni Ann Esternon

 

Masarap magkape at walang oras itong pinipili. Pero sa lagayan ng iinuming kape, dapat ba’ng mamili rin?

Oo ang sagot kung ang pinag-uusapan natin ay tungkol sa kalinisan. Kahit ito ay mug, maliit na tasa, o baso – babasagin man o hindi – mahalagang malinis ito at tanggal pati ang mantsang iniwan ng kape.

Iba’t ibang paraan para mawala ang mantsang iniwan ng kape o tsaa sa container:

Ang unang dapat gawin ay sabunan ang lagayan tulad ng nakasanayan. Gamitan ito ng sabon at sponge saka banlawan at sundin ang anomang sumusunod na solusyon.

– Maglagay ng bleach, mga 1/8 size ng lagayan. Pwedeng haluan ito ng kaunting tubig ngunit mas magandang purong bleach ang gagamitin para tanggal pati ang germs na nasa lagayang may mantsa.

Matapos nito, marahang alugin ito nang paikot. O hayaang ang isang side muna ang nakababad sa bleach habang nakatagilid ang tasa ngunit iwasan itong matapon. Matapos ang limang minuto ay ibang side naman ang ibabad hanggang sa malinis ang ibang side. Mapapansin na habang nakababad ang lagayan ay nawawala ang mantsa nito. Banlawan at sabunan gaya ng nakaugalian saka muling banlawan nang maigi.

– Makatutulong ang din ang suka sa pagpapaputi ng lagayan. Magbuhos lamang dito ng kumukulong tubig hanggang makalahati ang lagayan. Punuin ito sa paglagay ng suka at ibabad ng 10 minuto. Agad na gamitin ang solusyon na ito sa iba pang lagayang may matsa ng kape o tsaa. Ang mga lagayan ay agad ding kuskusin gamit ang abrasive sponge. Sabunin ito at banlawan.

– Solusyon din ang pagbudbod ng baking soda sa lagayan. Maglagay lamang ng sapat na dami ng baking soda sa lagayan at buhusan ito ng kaunting tubig para makabuo ng paste. Ikuskos ito sa bawat side ng loob ng lagayan. Banlawan at sabunan din ito gaya ng nakaugalian saka banlawan nang maigi.

Read More

RAMPA SA WHITE KAHIT MAY PANDEMYA

0

Ni Ann Esternon

Carry pa bang pumorma ng white ngayong pandemya?

Hindi naman talaga siguro “porma” pero naroon pa rin na kailangang maging presentable lalo na kung haharap sa ka-meeting at may tina-target na goal.

Ang white ay ang pinaka-cool na color at refreshing kahit pa hindi summer ngayon.

Less noticeable ito sa ibang colors and it reflects light and absorbs perspiration kaya cool ding tingnan ang nagsusuot nito. Ito ang long-time favorite color ng mga taong katulad natin na nasa tropical areas.

Sinasabing boring kapag lahat tayo ay naka-all white from head to toe. Mawawala ang sense ng fashion kapag ganito tayo. Ito ang rules na dapat mong sundin pagdating sa white color:

* Fresh-colored undergarments

Kung noon nasasabihan tayo na magsuot ng white undergarments para maging fresh. Hindi na ngayon. Ang white bra, panty at camisoles ay pwedeng maging noticeable pa lalo na kapag white rin ang ipapatong mo rito. Pumili ka ng pieces na bagay sa natural tone to create a clean, seamless look.

* White in the right place

Dahil sa ang white ay nare-reflect ng light at ang kulay na ito ay maaaring magpakita pa ng larger look, huwag kang magsuot ng solid white sa largest body part like chest, hips, or thighs dahil lalong magmumukhang malaki ito. Go ka sa white monochromatic (all one color) group. Isuot ang white sa small body part.

* White stockings

Kung hindi ka naman nurse, bride o under age 5, ‘di tama na magsuot ka ng white stockings. Nauso ito 20 years ago pero hindi na sa generation natin ngayon.

* White shoes

Hindi popular choice ang white shoes lalo na kung hindi kayang dalhin ito. Actually, ipakikita lang nito na mas lalong lalaki ang paa mo o magmumukha kang maliit tingnan. Best choice? Colors na malapit sa white: ecru, off white, cream at iba pa.

* White isn’t good to a wedding

Unless you’re the bride or in the bridal party, huwag kang mag-all white sa isang kasalan. Tandaan mo: white is reserved for the bridal party. Huwag kang makipag-compete sa bride on her big day.

At kung ikaw ang tipong ayaw ng white try mong mag-off white shade gaya ng ivory, eggshell o oyster. Dapat maging bagay sa iyo ito at maging comfortable ka.

Read More

GROCERY TIPS

0

Ni Ann Esternon

 

Dahil lahat tayo ay nasa hagupit ng krisis pangkalusugan at pang-ekonomiya, sadyang kailangan natin ngayon ang magtipid sa anomang bagay.

Aminado rin tayo na sadyang bawas na ang ating binibiling grocery items dahil marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng hanapbuhay o nabawasan ang kinikita mula sa dati nating normal na pamumuhay.

Ano ang dapat isaisip kapag namimili sa grocery store?

* Bago magtungo sa tindahan ay maglista muna ng mga kailangang bibilihing items. Iwasang bumili ng mga item na hindi naman kakailanganin sa bahay

* Kailangan ding magkaroon kayo ng listahan sa mga kakainin sa buong linggo upang masigurong naka budget ito

* Huwag mag-grocery nang gutom o walang laman ang tiyan dahil mataas ang tendency na maging wala sa ayos ang inyong pamimili

* Huwag nang magsama ng bata dahil bukod sa delikado sila sa virus dala ng Covid-19 ay maaaring magturo pa ito ng mga item na pwedeng makadagdag sa gastos

* Bumili lamang ng item na saktong magagamit sa isang linggo para hindi na magpabalik-balik at maiwasan din ang peligrong pagkahawa sa virus

* Maaaring ikonsidera ang mga pagkaing naka-pack na: nabalatan o nahiwaan na. Siguraduhin lamang na ito ay sariwa pa o agad na ikokonsumo sa bahay

* Piliin ang mga high-nutrition, low-cost na pagkain

* Huwag mahiyang kumuha ng freebies sa tindahan

* Ikonsidera ang pagbili ng on sale items ngunit siguraduhing magagamit ito sa inyong bahay

* Ikonsidera rin ang pagbili ng frozen food dahil ang mga ito ay matagal masira

* Piliin ang mga item na nasa likod ng mga lagayan dahil karaniwang naririto ang mga bago at fresh na items partikular sa mga tinapay, inumin at iba pa

* Bumili na ng maramihan kung on sale, mas makakamura, o mas maganda ang offer nito kumpara sa ibang brand. Siguraduhin lamang na may sense ang pagkuha ng mga ito. Suruin din ang mga expiration date ng mga ito

* Huwag basta maniwala sa branded items, subukan ang iba na may parehas na kalidad ngunit mas mura

Read More

PANATILIHING SAFE ANG BANYO MULA SA GERMS

0

Ni Ann Esternon

 

Isa sa mga lugar sa bahay na dapat mapanatiling palaging malinis ay ang banyo. At ang pagiging malinis ay nangangahulugan na wala itong bacteria para ang buong pamilya at iba pang nakatira sa bahay ay safe sa anumang sakit.

Ang paglalagay ng floor mat sa labas ng pintuan ng banyo ay mainam upang ang basa mula loob ay hindi na kumalat pa at malimitahan ito sa mat na gamit. Ngunit kung maaari ay iwasang maglagay ng floor mat sa loob lalo na ang yari sa tela dahil kung basa ito ay pinamamahayan ng mga dumi at germs na maaaring magbigay ng sakit.

Ang mga floor mat na ginagamit ay kailangang regular na malabhan at ma-disinfect.

Iwasang mag-iwan ng mga basang bagay sa loob ng banyo tulad ng mga pinaggamitang damit o tuwalya. Maiging ilabas ito at patuyuin sa hangin at huwag idiretso sa laundry basket lalo ng kung hindi pa naman lalabahan.

Kung mag-iiwan ng mga basang damit o tuwalya, siguraduhing maayos itong nakasampay at may sapat na hanging pumapasok sa loob ng banyo. Tandaan na attracted ang mga bacteria, germs o viruses sa mga basa at madali silang dumami rito. Isang paraan din ito upang hindi masira ang damit mula sa mga tagulamin, na maaaring magdulot din ng sakit partikular sa balat.

Palagiang linisan ang lagayan ng sabon at tanggalin ang mga namumuong residue rito.

Tanggalin ang mga duming namumuo sa tiles, lababo, gripo, salamin na nasa loob ng banyo.

Kung mayroong flower vase rito, siguraduhing regular na napapalitan ang tubig nito upang hindi pamahayan ng mga lamok o kitikiti.

Sa paglilinis ng banyo, linisan din ang mga gripo, bidet at shower heads. Isama sa mga lilinisin ang balde at tabo. Ang mga ito ay hindi dapat kinakapitan ng lumot o anumang dumi.

Ang paglilinis ng banyo ay dapat gawing regular. Kung hindi kaya ang paglilinis ng araw-araw, gawin ito kahit tatlo o apat na beses sa loob ng isang linggo.

Suriin ang cabinet na narito at linisan din itong maigi. Isa-isahing linisin ang mga item sa loob nito. Ang mga container na wala nang laman ay agad na itapon.

Siguraduhin ding laging tuyo ang paligid at anumang bagay sa banyo para makaiwas sa sakit dala ng mga dumi o bacteria. Dapat ay may sapat na hangin sa kuwartong ito para maiwasan itong laging basa.

Read More

MASAMA SA KALUSUGAN: IWASAN ANG MGA YUPING CANNED GOODS

0

Ni Ann Esternon

 

Hindi siguro maiiwasang makakita sa merkado ng mga yuping de-latang pagkain o inumin o ang mga tinatawag na dented canned goods at iba sa mga ito ay nasa discounted price na.

Bilang matalinong consumer, dapat alam ninyo kung may epekto ito sakaling makonsumo.

Ang dented canned goods ay maaaring mayroong Clostridium botulinum, isang uri ng bacteria na may koneksyon sa botulism.

Ang botulism na kilala ring bilang botulinus intoxication, ay isang rare pero delikadong sakit na nakaaapekto sa nervous system at maaaring mauwi sa pagkaparalisa.

Unang tinatamaan ng botulism ay ang facial muscles at kakalat ito sa ibang bahagi ng ating katawan. Kung sakaling kumalat din ito sa breathing muscles, maaaring masundan ito sa respiratory failure.

Dahil ang yuping delata ay maaaring makontamina, posibleng ma-food poison ang kakain nito. Kaya sa susunod na bibili ng mga de-lata, siguraduhing walang yupi ito. Huwag ring padadala kahit ito ay on sale pa.

Maliban sa pagsuri kung yupi ang nabiling canned goods, itsek din ang expiration date nito.

Read More

TAGULAMIN SA MGA DAMIT, PAANO MAWAWALA?

0

Ni Ann Esternon

Ang tagulamin ay ang namumuo at kumakapit sa mga damit o telang matagal nang hindi nalilinis o nagagamit.

Madalas din itong makita kapag ang tela ay hindi napatuyo nang maayos at nakaimbak nang may katagalan. Kapag hindi naagapan, ang tagulamin ay makasisira ng tela, mag-iiwan ito ng mantsa at pwede ring makanipis o makabutas.

Ang tagulamin din ay lumilikha ng hindi kaayaayang amoy sa tela. Ang amoy nito ay maaaring kaamoy ng lumot na malansa.

Nagsisimula rin ang tagulamin sa mga lugar na mamasa-masa at pinamumugaran ng fungi o mold. Pwedeng makita ito sa likod ng inyong closet, laundry basket at iba pa.

Bumabaho ang damit dahil sa tagulamin dahil na rin sa mold o fungi na nabubuhay sa damp places. Tandaan natin na kahit saan ay may moisture, kaya naman ang tagulamin ay pwedeng maging unwanted guest na aaktong at home talaga ang mga ito.

MATATANGGAL PA BA ANG TAGULAMIN SA DAMIT?

Posible ngunit ang kailangan dito ay todo effort at paglalaanan talaga ng oras.

Ang pinakamadali paraan dito ay maghanap kayo ng aid mula sa inyong kitchen pantry. Tulad nito ay asin at lemon.

Solution 1:

Paghaluin lamang ang lemon juice at asin para makabuo ka ng thick paste at ikuskos ito sa mildewed-infested areas ng damit, kumot, kurtina, bedsheet at iba pang kinapitan nito.

Hayaan ang paste sa tela nang ilang minuto. Sabunin at banlawan. Kapag naroon pa rin ang mantsa ay muling ulitin ang procedure hanggang sa mawala ang tagulamin saka isampay na nakabilad sa araw.

Solution 2:

Pwede ring maging option ang pagsamahin ang tubig at suka.

Siguraduhing nasa equal parts ang dalawang ito na may sapat na dami – depende sa dami rin ng damit. Sa solution na ito ay ibabad ang damit na may mild na tagulamin. Para sa tougher stains, gumamit ng full-strength vinegar.

Solution 3:

Option din na gumamit ng borax.

Ang combination nito na boron, sodium, oxygen at water ay tinatawag na all-natural mineral na karaniwan nang panlaban sa tagulamin. Maghalo lamang ng dalawang litro ng tubig sa dalawang tasang borax, at ikuskos ang solution na ito sa mildewed areas ng damit o tela. Sunod dito ay i-saturate ang garments sa solution hanggang sa ang stains ay mawala nang tuluyan – proseso ito na aabutin ng ilang oras.

Kapag natanggal na ang mantsa ay agad itong labhan at banlawan nang mabuti. Patuyuin agad nang natural o gamit ang dryer.

Solution 4:

Maaari ring asahan ang bleach para rito.

Ang bleach ay nakatatanggal ng mildew stains, pero dapat na maging maingat sa paggamit nito. Mas mabuting gumamit ng bleach na akma sa mga puti at bleach para sa deKolor na mga damit o tela. Kung hindi magiging maingat sa paggamit ng chemical ay lalo lamang masisira ang damit.

Para sa washable fabrics, ikuskos ang small amount ng powdered detergent sa mildew stains. Depende kung allowed ng tags, labhan ang damit sa mainit na tubig at magdagdag ng kalahating tasang chlorine bleach. Kapag hindi pwede, base sa clothing labels, ibabad ang damit sa quarter cup ng oxygen bleach – labeled perborate or all-fabric – sa isang galon ng maligamgam na tubig. Makalipas ng 30 minuto o higit pa ay dapat nang mawala ang mantsang nakakapit sa damit.

NAGDUDULOT BA NG SAKIT ANG TAGULAMIN?

Ang matagal na pagkalantad sa mold at mildew ay maaaring makapaghatid sa atin ng serious consequences para sa ating kalusugan at well-being.

May mga taong kaagad na nahihirapang huminga matapos na ma-expose sa spores, lalo na kung sila ay nakadikit sa damit o tela na malapit naman sa ating bibig at ilong.

Dahil mahirap namang iwasan ang kapaligiran – indoors at outdoors – ng mold and mildew, mahalagang magkaroon ng regular na pag-eeksamin sa mga damit o anumang tela na nasa bahay. Suriin kung ang mga ito ay may mantsa at agad solusyunan ito.

Ang paghawak at paglanghap sa mold and mildew ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng isang wide range of health problems – sa allergic o non-allergic man na tao – kahit pa ang spores ay patay o buhay.

Ang sakit na maaaring makuha rito ay kinabibilangan ng throat irritation at nasal issues tulad ng congestion, sneezing at bloody noses. Maaari ring magtubig ang mga mata at mamula ang mga ito habang ang balat ay maaari ring mag-break out in hives o rashes.

Read More

TIPID KURYENTE TIPS

0

Ni Ann Esternon

Sa panahon ng krisis, mas dapat tayong magtipid sa anomang bagay.

Dahil marami ang naghihirap ngayon dahil marami ang nawalan ng trabaho kailangang matutong tipirin ang pagkonsumo tulad sa kuryente. Dapat gawin ito ng sinomang miyembro ng pamilya o kung sinoman ang tao sa bahay para kung anoman ang matitipid nap era ay mailalaan pa para sa ibang gastusin.

Dahil marami rin ngayon ang nananatili sa bahay para makaiwas sa sakit dala ng COVID-19, mas magastos dahil mas matao sa bahay.

Para makatipid, ito ang mga tips na magbibigay ginhawa at makabawas sa inyong mga gastusin.

PAGLALABA

– Dapat ay full load at hindi overload kung gagamit ng automatic washing machine. Ang automatic washing machine ay parehas ng konsumo ng kuryente para sa full load gaya ng paglalagay ng single item. Hindi rin naman dapat maging overload dahil mababawasan lamang ang cleaning action ng makina. Kung nakaayos ang sizes ng mga damit in a full load ay mas maayos ang cleaning action nito.

– Kung may tubig sa washing machine na ginamit na sa unang hanggang pangalawang load ay maaaring gamitin pa para malinisan ang inyong mga basahan o doormat para hindi rin ito masayang.

– I-monitor ang weather forecast at kung may sapat hanggang sa sobrang init ay mainam ito para makapagpatuyo ng damit sa maghapon at huwag nang gumamit pa ng drier.

PAMAMALANTSA

– Iwasan ang pagpaplantsa ng mga damit araw-araw. Mas makakatipid kung gagawin lamang ito isang beses sa isang linggo o dalawang beses sa isang buwan.

– Kung magpaplantsa dapat ay maramihan at unahin ang mga malalaki at makakapal na damit at kung tapos na ay agad na i-unplug ang plantsa sa saksakan. Gamitin ang natitirang init sa mga panyo, shawls at iba pang maninipis at maliliit na tela.

– Huwag nang plantsahin ang mga damit na hindi naman kailangan o ang mga damit na pwedeng isuot kahit hindi plantsado tulad ng mga pambahay o ang ibang mga dry fit na damit.

– Gawin ang pamamalantsa sa gabi at hindi sa umaga.

ILAW AT APPLIANCE

– Kapag hindi ginagamit ang ilaw ay dapat i-switch off na ito

– Kung may sapat na liwanag ang isang lugar ay huwag nang gumamit ng ilaw.

– Gumamit ng LED (light-emitting diode) lighting system sa halip na incandescent bulb dahil 86% na energy ang matitipid nito.

– Iwasan din ang tinatawag na “phantom load” o ang mga appliances na nakasaksak pero hindi naman ginagamit kaya dapat tanggalin din ito sa saksakan. Ang mga appliances na may remote control ay kumokonsumo ng kuryente kahit nakapatay ito kaya maiging bunutin ito sa saksakan.

– Ang regular na pagde-defrost ng refrigerator at chest freezer ay makakatulong sa pagtitipid ng kuryente. Iba ang thermostat nito hanggat maaari at sikaping kapag ito ay bubuksan ay makukuha na nang mabilisan ang mga kukunin nang sabay-sabay.

– Panatilihing malinis ang air conditioner at iba pang appliances

– Iwasan din ang paggamit ng industrial fan dahil malakas itong kumonsumo ng kuryente.

– Tangkilikin ang mga appliances na energy appliances at gadgets. Halimbawa nito ay 20-30% ang matitipid o P160-P240 kada buwan ang matitipid kapag gumamit ng inverter na refrigerator

– Sa paggamit ng rice cooker subukan na isa hanggang dalawa lamang ang paggamit nito. Isahang luto na marami ay makakatipid nang malaki sa konsumo ng kuryente.

– Kung gagamit ng computer iwasan nang gumamit pa ng telebisyon.

– Mag-LPG sa halip na electric stove ang gamitin.

Read More