RIZAL PARK AT PACO PARK NAG-ADJUST NG ORAS, MANANATILING BUKAS PARA SA PHYSICAL EXERCISE

0

Upang suportahan ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan na makontrol ang tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, ang National Parks Development Committee (NPDC) ay nag-adjust ng kanilang visiting hours sa Rizal Park at Paco Park. Simula Biyernes, Marso 19, 2021 at epektibo hanggang sa ito ay mabago, ang parehas na parke ay maglilimita ng kanilang operating hours mula ala-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at magbubukas lamang sa park goers na may edad 18 hanggang 65 taong gulang na mayroon aktibidad para sa kanilang pag-eehersisyo.

Bilang pagsunod sa pag-uutos ng IATF at ng Department of Tourism, ang mga magtutungo sa mga nasabing parke ay kinakailangang magsuot ng kanilang face masks at face shields upang makapasok. Ang mga personal protective equipment ay maaari lamang tanggalin kung sila ay nasa intense physical exercise at kung mamamantina ang distansyang six feet sa iba. Hinihimok ang park goers na mag-download at mag-register sa StaySafe.PH mobile application upang magkaroon ng contactless contact tracing sa pagpasok sa Rizal Park at Paco Park.

Pinaaalalahan ang park goers na huwag nang pumunta sa mga parke kung hindi maganda ang kanilang mga pakiramdam o may mga sintomas ng COVID-19, o kung sila ay nagkaroon ng close contact sa ibang taong nagpositibo sa nasabing sakit. Ang mga marshal ay nasa site rin upang i-assist ang park-goers sakaling maging iba ang pakiramdam ng mga ito.

Inaasahan ng NPDC ang kooperasyon ng publiko sa anunsyong ito upang magpatuloy sila sa pagbibigay ng ligtas na lugar para makapag ehersisyo Rizal Park at Paco Park, at mamantina nila ang kanilang physical at mental wellbeing sa gitna ng pandemya.

Read More

GO NEGOSYO MAGLULUNSAD NG VACCINE EDUCATION FORUM PARA SA MGA EMPLEYADO

0

Pagsagot sa pangangailangan na dagdagan ang kumpiyansa sa bakuna sa bansa, bunsod nito ang Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder na si Joey Concepcion, ay maglulunsad ng isang forum ng bakuna upang itaguyod at turuan ang publiko sa kahalagahan ng pagbabakuna at kung bakit ligtas, mabisa, at kinakailangan ang mga bakuna sa oras na ito ng pandemya.

Ang forum ay magiging live sa pamamagitan ng Zoom at sa Facebook Page ng Go Negosyo (fb.com/GoNegosyoOfficial), Marso 19, 10 AM.

Upang magparehistro, pumunta sa bit.ly/BakitBakuna.

Ang mga magbabahagi ng kaalaman para sa forum ay sina Rep. Janette Garin, District Representative of Iloilo’s 1st District and Private Sector Chief Implementor of ARK-PCR Initiative, Dr. Manuel Dayrit, Former DOH Secretary and Dean at Ateneo School of Medicine and Public Health, Dr. Rontgene Solante, Head of Adult Infectious Diseases Tropical Medicine San Lazaro Hospital and DOST Vaccine Expert Panel Member, Dr. Minguita Padilla, President and CEO of Eyebank Foundation of the Philippines and Project ARK Medical Team Lead, at Dr. Gerardo Gap Legaspi, Director of Philippine General Hospital.

Ang programa ay gagampanan ni Ms. Josephine Romero, A Dose of Hope Vaccine Program Lead.

“We need every Filipino’s participation in order to win this war against COVID-19.

One year since we waged our war against this virus, we are close to winning as our final weapon, the vaccine, is already on our hands.

We are doing our utmost in the private sector, partnering with the government, to ensure that every Filipino will get their share of the vaccine,” pahayag ni Concepcion.
Ang vaccine forum ay pinamagatang “Bakit Bakuna: Forum on Why We Need to Get Vaccinated” at magsisilbing platform upang talakayin ang mga nauugnay na isyu at katanungan tungkol sa mga bakuna, pagtugon sa pag-aalangan, at pagwawasto ng maling impormasyon tungkol sa mga bakuna.

Bilang layunin ng forum na palakasin ang kumpiyansa sa bakuna, tulungan ang mga komunidad na maunawaan ang kanilang papel sa inisyatibo sa pagbabakuna sa buong bansa, at kung bakit ang pagbabakuna ay magkakaroon ng malaking epekto sa pagpapabilis ng paggaling ng ekonomiya ng Pilipinas, ang mga empleyado ay maaaring magtanong at masabi ang kanilang mga alalahanin lalo na yaong may mga pagdududa o pag-aalinlangan pa rin sa mga bakuna.

“What we need right now is for every capable and able Filipino to get vaccinated—we take this vaccine not just for ourselves but also for the people around us, and for those that are not suited to be vaccinated.

We need to get at least 70% of our population vaccinated to attain herd immunity.

If we fail to do this, all our efforts will be wasted—we will not be able to defeat the virus, our economy will not recover, and many lives and livelihoods will be lost in the process. That’s why we are calling for everyone’s participation on this,” dagdag ni Concepcion.

Sa ngayon, higit sa 700 mga kumpanya kasama ang kanilang mga empleyado ang inaasahang lumahok sa forum.

Ang unang 1,000 na kalahok ay tatanggapin sa pamamagitan ng Zoom Webinar platform habang ang iba pang mga interesadong ay maaaring sundan ang mga kaganapan nang live sa Facebook Page ng Go Negosyo.

Para sa karagdagang impormasyon o mga katanungan sa forum, makipag-ugnay sa Go Negosyo sa 8637-9347 o mag-email sa info.gonegosyo@gmail.com

Read More

TIPS SA HIRAP MAGPAPAYAT

0

Ni Ann Esternon

Napakahirap magpapayat lalo na kung nakasanayan ng kumain nang marami.

Pero sa nag-e-effort na magpapayat pero parang kulang pa rin ang ginagawa, ano ba ang nagiging problema rito?

Ayon sa pag-aaral, may siste kasi sa mga nag-e-exercise na marami sa kanila na matapos ang kanilang aktibidad ay kumakain din sila agad – at hindi basta kain kundi mas marami ang kanilang kinakain. Iniisip kasi nila na dahil nakapagpapawis na sila ay na-burn na ang fats na kailangan nilang i-burn.

Tandaan natin na ang pag-burn ng lahat ng fats ay hindi naman nangyayari overnight. Kung matapos agad ang exercise at susundan agad ito ng walang disiplinang dami at uri ng kakainin ay wala talagang mangyayari. Ito ay dahil mas mabilis ang pagpasok ng bagong fats dahil sa mga kinakain matapos ang exercise kumpara sa pagtunaw nito tuwing nag-eehersisyo.

Kaya mahalaga talagang may solido tayong determinasyon sa pagbababawas ng timbang at hindi masabi lang na nag-eehersisyo.

Kung hindi ka naman sigurado sa mga dapat mong kainin ay makakatulong ang manghingi ng payo mula sa experts para may patunguhan talaga ang pag-eehersisyo mo.

Read More

MGA BENEPISYO SA PAG-AALAGA NG MGA ASO, PUSA

0

Ni Ann Esternon

May benepisyo ang pag-aalaga ng mga aso at pusa.

Sila ang pets na magbibigay kaligahan sa atin.

Mayroon tayong nakukuhang unlimited fun and affection sa pag-aalaga ng aso o pusa kaya naman parami nang parami ang mga nag-aalaga rito. Marami na kasi ang parang ngayon lang naka-realize na iba ang naibibigay na sukli nila lalo na kapag alam ng mga alagang hayop na ito – o tinatawag ngayong fur babies – na tunay silang minamahal ng kanilang amo o mas tamang sabihing mga fur parents.

Ngunit maliban sa matatamis na ngiti na naibibigay ng mga pets na ito sa fur parents ay napatunayan ding stress busters sila. Kaya nilang makatanggal ng stress, anxiety at depression, kaya naman nalalayo tayo sa heart attack, insomnia o kahirapan sa pagtulog lalo sa gabi.

May pag-aaral din na kahit ang panonood lang ng videos ng mga pusa at aso ay nakakatulong na para maging maganda ang emosyon ng isang taong nalulungkot o dumaraan sa pagsubok sa buhay. Karamihan sa mga naging bigo sa pag-ibig o mga namatayan ng mga mahal sa buhay ay kumukuha ng lakas at inspirasyon sa mga alagang hayop na ito para magpatuloy muli sa buhay.

Nasa pag-aaral din na kapag ang isang sanggol na wala pang isang taong gulang at exposed sa pusa ay lumiliit ang tsansang magkaroon ng lahat ng klase ng allergies.

Tulad din ng tao dapat ay buo rin ang atensyong naibibigay sa mga alagang hayop para makuha ang unlimited fun and affections mula sa kanila. Nakakalungkot din naman para sa fur babies at fur parents na ang isa sa kanila’y magkasakit kaya naman sa sitwasyong ganito ay hindi dapat mapabayaan ng huli ang kanilang mga alaga.

Bonus ding malaman na kapag nakikita kayong may alagang mga aso at pusa ay nagiging attractive kayo sa paningin ng ibang tao.

Read More

MGA DAPAT TANDAAN PARA MAIWASAN ANG CANCER

0

Ni Ann Esternon

Sa panahon ngayon na maraming gastusin at maraming umaasa sa atin kailangang maging maingat tayo sa ating kalusugan.

Kahit hindi panahon ng krisis, alam nating kaliwa’t kanan ang mga sakit tulad ng cancer na maaaring umatake sa atin lalo na kung wala tayong pag-iingat.

Kailangan ding ingatan ang sarili para ma-enjoy pa ang buhay lalo na sa mga kumakayod.

Ito ang ilan sa mga dapat tandan para makaiwas sa cancer

– Magkaroon at imantina ang malusog na pangangatawan at timbang. Apektado ng pagkain, lalo na kung sobrang dami, ang ating katawan.

– Kailangang gumalaw-galaw o mag-ehersisyo. Hayaang maging aktibong gumalaw ang katawan at iwasan ang pagiging tamad. Kahit may cancer na ay kailangang mag-ehersisyo na paalala ng doktor dahil kailangang dumaloy ang dugo sa lahat ng parte ng katawan.

– Kumain ng masustansyang mga pagkain partikular ang mga gulay at prutas. Mas maganda kung mayroon kayong plant-based diet para mas siguradong may nutrisyon ang inyong kinakain at tanggalin na mismo ang karne. Maaaring mag-isda at kaunti na lamang seafood. Sa paraang ito ay ibaba ang kolesterol sa katawan, alta presyon, at maging ang blood sugar.

– Mahalaga ang soy foods sa katawan tulad ng taho, tofu o tokwa, at soy milk. Ang mga pagkaing ito ay hindi nakaka-arthritis kaya walang dapat na ipag-alala.

– Iwasan ang red meat (baboy, baka), at processed meat

– Iwasan ang alcoholic drinks dahil napatunayan na itong nagiging sanhi ng liver cancer, liver cirrhosis.

– Bawasan ang asin o maaalat na mga pagkain.

– Para sa mga nanay, mahalaga na mapasuso ang inyong sanggol.

– Kailangang kumain ng mga pagkaing may fiber na nakukuha sa mga prutas at mga gulay. Ang fiber ay makakatulong para sa mabilis na paggalaw ng ating bituka.

Read More

SOBRANG PAG-IISIP, MASAMA ANG EPEKTO SA KALUSUGAN

0

Ni Ann Esternon

Masama ang sobrang pag-iisip dahil makaaapekto ito sa kondisyon ng iyong utak – sa halip na maging malusog ay nasisira ito. Kapag hindi ito naagapan ay mauuwi ito sa pagiging ugali at kalaunan ay makasisira sa iyong araw-araw na pamumuhay.

Tandaan na anomang sobra ay negatibo na sa bandang huli at ikaw ang unang maghihirap dahil dito. Maaaring makaranas ka ng anxiety o pagkabalisa, depresyon, panic attack dahil sa sobrang pag-iisip dahil mayroon ka nang unrealistic fear para mas tumaas pa ang iyong pag-aalala.

Ang sobrang pag-iisip ay nakasisira rin ng relasyon sa iba at mawawalan na ng gana sa mga bagay-bagay.

Kapag sobrang mag-isip ang isang tao, gumagawa siya mismo ng kanyang ikaka-stress na dapat sana ay nilalabanan o nakatuon ang isip sa realidad.

 

MGA SENYALES NA SOBRA NA ANG PAG-IISIP

– Kapag panay-panay mong sinasabi ang nangyari sa iyo na iniisip mong hindi maganda o nagdulot ito ng kahihiyan sa iyo, kahinaan, kasiraan, at iba pa

– Kapag iniisip mo lagi ang bagay na hindi pa naman nangyayari o malabong mangyari

– Kapag ang pag-iisip ay nakasisira na ng konsentrasyon sa trabaho

– Kapag napapansin na ng mga nasa paligid mong hindi ka na makausap o mahirap kausap, tulala, nagsosolo o lumalayo

– Kapag kinakain na nito ang oras ng iyong pagtulog o pagkain na kalaunan ay masisira ang kalusugan at babagsak ang katawan

– Kapag inaagaw na nito ang oras sa pamilya, kaibigan at iba pa

 

PAANO MAIIWASAN ANG SOBRANG PAG-IISIP?

– Kailangang alam mong sobra na ang pag-iisip. Obserbahan ang sarili kung paano ka mag-isip. Kapag ramdam nang iba na ang paraan ng pag-iisip, tanggapin na ito ay maling kaugalian na dapat ihinto at gawan ng aksyon para makawala sa ganitong pag-uugali

– Kailangang maging focus sa active problem-solving at hindi hahayaang isipin na nandoon ka lamang lagi sa kaiisip ng problema. Humingi ng tulong sa mga taong positibong mag-isip o may magandang pananaw sa buhay

– Iwasan ang pag-inom ng alak at paninigarilyo

– Mag-ehersisyo nang regular

– Kumain nang tama at may sustansya

– Matulog sa oras

– Magkaroon ng reflection. Isipin na may magandang mangyayari pa sa hinaharap tulad ng mga nangyari sa iyo noon

– Kapag hindi talaga makontrol ang sobrang pag-iisip, agad na magpakonsulta sa doktor

Read More

GAANO KAHALAGA ANG ALMUSAL?

0

Ni Ann Esternon

Palagi nating naririnig na sa lahat ng meals, ang pagkain ng almusal ay ang pinakamahalaga.

Sa magdamag na nag-fasting tayo, magandang simulan ang araw na positibo at makatutulong dito ang mag-almusal. Tandaan natin na matapos ang magdamag ay mababa ang sugar natin sa katawan kaya hirap din ang muscles at utak na gumana ayon sa tamang galaw nito.

Mas mainam kung ang kakainin ay puno ng sustansya at may tamang dami.

Sa agahan, nasisimulan nito na mapagana ang ating metabolism para makatulong na matunaw ang calories na ilalagay natin sa ating katawan sa buong araw.

Ang bentahe rin ng almusal ay nagbibigay ito ng mataas na enerhiya upang makapagpokus at maging positibo sa mga gawaing sa buong araw.

Malaking tulong din ang almusal upang maiiwas tayo nito sa bad cholesterol, diabetes, at sa anumang uri ng sakit sa puso.

Kapag wala tayong almusal, malaki ang chance na maparami ang kakainin natin sa tanghalian hanggang matapos ang araw kaya’t ang tendency ay kumakain tayo nang hindi tama – na kahit ano ay kakainin. Nariyan na mapapakain nang marami at madalas ay walang sustansya, panay maaalat, matataba at matatamis.

Mapapansin din na mas maganda ang katawan ng mga taong nag-aalmusal lalo na kung sisimulan ang araw sa pagkain ng cereals, dairies o yogurt, at vegetable salads o sariwang mga prutas.

Ugaliin ding pakainin ang mga bata ng almusal para sa proper development ng kanilang mga katawan at isipan.

Read More

IMPORTANSYA NG SELF-RESPECT

0

Ni Ann Esternon

Ang pagkakaroon ng respeto sa sarili o self-respect ay mahalaga upang maging magaan ang pamumuhay natin sa araw-araw.

Alam nating ang respeto ay mahalaga at kung ito ay masisira, mawawala o sadyang wala ay malaking problema ang naidudulot nito sa atin.

Kapag mayroon tayong self-respect nasisigurong mayroon tayong kalidad sa ating karakter. Naiingatan natin dito ang katinuan ng ating pag-iisip, relasyon sa sarili at sa iba.

Hindi agad-agad nagkakaroon ng self-respect ang tao at napagaganda ito sa paglipas ng panahon base na rin sa obserbasyon kung anong magandang dulot nito sa atin. Mangyayari iyan kung bukas ang ating isipan at handa tayong maging maayos ang ating mga sarili. Sa ganitong paraan ay nasisigurong puro ang ating kaligayan at tagumpay sa buhay.

Ang self-respect ay katumbas ng pagmamahal sa sarili na hindi kailangang sobra upang maiwasan din ang pagiging makasarili.

Kapag mayroon tayong respeto sa sarili, nariyan ang ating maturity lalo na sa mga desisyon na kalaunan ay tayo rin naman ang sasalo at mga taong konektado sa atin.

Read More

MGA PAGKAIN PARA SA MALUSOG NA PUSO

0

Ni Ann Esternon

Sa tala, ang Pilipinas ay nangunguna sa Asya sa may pinakamataas na kaso ng mga sakit sa puso.

Sa Pilipinas, mga sakit sa puso rin ang nangunguna sa listahan kung bakit maraming namamatay, bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

Lumalabas na marami sa mga kababayan natin ang walang disiplina kung kaya’t parami nang parami ang nagkakasakit sa puso at sa bandang huli ay umaasa na lamang sa tulong ng mga gamot at ng doktor.

Habang bata at hanggang may panahon pa, matuto tayong magkaroon ng disiplina sa ating mga kinakain upang ang ating katawan ay may laban sa anomang sakit.

Para sa ating gabay sa kalusugan, heto ang mga pagkain upang maiiwas tayo sa sakit sa puso at manatiling malusog:

– Palagiang isama ang mga herb sa mga lutuin sa halip na maglagay ng maraming asin o mantika. Mahusay ang herbs na pampalasa at pampagana at mainam ito sa puso. Ang herbs na ito ay pwedeng thyme, rosemary, oregano, o sage.

– Subukan din ang mild black beans na pwedeng ihalo sa anomang putahe. Mataas ito sa fiber upang labanan ang bad cholesterol at blood sugar levels. May antioxidant, folate din ang black beans.

– Sa tamang dami ng konsumo, uminom ng red wine para maging healthy ang puso dahil napoprotektahan nito ang artery wall. Nabu-boost din nito ang HDL o ang good cholesterol. Isang inom lamang ang kailangan nito kada araw para sa mga babae at dalawa para sa mga lalaki. Ngunit magpasuri muna sa doktor kung ligtas ito sa inyo kung may iniinom kayong gamot tulad ng aspirin at iba pang mga gamot.

– Kahit may kaunting kamahalan, malaking tulong sa puso ang pagkain ng salmon dahil mayaman ito sa Omega-3 na may healthy fats at nakatutulong para mabawasan ang peligro sa heart rhythm disorders. Kaya rin nitong mapababa ang blood pressure. Kung wala namang salmon, magandang option ang tuna, sardines, mackerel, o dilis.

– Sa halip na ibang mantika ang gamitin sa pagluluto, gumamit ng olive oil na may healthy fat, at antioxidants na pumuprutekta sa blood vessels. Napapababa nito ang cholesterol level kung ipapalit sa butter.

– Huwag ding kaligtaang kumain ng walnuts para mapababa ang cholesterol. Naiiwas tayo nito sa pamamaga ng ugat sa puso. Option din ang pagkain ng almond na mayroong plant sterols, fiber, at heart-healthy fats.

– Mura lamang ang kamote kaya’t magandang regular na kainin dahil sa mataas ito sa fiber, Vitamin A at lycopene.

Read More