DAMING NAG-REACT SA TOPLESS NI ALDEN

0

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Ang daming nag-react sa mga ipinu-post ni Alden Richards na naka-topless at may pa-abs pa itong ipinakikita.

Siya kasi ang bagong endorser ng Century Tuna Superbods kasama si Nadine Lustre.

Kaya naman kinarir din niya ang mag-gym at magpapayat para bagay na bagay naman siyang mag-endorse ng naturang produkto.

Pero bukod diyan, sisimula na rin ni Alden ang bagong programa niya sa GMA 7 na Centerstage, isang musical reality show tampok ang mga batang magagaling kumanta.

SANYA NA-PRANING SA CORONAVIRUS

SANYA LOPEZ-7SEE: Isa si Sanya Lopez sa napa-praning sa tumitinding isyu sa Novel Coronavirus 2019.

Maingat daw siya ngayon at halos limang beses daw siyang naliligo kapag galing siya sa labas.

“Nakakapraning naman po talaga. Lalo na po ngayon because of social media. Pero importante po talaga na alagaan po natin ang sarili natin.

“Iba pa rin po talaga ang nag-iingat eh,” pakli ng Kapuso sexy actress.

Kahit nga raw sa mall shows nila o sa regional shows, medyo praning na rin daw ang mga guard at handlers nila dahil binabawalan na raw silang lumapit sa fans.

Posible kasing mahahawa ka sa crowded na lugar.

“Pag nagmu-mall show po ako ngayon… before po kasi pinapayagan pa kami bumaba. Pero ngayon, kahit anong pilit ko ayaw po talaga kami payagan. Pero ‘yung pinupuntahan na rin kasi namin naka-mask na rin lahat.

“Siyempre, ‘yung mga hawak-hawak sa kamay… pero humahawak pa rin ako minsan, hindi po talaga maiwasan. Pero kailangan po talaga maghugas ng kamay at mag-alcohol,” pahayag ni Sanya nang nakatsikahan namin noong Lunes sa story conference ng bagong programa niyang Agimat ng Agila kasama si Sen. Bong Revilla.

DUMADAMI ANG SUMUSUPORTA KAY MARCELITO POMOY

MARCELITO POMOYSWAK: Ngayong pasok na si Marcelito Pomoy sa grand finals ng America’s Got Talent, lalong dumadami ang sumusuporta sa kanya. Kaya patuloy lang din ang pakiusap niya sa ating mga kababayan sa Amerika na sana tulungan siya sa mga boto para mapanalunan niya ito.

Pero laging sinasabi ni Marcelito na hindi niya ito narating kung wala ang asawa niyang nag-push na sumali siya sa AGT.

“Nagpapasalamat siguro talaga ako sa asawa ko kasi siya ang gumawa ng way eh.

“Ako nawalan noon ng pag-asa, siya ang talagang nagtayo. Sabi niya, ‘hindi, kaya mo pa ‘yan. May boses ka pa, ako ang gagawa ng paraan.

“Umiiyak talaga ko nun eh,” pahayag ni Marcelito.

Kaya kung wala raw ang asawa niya, hindi naman daw niya ito maabot.

Thankful din siya sa mga biyenan niya dahil todo rin daw ang suporta sa kanya.

Minsan nga raw parang pakiramdam niya mas mahal pa siya ng mga biyenan niya kesa asawa niya.

Kaya, patuloy raw niyang idinadasal sa Diyos at nagpapasalamat sa pamilya at sa asawa niyang ibinigay sa kanya.

AKTRES OA SA PAGKASELAN

SEE: Hindi pa raw nauuso noon ang Novel Coronavirus, OA na raw sa pagkaselan itong si kilalang aktres na balak na ring magpakasal sa kanyang boyfriend.

Sinasabihan na kasi ngayon na medyo iwas na sa pagbeso-beso.

Pero noon pa man, itong si aktres ay talagang namimili na raw ng binebeso niya.

The height ng ginagawa niya, kapag pumapasok daw ito sa isang bahay o building, hindi raw ito humahawak sa door knob para buksan ang pinto.

Marami na raw ang nakapansin sa kanya na tumatakbo ang alalay nito para pagbuksan siya ng pinto, dahil hindi raw ito humahawak ng door knob.

Ganoon kaarte at kaselan itong si kilalang aktres at ang dami pang kuwento tungkol sa kanya.

 

 

Read More

BAWAL BA ANG CELLPHONE CAMERA SA ‘STRIP PARTY’ NA SUHESTIYON NI ALDEN

0

VIS A VIS copy.jpgKabilang si Alden Richards sa katrabahong grupo na nagpaplano para sa gaganaping pagtitipon na mala-cast party.

Hindi na iba sa Kapuso actor ang kanyang mga kasama sa meeting as most of them ay nakatrabaho na niya in the past. Nakasanayan na nilang mag-bonding sa tuwing magpapaalam na sa ere ang kanilang programa.

Natural na nag-uumapaw ang mga suggestions sa kung paano nila idaraos ang party.

Came Alden’s turn na ikinagulat ng mga katrabahong seryosong nakikinig what he had to say.

“Para maiba naman,” simula raw ni Alden, “maghubad tayo!”

Wala raw sa tono ni Alden ang nagbibiro o nagpapatawa. Seryoso raw ang mukha nito na talagang pinandidigang “strip party” ang nais niyang kalabasan ng isang gabing gimik.

ALDEN RICHARDS IN HIS NAKED GLORY

Ikina-shock ‘yon ng kanyang mga kamiting dahil taliwas ‘yon sa image ni Alden, na hindi makabasag-pinggan tapos ay gustong mag-all the way as in his birthday suit?

Kung saka-sakali bang matuloy ‘yon, mahigpit kayang ipagbawal ni Alden ang pagdadala ng cellphone para hindi siya makunan in his naked glory?

 

 

NAGDARAHOP ANG MAHILIG SA HIGH LIFE

Problemado umano ngayon sa pananalapi ang isang sikat na gay celebrity.

Isa siyang salon owner whose shop ay nakatirik somewhere within the Scout area in Quezon City. Ang dating nagmamay-ari ng property na ‘yon ay isa ring tanyag na singer-actress pero naipagbili na niya ito.

Malapit ang salon owner sa aktres, na baka nga noong time na sa kanya siya nagbabayad ng buwanang upa ay okey lang kung atrasado ito.

“Hindi lang ‘yon, ang sabihin mo, baka may special discount pa ang salon owner since they’re close,” ayon sa aming source.

Since iba na nga ang may-ari nito, nag-iba na rin siyempre ang presyo ng upa.

 HIRAP SA BAYARIN SI SALON OWNER-ACTOR-ENDORSER

For sure, mas tumaas pa ito kaysa dati making it hard for the gay salon owner to meet.

Hindi rin daw kasi marami ang kanyang mga kliyente, both showbiz and non-showbiz.

Good thing, hindi lang ‘yon ang kanyang bread and butter. Manaka-naka ay nakagagawa ng mga pelikula ang salon owner, on the side ay may pasulput-sulpot din siyang commercial endorsements.

It’s such a pity nga lang that life has become a bit too hard for him.

“Nag-lifestyle din kasi siya, eh,” tsika ng aming source. By lifestyle, he means na nakipagsabayan din daw ito sa high living ng kanyang mga celebrity friends.

Pero nasaan na ngayon ang mga ito, when they’re supposed to be around for him sa ganitong mga panahon?

“Well, ‘yung isa, may regular show nga pero since siya ang bumubuhay sa pamilya niya, siyempre, hindi ‘yon sapat. Eh, balita pa ngang ‘papatayin’ na ang karakter niya sa kuwento,” pagti-tip pa nito.

We feel for the salon owner, na minsan na ring pinuri sa kanyang pagganap sa isang pelikulang tumatalakay sa namuong pag-iibigan sa pagitan ng isang beki at isang preso.

 

Read More

DAMAGE CONTROL PARA SA HUNK ACTOR

0

olea(NI JERRY OLEA)

“It’s unfair! It’s unfair!” Pumalahaw ang kampo ng beteranong direktor. Ano’t sinisisi si direk ng isang aktres sa talakan nila ng hunk actor sa set ng kanilang teledrama?!

Ano ang sumapi sa aktres para magmahadera siya at magtahi ng istorya mula sa hangin?! Inutusan ba ang aktres alang-alang sa damage control para sa hunk actor, at the expense of the director?

Iba ang tinitingnan, iba ang tinititigan. Kaya quiet na lang si direk, at ipinaubaya sa karma to take its course.

LOTLOT NAG-MANAGE NG BASKETBALL TEAM; MAYE TNGCO NAG CHAMPION ANG VOLLEYBALL TEAM

Nag-manage ng basketball team si Lotlot de Leon alang-alang sa anak niyang si Diego Gutierrez na member ng grupo.

Nag-manage ng volleyball team ang Cebu-based na si Maye Tongco (dating sexy star), at nag-champion sa tournament ang kanyang koponan.

Magka-level na ba sina Lotlot at Maye? Sagot, Kagawad Leklek Tumalad!

LUCKY CHARM SA PELIKULANG THE MALL, THE MERRIER ANG IPAGBUBUNTIS NI ANNE

More & more ang mga filmfest sa bayang magiliw, pero nanatiling #1 ang Metro Manila Film Festival tuwing Disyembre. Fiesta bonanza sa takilya, at bonggacious ang line-up in its 45th edition, in line with the Centennial of Philippine Cinema.

Inaasahan nating mangunguna sa takilya ang M2M: The Mall, The The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis. Malaking suwerte at good vibes ang hatid ng ipinagbubuntis ni Anne.

#2 para sa atin ang prestigious Cinemalaya filmfest na ang tahanan ay CCP. More & more ang tumatangkilik dito sa pagdaan ng mga taon. Sa loob ng 15 taon ay sandamukal na Cinemalaya films ang umariba sa iba’t ibang international filmfest.

Ang best picture nila this year na John Denver Trending ay tunay na relevant.

#3 ang Pista ng Pelikulang Pilipino, na nakatatlong edisyon na. Co-terminus ba ito kay Presidente Duterte? Huwag naman sana.

Excited tayo para sa unang Summer edition ng MMFF next year, na mag-uumpisa sa Sabado de Gloria.

Kaabang-abang din ang Sinag Maynila na mas marami ang kalahok sa susunod na taon.

Iyong Cinema One Originals, ano kaya ang future kung hindi ma-renew ang franchise ng ABS-CBN?

CONGRATS MARK AT AICELLE

Congrats, Mark Zambrano at Aicelle Santos! Sinaksihan ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan ang kanilang pag-iisang dibdib noong Sabado nang hapon sa El Jardin de Zaida ng San Juan, Batangas.

Napaka-romantic ng kanilang garden wedding!

Cheers! Mabuhay ang bagong kasal!

Bago matapos ang taon, marami pang magsing-irog ang magpapakasal. Mas masarap ang honeymoon kapag taglamig, di ba?!

 

 

Read More

SEXY MALE STARLET, PA-BOOKING SA MGA MAHILIG NA BADING

SILHOUETTE ACTOR12
0

olea(NI JERRY OLEA)

PA-BOOKING  sa mga bading ang isang sexy male starlet.

On the side ay ibinu-boogie wonderland niya ang mga katropa niyang lalaking starlet, na karamihan ay palaban sa hubaran pero kapos sa talent.

Natikman ng isang mael­yang bading ang sexy male starlet, at ang press release ng bading ay isa siyang call center agent.

Ang hilig ni maelyang ba­ding ay mga lalaking mula sa dakilang lahi. Itong si sexy male starlet, eh, Reggie Lee ang ari-arian, kaya kahit mabango ito at magaling sa romansahan ay hindi na naulit ang minsan nilang tikiman. Pero tuloy ang communication nila, dahil ini-refer ni sexy male starlet ang mga kapwa male starlet friends sa maelyang bading.

Itsinika ng maelyang bading sa kaibigang showbiz reporter ang transactions nila. Ang hitad na showbiz reporter, inilathala iyon bilang blind item. Nabasa iyon ng sexy male starlet, at na-hurt ito na ibinandera ang pagbu-boogie niya sa mga kasamahan.

“Bakit nagsinungaling ka? Bakit mo sinabing isa kang call center agent eh isa ka palang veterinarian?” text ni male starlet. Dedma ang maelyang bading na doktor ng mga hayop.

Tumatawag sa cellphone ang sexy male starlet. Hindi iyon sinasagot ng maelyang bading na bisi-bisihan ang peg. Nangulit ang sexy male starlet, “Pwedeng magkita tayo uli? Patitingnan ko sana sa ‘yo ang alaga kong aso.” Natakot ang maelyang ba­ding. Nagpalit na siya ng mobile number.

###

Bilib na bilib si Direk Joel Lamangan sa mga artista niya sa pelikulang In The Name Of The Mother.

Bida rito si Snooky Serna bilang matriarch, at pasaway ang tatlong anak niya rito na ginampanan nina Pancho Magno, Rita Daniela at Miggs Cuaderno.

Totoo ba na hindi nalalayo sa tunay na buhay ang karakter dito ni Rita na papalit-palit ng boyfriend?

Sinabihan pa ni Direk Joel si Rita, “Huwag kang magpapa-sweet! Hindi bagay sa ‘yo!”

Natuwa si Direk Joel sa kabaitan ni Rita at pagiging honest sa kanya.

 

Read More

YOUNG ACTOR AND YOUNG ACTRESS, TAKSIL SA ISA’T ISA

0

olea(NI JERRY OLEA)

NAKAKALUKRING ang mga sitsit sa magkasintahang young actor at young actress na magkatambal sa isang movie.

Pakiramdam ni young actress ay hindi siya pinag-uukulan ni young actor ng sapat na panahon.

Hanggang sa naulinigan ni young actress na nakipaglandian si young actor sa ibang young actress.

Tinalak-talakan ni young actress ang kanyang BF. Sinumbatan nang bonggang-bongga.

Hirit ni young actor, batid niyang nakipaglandian din sa ibang guwapong aktor ang young actress. May eyewitness report!

Natigalgal ang young actress at hindi nakapag-deny.

Paano na ang promo ng kanilang movie na promising pa man din kung may mga ganyang factor?

 

Read More

YOUNG ACTOR  BET BUNTISIN ANG YOUNG ACTRESS

silhopuette actress12
0

(NI JERRY OLEA)

HINDI maamin ng young actor at young actress ang kanilang relasyon.

Kasi naman, hindi sila magkasama sa TV show. May ibang ka-loveteam ang young actress, at pilit na nagpapakilig kuning-kuning ang kanilang tandem.

OK lang kay young actor na walang aminan. Ang hindi OK sa kanya, walang oras ang young actress para mairaos niya ang init ng kanyang katawang lupa.

Naihimutok tuloy ni young actor sa mga kabarkada na bet niyang buntisin ang young actress para hindi na ito bisi-bisihan sa career.

    ###

Ikinakasa na ng GMA 7 ang 7th season ng “StarStruck.”

Exciting ito para sa mga gustong mag-“dream, believe and survive.”

Sapat na ba ang natamong kasikatan ng Final 4 ng StarStruck Season 6 na sina Klea Pineda, Migo Adecer, Ayra Mariano at Elyson de Dios para hanapan sila ng kapalit?

 

Read More

DIVA-DIVAHAN ANG PEG NG ISANG STARLET!

silhopuette actress12
0

(NI JERRY OLEA)

KASALI  sana siya sa isang TV series. Kaso, may kondisyon siya — kailangang meron siyang sariling glam team.

Eh, wala iyon sa production budget. Kaya ang sabi ng executive producer kay young starlet, “Kung gusto mo ng glam team, ikaw ang magbayad. Pwedeng kaltasin sa TF mo!”

Nagmatigas ang young starlet, “No way! Kung wala kayong maibibigay na glam team for me, ayoko na! I quit!”

Sa tingin ninyo, magkakaroon pa ba ng regular TV show ang hitad?

    ###

Natanso ang isang kilalang aktres.

Umibig siya sa isang guwapong aktor, na mahilig makipaglaro ng espada sa mga kapareho ang gender.

Once upon a time, ang singer-actress na ina ng kilalang aktres ay nagmahal din sa isa ring guwapong aktor.

Dito ipinatungkol ni singer-actress ang linya sa isang kanta niya kaugnay sa pag-swallow ng pride.

“Like mother, like daughter,” mabining pagbuntong-hininga ng isang multi-awarded broadcaster.

Read More