DAGDAG-BAWAS SA OIL PRICE NAKAAMBA 

oil price hike

(NI ROSE PULGAR)

MAY nakaamba na naman ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa abiso ng kumpanyang Unioil nasa P0.25 sentimos hanggang P0. 30 sentimos ang posibleng pagbaba kada litro ng kanilang diesel.

Habang sa gasolina may dagdag na P0.80 hanggang P0.90 sentimos kada litro.

Magugunitang nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng pagtaas sa gasolina at rollback sa diesel ang mga kumpanya ng langis.

Ang nakaambang dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Tuwing araw ng Martes na ipinapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo.

 

Please follow and like us:
Read More

DAGDAG-BAWAS SA OIL PRODUCTS IPATUTUPAD

gaso

DAGDAG-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang magaganap sa Nobyembre 12.

Bawas-presyo sa presyo ng diesel ang ipatutupad habang sa susunod na linggo ay magkakaroon naman ng taas- presyo sa gasolina.

Ipatutupad ang mula P0.90-P1.00/litro dagdag sa presyo ng gasolina habang nasa P0.10-P0.20/litro naman ang rollback sa diesel. Sa kerosene ay nasa P0.10-P0.20/litro ang ibabawas sa presyo.

Sa kabuuang mula Oktubre 1 ay nasa P2.55 ang naibawas sa presyo ng diesel habang higit sa P3.00 naman ang naging bawas sa presyo ng gasolina sa parehong panahon.

 

Please follow and like us:
Read More

DAGDAG-SINGIL NG MERALCO NGAYONG NOBYEMBRE

meralco121

(NI KEVIN COLLANTES)

INIANUNSIYO ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad sila ng 47 sentimo kada kilowatt hour (kwh) na dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ito ang ikalawang buwan na nagtaas ng power rates ang naturang power distributor matapos na magtaas din ng singil noong Oktubre.

Aniya, dahil sa taas-singil sa kuryente na P0.4717/kwh ngayong November bill ay magkakaroon ng upward adjustment sa overall household rate ngayong buwan ng P9.5579/kwh mula sa dating P9.0862/kwh lamang.

Ipinaliwanag naman ni Zaldarriaga na ang pagtaas ng singil sa November bill ay dulot ng pagmahal ng halaga ng kuryente sa spot market.

Nakaambag din umano sa pagtataas ng singil ang dalawang yellow alert at ilang plant outages sa Luzon grid na natapat sa naturang billing period.

Bukod pa aniya sa mas mababa na rin ang naturang refund na iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ipatupad.

Nabatid na ang naturang dagdag-singil ay katumbas ng P94.34 na dagdag sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng kuryente na 200 kwh kada buwan; P141.51 naman sa mga nakakagamit ng 300 kwh; P188.68 sa mga gumagamit ng 400 kwh na elektrisidad at P235.85 para sa mga kumukonsumo ng 500 kwh na kuryente kada buwan.

Samantala, sinabi naman ng Meralco na kahit na may dagdag singil ay mas mababa pa rin ang electricity rates ng piso ngayong Nobyembre, na nasa P9.56/kwh lamang, kumpara sa Abril 2019, na mayroong P10.56/kwh.

 

Please follow and like us:
Read More

BAWAS-PRESYO 

oil34

(NI ROSE PULGAR)

NAGPATUPAD ng katiting na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayon araw, (Oktubre 29).

Sa inilabas na anunsyo ng Pilipinas Shell, nasa P0.45 kada litro sa gasolina, P0.10 sentimos kada litro naman sa diesel at wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene  na epektibo ngayon alas-6:00 ng umaga.

Hindi naman nagpahuli ang PTT Philippines, Petro Gazz na nagpapatupad din ng kaparehong bawas-presyo sa kanyang diesel at gasolina ngayong araw.

Nabatid na unang nag-rollback ang Clean Fuel ng P0.60 sentimos sa gasolina at P0.20 sentimos sa diesel, nitong Linggo ng alas-4:01 ng hapon.

Aasahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis tulad ng Petron Corporation, Total at iba pang kumpanya ng langis  kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price rollback sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaan nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo na P0.25 sa kada litro ng gasolina, P0.10 sa kada litro ng diesel at P0.25 sa kada litro ng kerosene.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

PAGNENEGOSYO SA PH ‘MABANGO’ SA WORLD BANK

WORLDBANK12

(NI MAC CABRERO)

NANANATILING mabango ang merkado ng Pilipinas para magpasok at magtayo ng negosyo, iniulat ng World Bank.

Base sa ‘Doing Business 2020’ report ng World Bank, umangat din sa ika-95 puwesto mula sa ika-124 ang Pilipinas sa talaan ng mga developing countries bilang pinakamagandang lugar na pagtatayuan ng negosyo.

Ayon sa ulat, lalong pinalawak ng Pilipinas ang bukas na pinto para sa mga mangangalakal o investors nang alisin ang minimum capital requirement para sa domestic companies at pagluwag sa prosesosa pagkuha ng construction permit at occupancy certificate.

“The Philippines strengthened minority investor protections by requiring greater disclosure of transactions with interested parties and enhancing director liability for transactions ,” dagdag ng World Bank.

Inihayag naman ni Rita Ramalho, senior manager ng Global Indicators Group ng World Bank  na patuloy na umaarangkada ang pagnenegosyo sa East Asia at Pacific region lalo ang mga nagpapatupad
ng mga reporma sa patakaran sa pangangalakal.

“Compared to its peers in the East Asia Pacific, the Philippines ranked below Singapore (2nd), Hong Kong (3rd), Malaysia (12th), Taiwan (15th), Thailand (21st), China (31st), Brunei (66th), Vietnam (70th), Indonesia (73rd) and Mongolia (81st),” ulat World Bank.

Nasungkit muli ng China ang ikalawang sunod na taon na mapasama sa top 10 economies na nagpabango sa negosyo.

“Economies with the most notable improvement in Doing Business 2020 are Saudi Arabia, Jordan, Togo, Bahrain, Tajikistan, Pakistan, Kuwait, China, India and Nigeria,” dagdag World Bank.

Sa 115 ekonomiya sa buong mundo, una naman ang New Zealand bilang most business-friendly country, ayon pa sa international lender.

 

Please follow and like us:
Read More

BAWAS-PRESYO SA PRODUKTONG PETROLYO

oil price hike12

(NI ROSE PULGAR)

MAGPAPATUPAD ng katiting na bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga (Oktubre 22).

Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, PTT Philippines , Seaoil, Phoenix Petroleum Philippines, Petro Gazz, Chevron, at Total ang bawas presyo na P0.25 sa kada litro ng gasolina, P0.10 sa kada litro ng diesel at P0.25 sa kada litro ng kerosene na epektibo ng alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na bawas presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PRESYO NG GASOLINA TATAAS; DIESEL BABABA

oil price hike12

(NI ROSE PULGAR)

MATAPOS ang dalawang linggong sunod sa pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo, may nakaamba naman na dagdag presyo sa gasolina habang may bawas naman sa diesel at kerosene sa susunod na linggo.

Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na P0.20 hanggang P0.30 centavos kada litro ang dagdag sa presyo ng  gasoline.

Wala naman paggalaw sa presyo ng diesel at kung mayroon mang itong pagtaas ay nasa P0.10 centavos kada litro.

Habang sa kerosene ay may pagbaba ang presyo na nasa P0.35 hanggang P0.45 kada litro.

Posibleng bukas, Linggo ay mag-anunsyo na ang ilang mga  kumpanya ng langis  maliban na lamang ang tinaguiang big3 (Petron Corporation , Pilipinas Shell at Caltex Philippines) na inaasahan sa Martes ng umaga magpapatupad ng dagdag bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Please follow and like us:
Read More

BIGTIME OIL PRICE HIKE UMPISA BUKAS   

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY ED CASTRO)

MULING magpapatupad ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Pangungunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz, Total, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines at Chevron ang dagdag presyo na P2.35 sa kada litro ng gasolina, P1.80 kada litro ng diesel, at P1.75 sa kada litro ng kerosene epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng big time oil price hike ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Magugunita na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa na P1.35 sa kada litro ng gasolina, P0.85 kada litro ng diesel, at P1.00 sa kada litro ng kerosene.

 

Please follow and like us:
Read More

SUPPLY SAPAT PERO PRESYO NG LANGIS SISIRIT

oil1

(NI ROSE PULGAR)

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) na sapat pa ang suplay ng petrolyo ng Pilipinas ngunit aasahan ang posibilidad na pagsirit sa presyo nito dahil sa epekto ng pagsalakay sa dalawang planta ng langis sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na may ‘oil inventory’ pa na aabot sa isang buwan ang Pilipinas, mas mataas sa 15 araw na requirement ng DOE.

“Ang inventory natin, andiyan eh. We don’t see the problem of supply. Ang problema dito is ‘yung impact on the price,” ani ni Cusi.

Magugunitang sinalakay ang dalawang planta sa Saudi Arabia nitong nakaaang Sabado na nakaapekto sa kalahati ng suplay ng langis na pinoprodyus ng bansa.

Inako ng grupong Houthi ang pagsalakay at ang naturang drone attacks ay inaasahang makababawas sa oil output ng Saudi Arabia ng 5.7 milyong bariles kada araw o 5 porsyento ng kabuuang suplay sa mundo.

Sinabi ni Cusi, ito ang dahilan ng pagsirit sa presyo ng petrolyo ngayong linggo.

Nitong Martes nagtaas ang mga lokal na kumpanya ng langis ng P.85 sentimos sa kada litro ng diesel, P1.35 sa gasolina at P1 sa kerosene.

Dahil sa anunsyo ng pagbabawas sa produksyon sa krudo ng Saudi, sinabi ni Cusi na asahan na patuloy ang epekto nito sa presyo ng petrolyo sa mga darating na linggo.

Please follow and like us:
Read More