IMPORTANSYA NG SELF-RESPECT

0

Ni Ann Esternon

Ang pagkakaroon ng respeto sa sarili o self-respect ay mahalaga upang maging magaan ang pamumuhay natin sa araw-araw.

Alam nating ang respeto ay mahalaga at kung ito ay masisira, mawawala o sadyang wala ay malaking problema ang naidudulot nito sa atin.

Kapag mayroon tayong self-respect nasisigurong mayroon tayong kalidad sa ating karakter. Naiingatan natin dito ang katinuan ng ating pag-iisip, relasyon sa sarili at sa iba.

Hindi agad-agad nagkakaroon ng self-respect ang tao at napagaganda ito sa paglipas ng panahon base na rin sa obserbasyon kung anong magandang dulot nito sa atin. Mangyayari iyan kung bukas ang ating isipan at handa tayong maging maayos ang ating mga sarili. Sa ganitong paraan ay nasisigurong puro ang ating kaligayan at tagumpay sa buhay.

Ang self-respect ay katumbas ng pagmamahal sa sarili na hindi kailangang sobra upang maiwasan din ang pagiging makasarili.

Kapag mayroon tayong respeto sa sarili, nariyan ang ating maturity lalo na sa mga desisyon na kalaunan ay tayo rin naman ang sasalo at mga taong konektado sa atin.

Read More

MGA PAGKAIN PARA SA MALUSOG NA PUSO

0

Ni Ann Esternon

Sa tala, ang Pilipinas ay nangunguna sa Asya sa may pinakamataas na kaso ng mga sakit sa puso.

Sa Pilipinas, mga sakit sa puso rin ang nangunguna sa listahan kung bakit maraming namamatay, bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

Lumalabas na marami sa mga kababayan natin ang walang disiplina kung kaya’t parami nang parami ang nagkakasakit sa puso at sa bandang huli ay umaasa na lamang sa tulong ng mga gamot at ng doktor.

Habang bata at hanggang may panahon pa, matuto tayong magkaroon ng disiplina sa ating mga kinakain upang ang ating katawan ay may laban sa anomang sakit.

Para sa ating gabay sa kalusugan, heto ang mga pagkain upang maiiwas tayo sa sakit sa puso at manatiling malusog:

– Palagiang isama ang mga herb sa mga lutuin sa halip na maglagay ng maraming asin o mantika. Mahusay ang herbs na pampalasa at pampagana at mainam ito sa puso. Ang herbs na ito ay pwedeng thyme, rosemary, oregano, o sage.

– Subukan din ang mild black beans na pwedeng ihalo sa anomang putahe. Mataas ito sa fiber upang labanan ang bad cholesterol at blood sugar levels. May antioxidant, folate din ang black beans.

– Sa tamang dami ng konsumo, uminom ng red wine para maging healthy ang puso dahil napoprotektahan nito ang artery wall. Nabu-boost din nito ang HDL o ang good cholesterol. Isang inom lamang ang kailangan nito kada araw para sa mga babae at dalawa para sa mga lalaki. Ngunit magpasuri muna sa doktor kung ligtas ito sa inyo kung may iniinom kayong gamot tulad ng aspirin at iba pang mga gamot.

– Kahit may kaunting kamahalan, malaking tulong sa puso ang pagkain ng salmon dahil mayaman ito sa Omega-3 na may healthy fats at nakatutulong para mabawasan ang peligro sa heart rhythm disorders. Kaya rin nitong mapababa ang blood pressure. Kung wala namang salmon, magandang option ang tuna, sardines, mackerel, o dilis.

– Sa halip na ibang mantika ang gamitin sa pagluluto, gumamit ng olive oil na may healthy fat, at antioxidants na pumuprutekta sa blood vessels. Napapababa nito ang cholesterol level kung ipapalit sa butter.

– Huwag ding kaligtaang kumain ng walnuts para mapababa ang cholesterol. Naiiwas tayo nito sa pamamaga ng ugat sa puso. Option din ang pagkain ng almond na mayroong plant sterols, fiber, at heart-healthy fats.

– Mura lamang ang kamote kaya’t magandang regular na kainin dahil sa mataas ito sa fiber, Vitamin A at lycopene.

Read More

SUSTANSYA NG KESO SA ATING KALUSUGAN

0

Ni Ann Esternon

 

Marami sa atin ang sarap na sarap sa keso at ito ay sagana sa nutrisyon na mapapakinabangan para sa maayos na kalusugan at pangangatawan.

Ang keso ay magandang pagkunan ng protina, calcium at fat.

Hindi rin tayo mabibigo sa sustansyang taglay nito tulad ng Vitamin A, B6 at B-12, C, D, E, zinc, phosphorus, at riboflavin. Ang mga ito ay mahalaga sa pagpapatibay din ng ating kalusugan lalo na sa mga bata.

Ang lahat ng uri ng keso ay may iba’t ibang level ng sodium kaya mainam na in moderation din ang pagkain natin dito.

Isa ring benepisyo ng pagkain ng keso ay nagbibigay ito ng magandang kalidad ng pagtulog. Kainin ito 30 minuto bago mahiga sa kama.

Sinasabing may 2,000 klase ng keso pero ang pinakamasusuntasya rito ay ang mozzarella cheese, parmesan, cheddar, Swiss, blue cheese, ricotta, cottage cheese, feta, at keso na galing sa kambing.

Read More

REMEDYO SA BODY ODOR

0

Ni Ann Esternon

Malaking turn-off talaga kapag mayroon kang body odor. Masakit matawag na “may putok” at mas masakit kung lalayuan ka ng mga tao para rito, kaya ang kumpiyansa ay nasisira o nawawala rin.

Ang pawis ay hindi maiiwasan, ito ang sistema ng ating katawan upang ang temperatura ay manatiling regulated.

Bumabaho ang katawan lalo na sa parteng kilikili kapag ang pawis ay nasamahan ng bacteria.

Ang sobrang pagpapawis na may kasamang masamang amoy ay nagsisimula sa puberty (edad 10 at 14 para sa mga bababe at 12 at 16 para sa mga lalaki) dahil ito ang panahon na tumataas ang hormones na tinatawag na androgen – na sa puberty lamang nangyayari.

Ang ilang mga bagay na nagiging dahilan kung bakit mas pawisin ay klima, mabigat na timbang, sobrang exercise, pagbabago sa hormones, diabetes, liver o kidney disease, at pag-inom ng antidepressant. Kabilang din dito ay ang mga pagkaing matataba, pagkaing may bawang, curry, at bawang na maaaring tumagos sa pamamagitan ng iyong pores at maging sanhi ng amoy ng katawan.

Ang pagbaho rin ng katawan ay madalas na nasa kilikili dahil sa germs o bacteria. Ngunit ang masamang amoy ay pwede ring mangyari sa singit, sa may puwetan, at sa mga paa.

Sa mga body odor problema talaga ang ganito kaya’t ang hanap ay remedyo at hanggat maaari ay remedyong hindi mahal o abot-kaya lamang ng bulsa.

SOLUSYON SA BODY ODOR

– Araw-araw maligo o agad na mag-shower kapag pinawisan nang husto ang katawan

– Hugasan ang bawat bahagi ng katawan na pawisin at gamitan ng germicidal soap o antibacterial soap

– Huwag nang ulitin pa ang damit na ginamit na. Labahan agad ang damit na ginamit at huwag iwanan itong nasa laundry basket na basa ng pawis

– Kahit matapos na maligo sa gabi, maglagay pa rin ng antiperspirant

– Baguhin ang diet. Iwasan ang spicy food o mga pagkaing may sobrang maaanghang na spices gaya ng bawang, sibuyas, sili.

– Kapag hindi na makontrol ang pawis (hyperhidrosis), magpatingin sa doktor upang masuring maigi kung ano ang remedy na akma sa iyo.

Read More

BAKIT NAGKAKAROON NG MILIA?

0

Ni Ann Esternon

Ang milia ay ang maliliit o butlig-butlig (cyst) na kulay puti o dilaw at karaniwang marami na makikita sa mukha lalo na sa bandang mga mata.

Ang milia ay nagsisimula kapag ang skin flakes o dead skin ay na-trap sa ilalim ng balat o kung ang keratin ay na-trap rito. Nangyayari rin ito kung ang ginamit na skincare ay hindi na-penetrate nang maayos ng balat. Kung barado ang sweat ducts ng balat ay maaaring magkakaroon ng milia at ito ay kung tayo ay kulang sa tulog, naninigarilyo, hindi malinis sa mukha, paggamit ng sobrang oil-based beauty products, pagkakaroon ng skin trauma o impeksyon.

Ang milia ay madalas makita sa mga sanggol at sa mga taong nagkakaedad.

PAANO ITO MAWAWALA O MAIIWASAN?

– Iwasan ang pagtiris ng milia dahil lalo lamang maiirita ang balat

– Ang milia removal ay ginagawa lamang ng mga professional o sa beauty salon at ito ay ginagamitan nila ng incision lalo na kung malalim ang milia

– Hugasan ang mukha nang regular gamit ang mild soap

– Iwasang matulog na may nakalagay pang makeup sa mukha at leeg. Dapat mawala ang oil sa mukha dahil sa beauty products

– Iwasan din ang paggamit ng makeup remover na may oil

– Mag-exfoliate nang regular upang talagang maging malinis ang mukha

– Huwag basta gumamit ng eye cream lalo na kung hindi ito safe o hindi akma sa inyong balat. Suriin din ang produkto kung ito ay expired na dapat iwasan

– Malaking tulong kung iiwasan ang pagkain ng matataba o mamantika gaya ng mga karne o itlog

– Iwasan ang maarawan

Read More

MGA PAGKAIN PARA SA NAGDA-DIET

0

Ni Ann Esternon

 

Maraming nagsasabi na ang isa sa pinakamahirap gawin ay ang magpigil sa mga kakainin.

Mahirap naman talagang magkontrol kung ang mga nakahain sa hapag ay higit pa sa mga pampagana. Pero sa mga on a diet, dapat may disiplina dahil may tinatarget na goal – ang pumayat, maging healthy, magkaroon ng confidence at kung ano pa mang positibong dahilan nagpababawas ng timbang.

Tandaan na hindi tama ang magpalipas ng kain lalo na ang almusal.

* Bago simulan ang araw ay kumain nang masustansya ngunit nasa tamang dami ng kakainin. Iwasan ang matataas sa calories, carbohydrates at fats. Mainam na mag-focus sa mga pagkaing mataas sa fiber gaya ng wholegrain breakfast cereals, wholewheat pasta, wholegrain bread at oats, at barley.

Pwede ring kumain ng tamang dami ng gulay tulad ng broccoli, carrots, sweetcorn, patatas na may balat, cauliflower, at repolyo.

Ang almusal din ang tamang oras para kumain ng mga prutas. Piliin lamang ang berries, pears, melon at oranges.

* Sa tanghalian, piliin ang fresh salads, light sandwiches, simple healthy soup. Ang mahalaga ay magkaroon ng masustansyang pagkain ang sikmura pero hindi kailangang marami ito.

* Sa hapunan, tandaan na hindi kailangan marami ang kakainin (kahit hindi ka pa on a diet). Kailangang maging partikular portion sizes ng mga pagkain. Mas mainam kung hahatiin sa four quarters ang mga ito: isang quarter para sa meat, isa para sa starch, at magkaroon ng 2 quarters na colorful vegetable salad.

Ang mga kakaining “in between” o mid-snacks (mid-morning snack) ay dapat maging optional at laging nasa kontrol pa rin. Piliin ang pagkain ng mga mani at iwasan ang matatamis, maaalat, o mamantikang pagkain.

Read More

REMEDYO SA AN-AN

0

Ni Ann Esternon

Ang an-an (tinea versicolor) ay isang uri ng sakit sa balat. Ang sakit na ito ay dala ng fungal infection o fungus na hindi makontrol ang dami ngunit ito ay hindi nakahahawa.

Ang itsura nito ay patches sa balat na kulay puti (o darker) na parang mapa (maaaring bumalot sa malaking bahagi ng katawan) kumpara sa ibang natural na kulay ng balat. Ito rin ay makati at parang nagkakaliskis.

Nagkakaroon ng an-an kapag tayo ay may oily skin, pawisin, mahina ang immune system (o pag-inom ng medikasyon na nagpapahina sa resistensya) o may hormonal changes at maaaring makuha kung tayo ay namamalagi sa mainit na lugar o tirahan.

Kahit sino ay maaaring magkaroon ng an-an lalo na sa edad na teens o young adults at ito ay madalas na makita sa braso, dibdib, leeg o likod.

Ang fungus na tinea versicolor ay maaaring makaapekto kahit sa healthy skin. Nagkakaroon lamang ng problema kapag ito ay dumami o hindi na makontrol

REMEDYO SA AN-AN

Kailangang masuri ng doktor ang balat para malaman kung ito ay mayroong an-an.

Ang gamutan ay maaarin skin o oral treatment.

Ang anti-fungal creams, lotion o shampoo ay makakatulong rito base sa nireseta ng doktor. Kahit pa nagamot na ang sakit, ang nasirang kulay ng balat ay hindi agad mababalik na maaaring tumagal ng ilang linggo o buwan.

Read More

MGA BENEPISYO NG SAPAT NA TULOG

0

Ni Ann Esternon

Mahalaga sa bawat isa sa atin na magkaroon ng sapat na tulog upang makuha ang mga benepisyo nito partikular para sa ating kalusugan upang manatiling maayos ito o malusog.

Ang halaga ng sapat na tulog ay kasing halaga rin ng regular na ehersisyo at tamang pagkain.

Ang tulog na sapat ay dapat ding nasa oras at hindi basta kung kailan ka lamang gustong matulog. Tandaan na ang tulog sa gabi ay mas mabuti kumpara sa tulog sa umaga o kung kailan may araw.

MGA BENEPISYO NG SAPAT NA TULOG

– Makukuha ang optimum health at well-being

– Nare-repair ang ibang damages sa katawan

– Naiiwas sa depresyon

– Nagkakaroon ng tamang konsentrasyon

– Naiiwasan ang pagtaba o nagkakaroon ng maayos na calorie regulation

– Mayroong maayos na athletic performance

– Naiiwas sa anumang heart disease

– Mas maayos na social at emotional intelligence

– Nababawasan ang pamamaga sa katawan tulad ng inflammatory bowel diseases na nakaaapekto sa gastrointestinal tract

Ang haba ng pagtulog ay depende sa tao at sa kanilang mga edad.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention ang mga sumusunod ay dapat ikonsidera:

* Newborns (0–3 months): 14–17 hours

* Infants (4–12 months): 12–16 hours

* Toddler (1–2 years): 11–14 hours

* Preschool (3–5 years): 10–13 hours

* School age (6–12 years): 9–12 hours

* Teen (13–18 years): 8–10 hours

* Adult (18–60 years): 7-plus hours

* Adult (61–64 years): 7–9 hours

* Adult (65+ years): 7–8 hours

Read More

BAKIT NAKARARANAS NG KABAG?

0

Ni Ann Esternon

Ang kabag (gastritis) ay anumang uri ng kondisyon na maaaring magpamaga sa ating stomach lining o protective lining sa ating tiyan.

Ang kabag ay nakukuha sa sobrang pag-inom ng alak, sobrang pag-inom ng pain medications, o pagkakaroon ng H. pylori bacteria. Ang pasyente ay maaaring makaranas ng pagduduwal, pagsusuka, at isang negatibong sensasyon sa tiyan.

Kapag napabayaan ang kabag ay maaaring mauwi ito sa chronic gastritis na tatagal ng ilang taon.

Kapag sira o manipis ang stomach lining, prone rin ang taong magkaroon ng gastritis.

Nakararanas din ng kabag kung tayo ay tumatanda na – habang tumatanda ay numinipis ang stomach lining. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng kabag, ganoon din sa paggamit ng cocaine.

Ang kabag din ay maaaring resulta ng autoimmune disorders, viral infections at stress dala ng severe injury, illness, o operasyon.

Nagiging active ang kabag kapag ang stomach lining ay may pamamaga at ang pagkakaroon nito ay may risk factor at maaaring mauwi sa pagkakaroon ng stomach cancer. Kailangang maging maingat sa mga kinakain at mag-exercise nang regular. Makatutulong din na iwasan ang pag-inom ng alak at paninigarilyo upang hindi mairita ang sikmura. Iwasan din ang pag-inom ng over-the-counter pain medications, gaya ng aspirin at ibuprofen o nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs), dahil nakasisira ito ng stomach lining katagalan.

LUNAS SA KABAG

– Para mabawasan ang pamamaga ng stomach lining, iwasan ang mga pagkain nagbibigay problema rito tulad ng heavily processed and preserved food, mga pagkain na may high gluten content. Iwasan din ang acidic na mga pagkain o dairy food, o ang matatamis

– Makakatutulong ang pagkain ng broccoli o blueberries

– Magdurog ng mga bawang at ang katas nito ay inumin kahit isang kutsarita. May mabibili rin nito sa merkado na aged for several months na pwedeng gawing option

– Pag-inom ng probiotic drink o supplement na uri nito upang maging maayos ang bowel movements dahil nagkakaroon ng good bacteria sa digestive tract. May mga pagkain din na may probiotics tulad ng fermented food kimchi, yogurt, kefir o kombucha

– Pag-inom ng tsaa na may honey

– Ang pagkakaroon din ng kabag ay hindi lamang sa mga uri ng kinakain ngunit sa dami rin nito. Kailangang kaunti lamang ang kainin. Ang sobrang calories at carbohydrates ay nagiging dahilan din ng pagkakaroon ng kapag.

Tandaan na kapag ang kabag ay tumagal na ng higit sa isang linggo, agad nang magpasuri sa doktor. Magpatingin na rin kung nakararanas ng pagsusukang may kasamang dugo o dugo sa pagdumi.

Read More