NARCO VID SINIMULAN, TINAPOS SA LOOB NG KUMBENTO

nikoy2

SINABI ni Peter Joemel Advincula, ang nagpakilalang si ‘Bikoy’ sa serye ng narco video na ikinalat kung saan iniuugnay sa droga ang halos buong pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iligal na droga, na isang pari ang nagpakilala sa kanya kay Senador Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Advincula na ang buong serye ng video at plano ay inumpisahan sa isang kumbento at doon din natapos ang lahat.

“Ang lahat ng nangya ri sa ‘Ang Totoong Narcolist’ video episode 1 to video episode 5, ‘yong nirecord ko no’ng nasa isang kumbento ako, lahat ‘yon pawang scripted, lahat ‘yon pawang kasinungalingan,”giit nito.

Ginawa anya ang video upang siraan mismo ang Pangulo at maging ang lahat ng administration candidates kabilang si dating Special Assistant to the President na ngayon ay senator-elect Christopher “Bong” Go.

Kabilang din sa mga iniuugnay ni Advincula sa paggawa ng narcolist video ay ang pangunahing mga miyembro ng Liberal Party na sina Senator Risa Hontiveros at Senator Leila De Lima.

“Kasinungalingan kasi may plano ‘yong kabilang kampo, ‘yong kabilang kampo magpaputok ng issue para ma-divert ‘yong attention ng tao, papataas nang papataas ang ratings ng administration candidate samantalang walang pumapasok particularly sa Otso Diretso candidate,”paliwanag nito.

“At ito nga ‘yong paputok nong kay Bikoy, para ma-discredit si Senator-elect Bong Go hindi totoo ‘yon, walang katotohanan, at ‘yon pawang orchestrated lamang ng mga nasa-kabilang party which is the Liberal Party under the handling of Senator Antonio Trillanes IV,” dagdag ni Advincula.

“Hindi ko ho kaya na panindigan ‘yong mga scripted lang ng kwento na ngayong talo na ‘yong mga kandidato nila nararamdaman ko unti-unti na akong nilalaglag, at ang kinakatakutan ko ay baka sila pa ang mag-eliminate sa akin kalaunan dahil wala na akong silbi,”saad pa nito.

 

Please follow and like us:
Read More

RESULTA NG LRT2 COLLISION PROBE ILALABAS NA 

lrt2a

(NI KEVIN COLLANTES)

PORMAL nang sinimulan nitong Lunes ng fact-finding committee na binuo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang imbestigasyon hinggil sa insidente ng banggaan ng dalawang tren ng LRT-2, nitong Sabado ng gabi, na nagresulta sa pagkasugat ng 34 na katao.

Ayon kay LRTA spokesperson Hernando Cabrera, kabilang sa aalamin ng Komite ay kung paanong nag-disengage ang preno ng ‘dead train’.

Tutukuyin din aniya ang bilis ng tren nang maganap ang banggaan, gayundin ang ‘incline’ o pagkakahilig ng riles sa lugar.

Sinabi ni Cabrera na inaasahan nilang magtatagal ang imbestigasyon hanggang ngayong Martes, at Miyerkoles ay makapaglalabas na ang komite ng ulat hinggil sa pangyayari.

“‘Yung fact-finding committee mag-start ng Lunes ‘yan and we expect na hanggang bukas (Martes) matapos ‘yung kanilang imbestigasyon,” ani Cabrera, sa panayam sa telebisyon.

“By Wednesday meron na silang report. ‘Yun ang target namin. In fact, bine-base namin ‘yon sa mga nakaraan naming experience. Usually binibigyan kami ng 48-hours na gawin ‘yung imbestigasyon at gawin ang report,” aniya pa.

Binigyang-diin din naman ni Cabrera na tulad ng sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade ay hindi nila ipinagsasawalang bahala ang pangyayari.

Ayon kay Cabrera, napakaseryosong bagay ito dahil sangkot dito ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero kaya’t kailangan na maimbestigahan ito at malaman ang katotohanan kung ano talagang nangyari kung bakit umandar mag-isa ang tren.

Nabatid na hanggang nitong Lunes ay lima pang indibidwal ang nananatiling naka-confine sa pagamutan dahil sa aksidente, kabilang ang isang Grade 8 student, na nag-crack ang panga at kinakailangang sumailalim sa operasyon.  Hiniling na rin umano ng pamilya nito na sa Ilocos na lamang isagawa ang operasyon.

Ang isa pang biktima ay dumaranas naman ng muscle spasm, isang pasyente ang may traumatic anxiety, isang nagkaroon ng dislocated shoulder, at isang LRTA teller na nagtamo ng broken arm.

Matatandaang una naman nang nakalabas ng pagamutan ang 29 iba pang pasahero na pawang nagtamo lamang ng minor injuries.

Kaugnay nito, iniulat na rin ni Cabrera na normal naman na ang operasyon ng LRT-2 ngunit dahil sa aksidente ay pito lamang umano ang mga tren ng LRT-2 ang bumibiyahe.

Dahil dito, inaasahan na aniya nilang kinakailangan ng kanilang mga pasahero na maghintay ng matagal bago makasakay ng tren.

Nabatid na ang LRT-2 ay may 10 tren, kabilang dito ang dalawang nasangkot sa aksidente habang ang isa naman ay sumasailalim sa preventive maintenance.

Una naman nang humingi ng paumanhin ang LRTA sa pangyayari at tiniyak na sasagutin nila ang mga gastusin sa pagpapagamot, maging loss of income ng mga nasaktan sa aksidente.

Nanindigan rin ito na ‘generally safe’ pa rin ang LRT-2 sa kabila nang naganap na banggaan.

Isolated incident rin lamang anila ito, at ito ang kauna-unahang pagkakataon na dumanas ng ganitong aksidente ang LRT-2 sa loob ng 15-taong operasyon nito.

“Isolated incident po ito. Generally, iyung ating mga train are safe, iyung ating system safe din po s’ya,” ani Cabrera.

 

Please follow and like us:
Read More

BRIGADA ESKWELA AARANGKADA SA LAS PINAS

brigada12

(NI MAC CABREROS/PHOTO BY AJ GOLEZ)

SIMULA ngayong araw ng Lunes ang isang linggong bayanihan para maihanda ang mga pasilidad at silid-aralan sa pagbabalik ng klase sa Hunyo 3.

Ayon Education Secretary Leonor Magtolis Briones, muling patutunayan ng buong sambayanan ang bayanihan spirit sa ika-16 edisyon ng Brigada Eskwela mula Mayo 20 hanggang 25.

Isang caravan mula SM Megamall patungong Las Pinas Elementary School, Las Pinas City para pormal na umpisahan ang Brigada Eskwela kung saan kumpunihin ang mga sirang pasilidad, pinturahan ang mga silid-aralan upang maging kaayaaya sa papasok na batang mag-aaral kung saan tinayang aabot sa 27 milyon.

Nauna nang ikinasa nitong Mayo 16 sa Alfonso Elementary School sa Alfonso, Cavite, ang Brigada Eskwela na may temang ‘Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan’.

“It is more than just about painting or cleaning schools in preparation for the return of the children. It’s also a matter of seeing to it that we provide them the requisites of learners and the requisites of a good learning environment namely, safe schools, supplies, furniture, equipment, and good teachers,” inihayag Sec. Briones.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng kalihim ang mga school officials na boluntaryo ang pagsama sa Brigada Eskwela at hindi gagamiting hadlang sa enrolment ng mga bata.

Ipinabatid naman  Usec. Tonisito Umali na aabot sa P4.66 bilyon ang halaga ng nalikom na donasyon o tulong noong 2018.

 

Please follow and like us:
Read More

BANGGAAN NG 2 LRT-2 TRAIN INIIMBESTIGAHAN

collide12

INIIMBESTIGAHAN na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang banggaan ng kanilang tren nitong Sabado ng gabi na ikinasugat ng 34 katao.

Ayon kay LRTA board secretary at spokesperson Hernando Cabrera,  binuo na ang isang fact finding committee upang malaman kung bakit gumalaw ang dead train sa pocket track.

Target din ng imbestigasyon ang dahilan ng pag-andar ng kinukumpuning tren kahit pa walang nag-ooperate at lahat ng sistema ay naka ‘off’.

Nangako naman si LRTA administrator Reynaldo Berroya na sasagutin ng ahensiya ang lahat ng gastos ng mga isinugod sa ospital

Binisita na rin ni Berroya at Transportation Secretary Arthur Tugade ang mga biktima sa ospital para malaman ang kanilang kondisyon.

Limang sugatan na pasahero na lamang ang nananatili sa pagamutan hanggang nitong Linggo ng alas-6:00 ng umaga.

Sinabi ni Cabrera na maging ang operator ng tren ay sugatan din. Nasa ligtas na itong kondisyon at nasa custody ng LRTA. Nagtamo ito ng mga sugat sa mukha at gutay-gutay na pantaloon dahil tumalon umano ito mula sa tren bago pa mabangga habang sugatan din ang isang teller ng LRT2

Naganap ang kolisyon malapit sa LRT2 Anonas Station sa Quezon City.

Sinabi ni Cabrera na nasira ang isang tren ng alas-2 ng hapon nitong Sabado sa pagitan ng Cubao at Anonas stations. Iniligay ito sa emergency pocket track para ayusin.

Bandang 9:15 ng kagabi nang gumalaw ang kinukumpuning tren na nasa pocket track at inokupa ang riles na papuntang Santolan station, ayon pa sa report.

Sa puntong ito, isa pang train mula sa Cubao Station ay padating sa parehong riles. Huminto umano ang padating na tren nang marinig sa radio ang pag-andar ng ‘dead train’.

Nananatiling suspendito ang operasyon ng LRT2 dahil sa paglilinis na ginagawa.

Sinabi ni Cabrera na ilang bakal mula sa dalawang tren ang nagkalat sa riles.

Kapwa inilagay sa depot ang dalawang nagkabanggaang tren.

Please follow and like us:
Read More

LRT 2 TRAINS NAGSALPUKAN: 29 SUGATAN

train12

NAGBANGGAAN ang dalawang train ng Light Rail Transit 2 (LRT 2) sa pagitan ng Cubao at Anonas stations, Sabado ng gabi, ayon sa Light Rail Transit Association (LRTA).

May 29 pasahero ang nasaktan at isinugod sa ospital. Ayon sa ilang pasahero, puno ang train patungong Santolan station nang sumalpok sa isa pang train sa riles.

Ilan sa mga nabasag na salamin ay nahulog sa ilalim na kalsada.

Hanggang hatinggabi ay patuloy na iniimbestigahan ang dahilan ng banggaan, ayon kay Lyn Janeo, LRTA communications officer.

Please follow and like us:
Read More

TAAS-PRESYO NG PETROLYO IPATUTUPAD

oil price hike12

(NI ROSE PULGAR)

MATAPOS ang dalawang linggong sunod na rollback, magpapatupad na naman ang mga kompanya ng langis sa bansa ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod linggo.

Sa abisyo ng ilang insider sa oil industry, ang panibagong dagdag presyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
Ang presyo ng gasolina ay inaasahang tataas sa pagitan ng P0.90 hanggang P1.00 kada litro.

Habang aabot naman sa pagitan ng P0.70 hanggang P0.80 ang dagdag sa halaga ng bawat litro ng diesel samantalang P0.70 hanggang P0.80 rin kada litro ang sa presyo ng kerosene.

Sa Martes (Mayo 21) ng umaga inaasahang ipatutupad ng mga oil companies ang panibagong oil price hike.

Please follow and like us:
Read More

NO TIME FOR LOVE: MATUTULOG NA LANG AKO – MAYOR VICO

vico sotto12

(NI KEVIN COLLANTES)

MAS nais pa umano ni Pasig City Mayor-elect Vico Sotto na matulog at magpahinga na lamang sa kanyang libreng oras, sa halip na maghanap ng pag-ibig.

Ang pahayag ay ginawa ni Sotto nang matanong sa isang panayam sa telebisyon kung may nobya na ba siya sa ngayon.

Sinabi naman ni Sotto na wala pa siyang panahon para sa kanyang love life, lalo na at inaasahang marami siyang kakaharaping problema sa lungsod, sa sandaling tuluyan na siyang manungkulan sa posisyon bilang bagong alkalde ng Pasig City.

“Wala talagang time,” ani Sotto, na tinaguriang ‘Millennial Mayor’ matapos na maluklok sa pwesto sa edad na 29 lamang.

“Talagang pag may free time ako, mas gusto ko pang matulog or magpahinga na lang.”

Ayon kay Sotto, pinagpapasa-Diyos na lamang niya  ang kanyang buhay pag-ibig dahil mas prayoridad aniya niya ang mga kakaharaping problema sa sandaling magsimula na ang kanyang termino sa Hulyo.

“Tingnan na lang natin, Diyos na ang bahala kung paano mangyayari.  Siyempre eventually, gusto mo rin naman di ba? But for now, focus-focus muna,” aniya pa.

Sa kabilang dako, tiniyak rin naman ni Sotto na wala siyang planong manatili sa kapangyarihan nang matagal.

Palagi aniya niyang ipinapaalala sa kanyang sarili na ang isang mahusay na lider ay hindi dapat manatili ng matagal sa kapangyarihan.

“Power tends to corrupt and absolute power corrupts absolutely,” aniya pa. “Ako, sa tingin ko ang magaling na leader, hindi nagtatagal sa kapangyarihan.”

Matatandaang sa katatapos na midterm elections ay tinuldukan ni Sotto ang may 27-taong pamumuno ng mga Eusebio sa Pasig City, nang talunin si incumbent Mayor Roberto ‘Bobby’ Eusebio.

Unang pumasok sa larangan ng politika si Sotto noong 2016 at nanalo bilang no. 1 councilor ng lungsod.

Aminado naman si Sotto na wala siyang planong tumakbo kaagad sa pagka-alkalde ngunit nagpasyang kumandidato nang makita niya ang pangangailangan ng pagbabago sa lungsod, at nang matiyak na walang nais na maglakas ng loob na kumalaban sa mga Eusebio.

Tiniyak ni Sotto na kahit na bata pa siya ay hindi siya magpapadikta sa kahit na sinuman, at sinigurong handa siya at alam niya ang kanyang trabaho at mga dapat gawin para sa ikauunlad ng lungsod at ng mga residente nito.

Nagpapasalamat rin naman si Sotto sa suporta ng kanyang mga magulang na sina showbiz veterans ‘Bossing’ Vic Sotto at Coney Reyes, na ang tanging payo lamang aniya sa kanila ay huwag kalilimutang magdasal at huwag mawawalan ng pananampalataya sa Panginoon.

 

Please follow and like us:
Read More

BASURA NG MAYNILA BALAK BILHIN NI ISKO

isko21

(NI HARVEY PEREZ)

BALAK ni Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na bilhin sa mga household ang kanilang mga basura .

Ito ay bilang patunay na may mga nakahanda na siyang pamamaraan kung papaano iaahon sa pagiging dugyot ang Lungsod  ng Maynila .

Matatandaan na  sinabi ni Domagoso matapos na maiproklama bilang bagong halal na alkalde ng lungsod, na ‘paliliguan’ niya ang lungsod, upang maalis ang pagiging ‘dugyot’ nito.

Ipinaliwanag  ni  Domagoso na dating basurero bago naging artista, sa halip na pera ay coupon na maaaring ipampalit sa bigas at de lata, ang makukuha ng mga residenteng magbebenta ng basura.

“Bilang dating basurero… ‘yung basura mo, bibilhin ko po ‘yun kasi nakita ko na if you would stimulate or put these incentives, baka mahikayat, mabuhayan ang tao,” ayon kay Domagoso.

Plano rin niya na  ibalik ang mga metro aide o street sweepers ng lungsod upang may regular na magwawalis sa mga kalsada, mula umaga hanggang hapon.

Aalisin na  rin ni Domagoso na ang towing sa lungsod upang mabawasan ang pangingikil ng ilang opisyal ng pamahalaan pero hindi tinukoy kung ano ang sistemang plano niyang ipalit dito.

Kasabay nito, hinimok ni Domagoso ang mga Manileño na magkaroon ng disiplina at magkusa na sa pagsunod sa mga batas trapiko.

Hinikayat din niya ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan na ihinto na ang pamumulitika sa pagpasok ng bagong liderato.

Dapat umano ay magbati-bati na at magkaroon na ng pagkakaisa para sa ikauunlad ng Maynila.

Please follow and like us:
Read More

SEGURIDAD SA MRT MAS HIHIGPITAN

mrt12

(NI KEVIN COLLANTES)

HIGIT pa umanong hihigpitan ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) ang ipinatutupad nilang seguridad sa istasyon ng kanilang mga tren.

Ito’y matapos ang pagkakaaresto sa isang pasahero nito na nakumpiskahan ng mga bala ng baril sa North Avenue Station sa Quezon City nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa DOTr, hindi nila ipinagwawalang-bahala ang ganitong mga kaganapan para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero at mga tauhan.

“The DOTr MRT-3 assures the public that the incident will not be taken lightly,” ayon naman sa DOTr-MRT3.

“……. strict security measures will continue to be implemented across MRT-3 trains and stations for the safety and security of passengers,” pagtiyak pa nito.

Matatandaang nitong Miyerkoles ay inaresto ng mga pulis sa southbound ng North Avenue Station si Don Ray Adina, 36, matapos na ma-detect ng baggage scanner, na may dala itong mga bala sa kanyang backpack.

Nang inspeksiyunin ang bag ng suspek ay nakumpiska ng mga guwardiya ang isang magazine at walong piraso ng 10mm live ammunitions.

Si Adina ay nasa kustodiya na ng Philippine National Police Regional Mobile Force Battalion (PNP-RMFB) at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code o gun ban.

 

Please follow and like us:
Read More