‘KANTO KULTURA’ SERIES INILUNSAD NG CCP

0

Inilunsad kamakailan ng Cultural Center of the Philippines ang isang serye ng proyekto na tinawag na Kanto Kultura, isang celebration ng culture and the arts tampok ang Filipino artists. Ang proyektong ito ay isang brainchild ng CCP Board of Trustees na sina Nikki Junia, Stanley Seludo at Dr. Jaime Laya at ng suporta ni CCP President Arsenio J. Lizaso.

Layon ng Kanto Kultura na hikayatin ang talent ng mga Pilipino upang makalikha ng artistic content na nagpapakita ng pagtuklas at pagkamalikhain. Layon din nito na magbigay ng oportunidad para sa iba’t ibang porma ng artistic expression gaya ng musika, broadcast and film, literatura, teatro, sayaw at visual arts.

Noong Pebrero 23, ang music video na may pamagat na ‘Bangon!’ ng OPM R&B group na BRWN ay nai-release. Ang ‘Bangon!’ ay isang battle cry, isang panawagan sa bawat Pilipino upang bumangon sa gitna ng mga pagsubok ngayong taon. Ang high-powered lyrics ng music video na may orchestral arrangement ay nag-blend nang maayos at maganda sa electronic flair ng BRWN at nagbibigay ito ng makatindig-balahibong experience na may kasamang Philippine ethnic instruments at himig ng Cordillera, kaya naman ito ay may atmosphere na tukoy ang pagkamakabayan. Ang pag-release sa music video na ‘Bangon!’ ay unang release ng BRWN na may Tagalog lyrics, first attempt ito ng kanilang guitarist na si Migs Raneses sa pagsasaayos ng kanta at kauna-unahan collaboration sa Cultural Center of the Philippines at ng Philippine Philharmonic Orchestra.

Ang Kanto Kultura series ay nagsisimula sa online music competition na Kanto Canta, na nagpapakita ng orihinal na Filipino musical works: bagong mga kanta, bagong musika na may halong traditional musical instruments upang makabuo ng “new Pinoy sound.” Umaasa ang Kanto Canta na makadiskubre ng ‘Pinoy’ sound na maaaring makapagbigay identity sa competitive global market online. Nagsisilbi itong isang stepping stone na makatulad sa K-pop phenomena. Sa pagkansela ng live performances sa panahon ng pandemya, nais ng proyektong ito na makapagbigay ng oportunidad sa amateur talents, unsigned artists, at iba pa. Layon ng okasyong ito na makadiskubre ng competitive arts content sa mataas na uri ng competitive digital space.

Ang online band competition ay bukas para sa natural-born Filipinos na kasalukuyang nakatira sa Pilipinas, edad 18 pataas, at walang existing professional at commercial entertainment contracts.

Ang submission period para sa first quarter ng Kanto Canta ay mula Pebrero 20 hanggang March 20, 2021. Mula sa lahat ng entries, ang pre-qualifiers ay pipiliin at ipo-post sa Kanto Kultura official social media pages. Ang top 15 finalists ay pipiliin at pararangalan na may premyong Php150,000. Ang pag-anunsyo sa Quarter-Finalists ay sa Abril 3, 2021.

Para sa iba pang detalye, i-like at i-follow sila sa Facebook, facebook.com/kantokultura o sa iba social media pages, @kantokultura. Maaari ring tumawag sa CCP Marketing Department sa (02) 8832-1125 local 1409/1800 o mag-email (ccpkantokultura@gmail.com).

Read More

LIBRE ITO! CELEBRATE LOVE AND REVOLUTIONS SA CCP ARTHOUSE CINEMA SPECIAL SCREENINGS

0

Ngayong love month, patuloy pa rin ang CCP sa kanilang mga proyekto na kagigiliwan at ikatutuwa ng mga mahihilig sa sining dahil ipalalabas nila ang mga pelikula at documentaries mula sa archives ng Cinemalaya at Gawad Alternatibo, gayundin ang mga minahal na Philippine cinema classics.

Single man kayo o coupled, muling buhayin ang kilig moments sa CCP Arthouse Cinema’s “Of Love and Revolutions,” isang special Valentine’s Day cinematic offering tampok ang mga istorya ng pag-ibig at rebolusyon sa iba’t ibang uri at porma. Ito ay nagsimula noong Pebrero 12 at magtatapos sa Pebrero 26, alas-3:00 ng hapon sa CCP Vimeo Channel.

Makipag-flirt sa mga kupido sa “Ligaw Liham,” isang pelikulang idinirehe ni Jay Abello at Manny Montelibano. Ang setting nito ay nasa isang bayan kung saan ang liham ay kinakailangan para makipagkomunikasyon sa iba, ito ay istorya ni Nor, isang mangmang, na umiibig sa isang magandang babaeng may asawa.

Pag-ibig sa bayan ang nangunguna sa “Signos,” “Sister Stella L.,” “EDSA People Power: The Philippine Experience,” “Revolutions Happen Like Refrains in a Song,” at “In the Middle of the Night.”

Ang “Signos,” isang pelikula na idinirehe ni Mike De Leon, ay isang documentary na tumatampok sa mga personalidad, tulad ng, press freedom icon na si Joe Burgos, nationalist Jose “Pepe” W. Diokno, acclaimed director Lino Brocka, human rights lawyer Rene Saguisag, Manila Archbishop Cardinal Sin, at sectoral representatives mula sa mga magsasaka, labor unions, at religious groups na nagsasalita ng katotohanan noong dekada 70 sa ilalim ng isang diktador.

Isang translated narration ni Jose F. Lacaba ng “To Those Who Follow In Our Wake” sa panulat ni Bertolt Brecht na nagsisilbing isang nakakaantig na boses sa pelikula. Pinagsama at na-edit ni De Leon, ang dokumentaryo ay isang pagtutulungan ng maraming tagagawa ng pelikula kasama sina Jose F. Lacaba, Sylvia Mayuga, Ricardo Lee, Ding Achacoso, Joe Cuaresma, Lito Tiongson, at Jovy Zarate.

Karamihan sa mga personalidad na ipinakita at nakapanayam sa Signos ay naging inspirasyon sa likod ng mga tauhang ipinakita sa kinikilalang pelikulang “Sister Stella L,” na pinagbibidahan ng aktres na si Vilma Santos at sa direksyon ni Mike De Leon. Nanalo ito ng Gawad Urian’s Best Picture noong 1984, Best Director, Best Screenplay, at Best Actress (Vilma Santos).

Ang “Sister Stella L,” ay nagkukuwento tungkol sa pagkagising sa lipunan at pampulitika ng isang madre nang siya ay nasangkot sa isang welga ng mga manggagawa at nadamay sa kalagayan ng mga manggagawa at kanilang paglaban para sa hustisya at kalayaan.

Samantala, ang “EDSA People Power: The Philippine Experience” ay isang serye ng mga video clip na kinunan habang ang People Power Revolution ay pinagtagpo bilang pag-alala sa papel na ginagampanan ng mga tao sa pagbagsak ng isang diktador. Ito ay sa direksyon ng Filipino People, at Eva Mari Salvador.

Ang “Revolutions Happen Like Refrains in a Song” ay ang awit ng pag-ibig ni direk Nick Deocampo tungkol sa makasaysayang pakikibaka ng sambayanang Pilipino na humantong sa 1986 People Power Revolution. Panlipunan at makasaysayan, pati na rin ang personal, ang pelikulang ito ay kumukuha sa buhay ng mga Pilipino na nasa kahirapan, prostitusyon, at hindi pagkakasundo, na magkaugnay sa kwento ng transvestite na si Oliver, at ng sariling mga personal na karanasan at kasaysayan ng gumagawa ng pelikula.

Isang makasaysayang at panlipunan na pagtingin sa buhay ng mga Pilipino na humaharap sa kahirapan, prostitusyon, at rebolusyonaryong pagbabago, ang documentary film ay sumasalaysay ng personal na kasaysayan ng gumagawa ng pelikula habang sumasabay ito sa pag-aalsa ng lipunan sa nagdaang 20 taon sa rurok sa People’s Power Revolution.

Sa “In the Middle of the Night,” binibigyang pansin dito si Pangulong Duterte at ang kanyang infamous War on Drugs. Ginawaran ng unang gantimpala sa panahon ng 2017 Gawad Alternatibo, isinulat ng director na si Bryan Kristoffer Brazil ang iba`t ibang mga magkatulad na kaso ng brutal na pagpatay sa Pilipinas na naging talamak at ang kasunod nito – ang mga buhay na hindi binigyang halaga, kawalan ng pag-ibig, kawalan ng hustisya, takot, sakit at pakikibaka ng mga pamilyang naiwan ng “giyera”.

Ang lahat ng screenings ay libre. Para mapanood ito, magtungo sa vimeo.com/ondemand/ofloveandrevolutions at gamitin ang promo code RADICALOVE.  *Ang CCP Vimeo on Demand page ay accessible sa Feb 12, 3 PM (PST) onwards.

Para sa iba pang updates, sundan ang official CCP at CCP Media Arts Division Facebook page. Bisitahin din ang CCP website (www.culturalcenter.gov.ph).

Read More

JSSP nagbigay ng laptops sa CCP

0

Nagbigay ng suporta kamakailan ang Johann Strauss Society of the Philippines (JSSP) sa Cultural Center of the Philippines sa pangunguna ni CCP president Arsenio J. Lizaso, sa pagbibigay ng computer laptops at external hard drives sa 11 departmento ng CCP.

Ang nabiling items ay upang mapaganda pa ang pasilidad ng CCP. Sa nasabing pagbibigay, naging representante ng JSSP sina president Olga Severino Martel and chairman Fortune Ledesma.

Ang JSSP ay itinayo noong 1998 upang itaguyod ang sining at kultura sa pag-oorganisa ng mga espesyal na okasyon tulad ng concerts at musical programs upang itaas ang higit na kamalayan para sa sining at kultura sa isang malawak na saklaw ng lipunan at upang makalikom ng mga pondo para sa kultura at kawanggawa. Nagsasagawa rin ito ng mga aktibidad na maghihikayat sa sibiko, kawanggawa at kamalayang panlipunan sa mga kabataan.

Nasa larawan (mula sa kaliwa) JSSP president Olga Severino Martel, CCP president Arsenio J. Lizaso, JSSP chairman Fortune Ledesma, at JSSP assistant secretary Ditas Posadas.

Read More

PANINIGAW, MAY MASAMANG EPEKTO?

0

Ni Ann Esternon

 

Nasigawan ka na ba na iyong ikanagulat? Masakit ito lalo’t ang rason sa pagsigaw ay sadyang negatibo at tumatatak sa taong sinigawan.

Ayon sa psychology may epekto ang pagsigaw sa mga bata man o sa matatanda. Ang epekto nito ay hindi dapat magpatuloy at dapat magawan ng aksyon upang hindi makasira sa damdamin, pag-iisip, at katawan ng sinoman.

Sinasabing kapag sexually abused ang isang tao, agad na makikita rito ang ebidensya ngunit walang ebidensya kung ikaw ay nakakaranas ng verbal abuse. Kapag ikinuwento mo sa iba na ikaw ay

verbally abused ang iisipin lang nila ay nagrereklamo ka lang na ikaw ay nasisigawan – walang nakakakita ng sakit o pilat na iyong natamo.

Ang pagsasalita at pagsigaw nang hindi maganda sa tao ay maaaring magdulot ng depression, pagkabalisa at maging ang malalim na insecurity o pagkainggit.

PAGSIGAW SA MGA BATA

Sa mga bata, may long term effect ang pagsigaw sa kanila lalo’t sadyang musmos pa.

Hindi naman nawawala ang pagkainis, pagka-frustrate ng magulang sa kanilang anak na mga bata pa dahil hindi naman mawawala sa mga bata na umakto silang hindi tama. Isang kaso ito na nangyayari sa maraming mga pamilya.

Sa mga bata, mas nakaka-trauma sa kanila na masigawan at makarinig ng hindi magandang mga salita. Uukit sa kanila ang lakas at tono ng boses ng sumigaw, ang itsura ng mga mata mula sa sumisigaw, ang pangit na facial expression, at ang pang-iinsulto.

Sa pagsigaw sa tao, tumataas ang aktibidad ng kanyang amygdala o emotional brain, stress hormones sa daluyan ng dugo, muscular tension at iba pa.

Kapag tayo ay nasisigawan, apektado ang galaw ng ating isipan at nararamdaman sa kung ano tayo kahit pa tayo ay lumayo sa lugar at taong nanigaw sa atin. Ito ay dahil wired ang ating utak sa

mga karanasan. Dito madidinig pa rin nating kung paano tayo sinigawan ng tao at dinig na dinig pa ang boses ng sumigaw kahit wala naman sila o hindi sila kasama.

Sa pag-aaral, gumagawa nang tama ang isang bata kapag sila ay ligtas, minamahal, at nakatatanggap ng respeto.

Kapag kalmado ang bata maayos itong kumilos. Kapag mas kalmado at maayos ang nag-aalaga sa bata o sa taong nagbabantay sa kanila ay mas nararamdaman ng bata na ligtas sila at hindi

masasaktan – kaya ang takbo ng kanilang isipan at katawan ay malusog din.

Marami ang nag-iisip na ang paninigaw sa bata ay magandang solusyon bilang pagsaway sa kanya at mapapabuti nito ang kanyang sarili sa hinaharap. Ngunit mas malala ang epekto nito sa bata

kalaunan. Kapag naging malala ang ugali ng bata, sisigaw pa rin ang nag-aalaga sa kanya at ang cycle ay paulit-ulit lamang pero ang kawawa ay ang nasisigawan. Walang nangyayaring disiplina sa ganitong paraan kahit pa ang gumawa nito ay ang nanay o ang tatay – masama pa rin ang epekto ng paninigaw.

Kung magpapatuloy ang sigaw sa bata, made-develop lamang ang sakit sa kanya sa kanyang pagtanda. Maaaring magresulta ito sa pagkakaroon ng arthritis, pananakit ng ulo at leeg, at iba pang chronic pain.
PAGSIGAW SA MATATANDA

Iba rin ang epekto sa matatanda o adult kapag sila ay nasisigawan.

Natural mode of self-defense ang pagtaas ng boses, pero madalas nagagamit ito sa maling paraan.

Sinasabi ring dapat ay nakakasigaw ang tao kapag siya ay nasasaktan o nagagalit dahil makakabuti ito sa kanya dahil nailalabas niya ang kanyang saloobin. Muli, ang bagay na ito ay naaabuso at madalas na nagagamit lang na dahilan para makasigaw. Kung tutuusin maaaring nating isipin na pwede namang magalit pero kailangan bang magpakita ng sobrang galit?

Habang may nangyayaring sigawan at nahahaluan pa ito ng panunumpa o murahan ay lalo lamang hindi nakikita o nakukuha ang punto ng bawat isa. Ang pagsasama ay nagiging malabo dahil nalulusaw ang respeto at nababawasan ang pagmamahal sa bawat isa.

Iba rin ang epekto kung palaging isang tao lang ang nakasigaw sa tuwing may normal na pag-uusap, diskusyon o argumento. Ang pakiramdam ng nasisigawan ay siya nababastos, na ang kasama niya ay bully, bossy, dominante at palaging tama. Sa isyung ito ay may pagkokontrol sa sinisigawan at pangmamaliit kaya ang nasisigawan ay nagiging manhid na rin sa pagmamahal kalaunan.

Kawawa ang taong laging nakakatanggap ng verbal abuse dahil ang pakiramdam niya ay wala siyang halaga at walang karapatan. Nanliliit din siya sa kanyang sarili at kalaunan ay nawawalan din ng pagmamahal sa kanyang sarili.

Kung may problema ay hindi dapat kailangang sumigaw. Kung may gustong baguhin sa asawa o karelasyon dapat masimulan ito sa sarili at daanin sa matinong usapan para maisalba ang relasyon.

Ang pagsigaw ay hindi dapat magpatuloy, maging abuso at hindi kailaman dapat na hayaan o tanggapin na lamang lalo na kung sinisigawan in public.

Hindi kailangang maging depensa na “hindi ko makontrol ang galit” dahil ang totoo karamihan naman sa atin ay kaya nating ikontrol ang ating mga galit pero mas nagpapadala tayo rito at hahayang mangyari na lang ang masamang bagay para magpatuloy sa ganito.

Kung hindi makontrol ng isang partner ang kanyang temper o galit, mas tamang umalis na lang ang kapartner nito upang siya ay maging ligtas mula sa ibubunga ng pagsigaw sa kanya nang wala na sa lugar.

Kapag hinahayaan na lang na may pagsigaw, mauuwi lamang ito mula sa verbal abuse hanggang physical abuse. Kung hahayaan lang ito, ibig sabihin ay tanggap mo na ikaw ay nasisigawan at okay lamang ito sa iyo kaya ang partner ay sige lamang sa kanyang maling gawain.

Mas masama rin ang epekto nito kapag may mga batang nakakakita sa ganitong insidente o sistema sa loob ng bahay.

Sa ganitong palaging may sigawan at walang progress mula sa bawat argumento ay dapat nang maghiwalay ang mag-asawa o magpartner dahil nasisira lamang ang relasyon at lalong nasisira ang pagkatao ng taong sinisigawan.

Read More

BENEPISYO NG PAGLALAKAD

0

Ni Ann Esternon

Kung regular kang naglalakad, nababawasan ang peligro sa pagkakaroon ng cancers. Hindi lang iyan, sa paglalakad napapaganda ang chances na maka-recover at maka-survive sa mga taong sumasailalim sa paggamot sa cancer.

Sa mga may cancer, ang paglalakad ay nakaka-improve ng gutom nila. Sila ang mga pasyenteng sumasailalim sa gamutan at nade-develop ang kanilang interest sa pagkain.
Sa paglalakad naiiwas tayo nito sa cancer sa breast at colon.

BURNING CALORIES

Makatutulong ang paglalakad para mawala ang calories sa katawan. Pero mas magandang idea na kung maglalakad ay may weighted backpack para magkaroon pa ng resistance sa paglalakad. Iwasan ang ankle at hand weights.

Dapat ang weight o timbang ay uniformly distributed sa backpack. Pwedeng lagyan ng tubig o buhangin bilang filling material sa backpack. Huwag nang maglagay ng ankle at hand weights sa paglalakad para maiwasan ang injuries.

Kung extra effort pa ang kailangan para masunog ang calories, maglakad sa buhangin o gravel trail.

Sa uneven surfaces kasi, nagkakaroon ng mas magandang effort mula sa muscles kumpara sa hard surface – napapatibay na ang muscles, mas nasusunog pa ang calories.

Tulong pa ng ehersisyo…

GALAW-GALAW PARA TANGGAL STRESS

Iikot-ikot o i-twist ang mga daliri, paa at i-roll ang mga balikat kapag naisipan mo. Stress buster kasi ito at para ma-exercise ang bahagi ng katawan tulad ng kamay o leg joints.

Kung matagal kang gumamit ng keyboards o nakahawak sa pen, dapat igalaw-galaw ang mga kamay. Buksang maigi ang mga palad at i-stretch ang mga daliri sa loob ng 10 segundo.

Ngayon isara

ang palad para sa tight fists ng 10 segundo. Gawin ito ng dalawang beses.

Kapag matagal na nakababad sa keyboad o sa pen ang mga kamay, nakaka-strain ito ng mga daliri. Kung may ehersisyo, nagiging maganda ang galaw ng mga kamay at may maayos na sirkulasyon din ito.

Read More

CARROTS KONTA HEART DISEASE

0

Ni Ann Esternon

 

Ang alam ng marami ang carrots ay mahusay lamang para hindi lumabo ang ating mga mata.

Ngunit may ibang pag-aaral na malaki ang benepisyo ng carrots sa ating puso.

Sa pag-aaral, sinasabing papatong sa 60 porsyento ang layo mo sa peligrong magkaroon ng sakit sa puso kung kakain ka ng carrots araw-araw dahil mataas sa carotenoids ang carrots.

Minsan sa isinagawang pag-aaral sa 1,300 na matatanda sa Massachusetts, nakita na ang mga kumain ng kahit isang serving ng carrots at/o kalabasa kada araw ay nagkaroon ng 60 porsyentong kabawasan sa peligrong dala ng heart attacks kumpara sa mga taong hindi kumain ng pagkaing ito.

Ang soluble fiber din sa carrots (calcium pectate) ay nakabababa rin ng blood-cholesterol levels by binding with and eliminating bile acids, na nagti-trigger sa cholesterol para mawala sa bloodstream para makalikha ng mas maraming bile acids.

Read More

PAGBABABAD SA TV DELIKADO SA MGA BATA

0

Ni Ann Esternon

Sa panonood sa TV o television ng mga bata, dapat limitahan ang oras ng kanilang pagtutok dito. Ayon sa pag-aaral kung babad ang bata sa harap ng telebisyon nagkakaproblema siya sa attention.
Isinagawa ang pag-aaral sa University of Washington Child Health Institute at nilathala ito sa journal ng Pediatrics. Dito sinasabing ang batang may edad tatlo na tutok sa TV sa loob ng dalawang

oras kada araw ay 20 percent na mas nagkakaroon ng attention problems pagtungtong niya ng edad pito kumpara sa batang hindi nanonood ng TV.

Ang batang babad sa TV ay nagkakaroon ng problem paying attention sa kanilang teachers dahil sanay sila sa fast-paced visual stimulation sa TV.

Read More

HANGOVER SA ALCOHOL

0

Ni Ann Esternon

Napakaraming tao ang umiinom ng alak at siyempre may iba-iba silang rason para rito. Umiinom ang iba dahil gusting sumaya, magbawas ng problema o iniisip, at iba pang mga dahilan. May iba rin
naman na gusto lamang talagang uminom dahil sa lasa o sarap na nakukuha nila rito.

May ethanol content ang mga alcoholic na inumin pero ang hindi alam ng karamihang umiinom na ang ethanol ay may dehydrating effect kung kaya nakararanas ng pananakit ng ulo, panunuyo ng mga labi at pagkapagod.

Ang mga negatibong epektong nabanggit ay maaaring mabawasan kung ang umiinom ng alcohol ay sinasabayan din niya ng pag-inom ng maraming tubig bago magsimula ang inuman at habang ginagawa ang pag-inom.

Ang iyong atay ay nagbabawas ng ethanol sa tulong ng mga enzyme na ginawa ng mga cell ng atay. Ang mga chemical reaction na ito ay gumagawa ng maraming bagay kabilang ang pagpapahina sa kakayahan ng atay na magbigay ng glucose sa mga tissue, partikular sa utak. Ang glucose ay responsable para sa enerhiya ng utak at ang kakulangan nito ay nagreresulta sa pagkapagod, panghihina, moodiness at decreased attention.

Sa mga inuming nakalalasing ay may impurities na tinatawag na congeners na ginawa habang ginagawa ang fermentation o pagbuburo, na responsable para sa ilan sa lasa, aroma, at kulay ng iniinom.

Ang impurities na ito ay hindi ang nag-iisa na sanhi ng isang hangover, ngunit tila sila ay nag-aambag sa ilang mga paraan sa kalubhaan. Hindi lahat ng iniinom ay nilikha nang pantay pagdating sa konsentrasyon ng impurities na ito. Ang mga bote na “Top Shelf” ay karaniwang naglalaman ng mas kaunting impurities kaysa sa uri ng booze na mahahanap mo sa mga plastik na bote. Ito ay dahil ang mamahaling alak ay karaniwang sumasailalim sa isang mas mahigpit na proseso ng paglilinis.

Natuklasan ng mga pag-aaral na ang kalubhaan ng mga sintomas ng hangover ng iba’t ibang inumin ay bumaba sa pagkakasunud-sunod na ito: brandy, red wine, rum, whisky, white wine, vodka at pure ethanol.

Read More

BLOOD TRANSFUSION GAANO KA-SAFE?

0

Ni Ann Esternon

Sa blood transfusion o pagsasalin ng dugo ay maraming buhay ang naliligtas. Mabuti na lamang at may access tayo para riyan. Pero ang masama ay kung maling dugo ang naisalin o maling proseso ang pagsasalin.

Ayon sa World Health Organization, pumapalo sa 92 milyong katao ang dami ng blood donations ang nakukuha sa buong mundo kada taon. Halos kalahati ng bilang nito ay mula sa mayayamang bansa, at sa kabahayan ay aabot ng 15 porsyento.

Sa naturang dami ng blood donations, aabot sa kalahati ng dami nito ay ibinibigay sa low at middle-income countries kung saan aabot sa 85 porsyento ng bilang tao sa mundo ay naninirahan dito.
Sigurado kang mas safe ang dugo mula sa regular, voluntary, unpaid blood donors dahil mas mababa ang prevalence ng bloodborne infections.

NASUSURI BA ANG DUGO?
Ang lahat ng donated blood ay dapat sumailalim sa pagsusuri kung ito ay may HIV (human immunodeficiency viruses), hepatitis B, hepatitis C at syphilis bago ang pagsasalin nito sa ibang tao.

Pero sa 39 bansa, hindi lahat ng na-donate na dugo ay nasusuri para sa isa o sa mga nasabing infections. Sa mga bansang ito hindi reliable ang testing dahil kulang sa staff, mahinang klaseng test kits, irregular supplies, o kakulangan sa basic laboratory services.

Read More