DUTERTE ‘MAINIT’ NA SA BIR EXAMINERS

bir1

(NI BETH JULIAN)

MAINIT na rin sa mata ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga examiner ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ito ay matapos  makarating sa Pangulo ang raket ng BIR examiners.

Sa sumbong na natanggap ng Pangulo, sinasabing hindi umano nakararating sa gobyerno ang kabuuang buwis na binabayaran ng mga negosyante o kompanya.

Sa deskripsiyon ng Pangulo sa raket ng mga taga-BIR, kunwari ay ia-assess ng examiner ang halaga ng buwis na dapat bayaran ng isang negosyante at magtatakda ng halaga pero bahagi lamang nito ang ireremit o pababayaran sa ahensya at ang natitira sa kabayarang halaga ay sa bulsa na umano ng examiner napupunta.

Dahil dito, nais ng Pangulo na magpatupad na lamang ng gross taxation  para matiyak na walang daya sa binabayarang buwis.

Sa kasalukuyan ay net taxation ang umiiral na sistema kaya madali anyang doktorin ito ng mga tiwaling BIR examiners.

Please follow and like us:
Read More

STL BALIK-OPERASYON NA

(NI ABBY MENDOZA)

BINUKSAN na muli ng Malacanang ang operasyon ng Small Town Lottery na una na nitong ipinatigil ang operasyon noong nakaraang buwan.

Gayunman, bago muling makapag-operate ang mga STL operators ay kailangan sumunod ito sa bagong patakaran na inilatag ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO)

Sa isang Facebook live sa PCSO facebook page ay sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na ang pagbabalik ng STL operations ay kinatigan ni Pangulong Rodrigo Duterte  matapos na rin ang ginawang rekomendasyon ng PCSO board.

“Pursuant to the recommendation of PCSO, the President lifted the suspension of STL. Authorized Agents Corporations (AACs) that  are compliant with the conditions of their STL agency agreement and have been remitting its guarantee minimum monthly retail receipts may now operate,” pahayag ni Garma.

Ayon kay Garma papayagan ang mga AACs na bumalik sa kanilanhg operasyon sa ilalim ng bagong kondisyon at kabilang na dito ang pagdedeposito ng cash bond na katumbas ng 3 buwan ng PCSO share sa guarateed minimum monthly retaul receipt, ang hinihinging 3 buwang cash bond ay bukod pa sa nauna nang cash bond na hiningi ng PCSO nang ang mga ito ay mag apply ng franchise.

Ikalawa sa kondisyon ay ang awtomatiko nang forfeited ang cash bond pabor sa PCSO kung hindi makakatalima ang mga AACs sa pagreremit.

Ikatlo ay kailangan na magsagawa ng written undertaking ang mga AACs na susunud ito sa mga kondisyon na inilatag ng ahensya at hindi ito maghahain ng anumang claims, monetary man o hindi at hindi ito maghahain ng anumang legal remedies sa korte gaya ng paghingi ng Temporary Restraining Order o Injunction na pipigil sa ahensya na ipatupad ang kanilang karapatan laban sa mga AACs.

Ikaapat, awtomatiko nang terminated ang kasunduan sa pagitan ng AACs at PCSO kung magkakaroon ng paglabag sa kanilang frachise agreement gayundin sa bagong kondisyon.

‘The foregoing conditions shall be applied to other AACs that may be allowed to resume operations”pahayag ni Garma.

Aniya, kailangan din na sumunod ang mga operators sa bagong  STL agency agreements at gayundin sa bagong STL implementing and regulations na kanilang nakatakdang ipalabas.

 

Please follow and like us:
Read More

SOLON SA HOG FARMERS: MAKIPAGTULUNGAN SA DA

hog55

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY CJ CASTILLO)

UMAPELA si Rizal Rep. Fidel Filipe Nograles sa mga hog farmers sa Montalban, Rizal na makipagtulungan na lang sa otoridad upang hindi lumala ang problema sa kanilang kabuhayan.

Ginawa ni Nograles ang pahayag  sa gitna ng mga pangambang nagkaroon ng swine flu dahil sa pagkamatay ng dalawang baboy kaya isinailalim sa Department of Agriculture (DA) protocol ang tatlong barangay sa Montalban na kinabibilangan ng Macabud, San Isidro at San Jose.

“While the DA has yet to confirm the cause of these deaths, it is in the best interests of all hog farmers to strictly comply with DA-BAI (Bureau of Animal Industry) directives regarding the matter,” ani Nograles.

Sa ngayon ay iniimplementa ng ng DA-BAI ang 1-7-10 policy kung saan hindi pinapalabas ang mga baboy na nasa loob ng 1 kilometro mula sa lugar kung saan may namatay na baboy habang ang mga hayopn na mula naman sa 7 hanggang 10 kilometro ay mahigpit na minomonitor.

“The priority now is to prevent the spread of whatever is causing these deaths to other parts of Montalban,” ni Nograles dahil malaking problema umano kung hindi makontrol ang swine flu sakaling ito ang ikinamatay ng mga baboy sa Montalban.

Nabatid sa mambabatas na ang Calabarzon o Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ang ikinalawang rehiyon sa buong bansa sa may pinakamalaking hog production.

Nabatid na noong 2018, ang hog production sa bansa ay umaabot sa 2,319,764 metric tons, kung saan 381,590 metric tons dito ay mula sa Calabarzon at  89,576 metric tons dito ay mula sa lalawigan ng Rizal.

Nagkakahalaga umano ito ng P268 Billion na mas mataas ng 10.8% sa P241.9 Billion na naitala noong 2017.

“If we allow this affliction to spread to other towns, other provinces in the region, this will deal a heavy blow to the swine industry. Our neighbors are now depending on us in the district to do our best to limit the damage caused by this disease,”ayon pa kay Nograles.

Please follow and like us:
Read More

SWINE FLUE DAPAT SUGPUIN – NOGRALES

Rep Juan Fidel Nograles-1

Dapat magkaisa sa pagsugpo ng swine flu ang lahat ng nagmamay-ari ng babuyan at nag-aalaga ng baboy sa Montalban (Rodriguez) upang matiyak na hindi kakalat ang swine disease bagamat kinukumpirma pa lamang ang ulat.

Sinuportahan ni Congressman Juan Fidel Nograles, kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Rizal ang pagkilos ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA), sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lokal at iba pang ahensiya na naatasang i-monitor at gumawa ng kaukulang aksiyon upang mabilis na masugpo ang banta ng posibleng sakit sa baboy.

“Habang hindi pa kinukumpirma ng DA ang sanhi ng pagkamatay ng mga baboy, mas mabuting sundin ng hog farmers ang direktiba ng DA-BAI tungkol sa usaping ito,” pahayag ni Nograles.

Kasabay nito, umapela si Nograles sa mga nagmamay-ari ng swine farm sa kanyang distrito na sumunod sa mga patakarang ipinatutupad ng DA, partikular na sa tatlong barangay ng Montalban na kinabibilangan ng Macabud, San Isidro at San Jose na isinailalim na sa quarantine dahil sa napaulat na pagdami ng namamatay na baboy rito.

Inaasahang lalabas ang resulta ng pagsusuring isinagawa ng DA sa loob ng dalawang linggo.

“Prayoridad natin ngayon na maiwasan ang pagkalat ng kung anumang dahilan ng pagkamatay ng mga alagang baboy sa ilang bahagi ng Montalban,” dagdag pa ng mambabatas.

Batay sa obserbasyon ng mga apektadong backyard swine farmers, walang ganang kumain, matamlay, nagsusuka, may pagdurugo ng balat, nangingitim ang kulay ng mga paa, at biglaang namamatay ang kanilang mga alaga.

Nagpatupad ng “one-seven-ten” policy nitong nakalipas na linggo sa mga apektadong lugar kung saan lahat ng baboy sa loob ng 1-kilometer radius ay bawasan o katayin, samantalang yung nasa 7 at 10-kilometer radius ay mahigpit na i-monitor.

“Sa maraming rehiyon ng bansa, ang CALABARZON ang pumapangalawa sa may pinakamataas na produksiyon ng baboy. Kung ang pagdurusang ito ay hahayaan nating kumalat pa sa ibang bayan, maging sa iba pang probinsiya sa rehiyon, ito ay magiging isang malaking dagok sa industriya ng babuyan,” mariing pahayag ng mambabatas.

Dagdag pa ni Nograles, “Ang ating mga karatig bayan at lalawigan ay umaasa sa ating distrito na gagawa ng hakbang upang mapigil o limitahan ang perwisyo na dulot ng nasabing sakit.”

Noong 2018, ang kabuuang laki ng hog production sa bansa ay 2,319,764 metric tons, kung saan ang total volume ng produksiyon ng baboy sa CALABARZON ay umabot ng 381,590 metric tons at ang total volume ng hog production sa lalawigan ng Rizal ay umabot sa 89,576 metric tons.

Ang livestock industry sa kasalukuyan ay nakaranas ng positibong paglaki o pag-unlad. Noong nakaraang taon, ang gross value ng hog production sa katumbas na presyo nito ay P268 billion, 10.8% na mas mataas sa gross value ng hog production na P241.9 noong 2017.

Please follow and like us:
Read More

SOLON NA ‘BAGMAN’ NI GUANZON MASISIBAK

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI malayong matanggal sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ‘congresswoman’ na ‘bagman’ ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon.

“Kung totoo at mapatutunayan (ay matatanggal),” ani ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa press conference nitong Huwebes sa Kamara kaugnay ng alegasyon ni Cardema na isang congresswoman ang bagman ni Guanzon.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos sabihin ni Cardema na humihingi umano ng P2 million si Guanzon kapalit ng pagpayag nito na siya ang first nominee ng Duterte Youth kung saan idadaan ang pera sa congresswoman.

Subalit, ayon kay Yap, mangyayari umano ang pagtatanggal sa congresswoman sa pamamagitan ng Ethic committee kung pangalanan ito ni Cardema na may kasamang ebidensya.

“Since sinabi na niya (Cardema) lahat pati ang estado ng father niya at wife niya, mas maganda sabihin niya kung sino ba yung sinasabi niyang yun (na congresswoman),” ani Yap.

“Kasi ilan ho dito congresswoman namin. Kawawa naman po sila…lahat po sila ay pag-isipan na sila yun,” ayon pa kay Yap kaya hiniling nito kay Cardema na ilabas na nito ang lahat nitong hawak na ebidensya.

Ang Duterte Youth ay nakakuha ng isang upuan ngayong 18th Congress subalit wala pang umuupo na kinatawan nito dahil hindi na pasok ang edad nito na 34 anyos bilang Youth Representatives.

Please follow and like us:
Read More

CARDEMA KAY GUANZON: CELLPHONE IPA-FORENSIC EXAM NATIN!

(NI JEDI PIA REYES)

HINAMON ni dating National Youth Commission chair Ronald Cardema si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na maipasailalim sa forensic exam ng kanilang mga cellphone patungkol sa umano’y pagbabanta sa huli.

Sinabi ni Cardema na handa siyang isumite sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kanyang cellphone at dapat ay ganito rin ang gawin ni Guanzon.

“I challenge you, Guanzon, ipakita mo ang messages ng threat,” ani Cardema.

“Magpa-forensic tayo ng telepono, Ma’am,” dagdag pa nito.

Naninindigan si Cardema na hindi nito binantaan si Guanzon at hindi rin umano sila nagpapakalat ng negatibong mga pahayag laban sa opisyal ng Comelec.

“Wala kayong makikita rito na nag-message ako sa kapwa Duterte Youth na nagsasabi kami ng masama about you, napaka-respectful namin,” pahayag pa ni Cardema.

Nauna na ring ipinahayag ni Cardema na wala na itong pakialam kung makakuha man ng upuan ang Duterte Youth sa Kamara pero nais nitong ibunyag ang paghawak umano ni Guanzon sa kanilang leeg simula pa noong Enero patungkol sa pag-accredit sa partylist group.

“Wala na kong pakialam sa seats namin sa Congress, basta ang sinasabi ko, hawak kami sa leeg since January hanggang ngayon at pinapalabas n’ya sa buong bansa, s’ya ang bida, s’ya ang inaapi… Pero mapo-prove ko sa mga screenshot ko na habang sinasabi n’yang tine-threaten namin s’ya, nagmamakaawa kami sa kanya,” giit nito.

Balak na rin ni Cardema na maghain ng impeachment complaint laban kay Guanzon at nakatitiyak ito sa kanilang ebidensya laban sa Comelec Commissioner.

Please follow and like us:
Read More

BATO NA-HIGHBLOOD SA ROTC HEARING 

bato99

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

UMINIT ang ulo ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture hinggil sa panukalang ibalik ang mandatory Reserved Officers Training Corps (ROTC).

Ito ay nang paringgan siya ng isang resource person na si Raoul Manuel, deputy secretary general ng National Union of Students in the Philippines (NUSP) hinggil sa naging posisyon sa napipintong paglaya ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez.

Sa gitna ito ng paghahayag ni Manuel ng kanilang pagtutol sa mandatory ROTC sa senior high school dahil sa pangamba ng katiwalian.

Partikular na nag-init ang ulo ni Dela Rosa sa pahayag ni Manuel na “Kung mahihirapan po tayo na i-uphold ang enforcement and rights awareness, amongst the rank of our officials, magkakatalo na lang kung may mga opisyal na hindi nag-aagree doon. Lalo na kung meron tayong senador saying na okay lang na makalaya at may 2nd chance ang isang rapist na mayor habang ang mga mahihirap ay madaling tokhangin na lamang.”

Sumagot naman si Bato na “Ang layo naman ng sinasabi mo Mr. Kasama ba dito sa hearing ang comment ko na yun,” na tinugunan ni Manuel ng “Human rights as part of the curriculum.”

“Ano na nangyari sa utak nyo? Ang layo at saka I take offense on what you said na ‘yung ROTC is misrepresentation of nationalism. Ano tingin mo sa amin? Ganun ka lang mag-judge sa amin? Are you sure you are the true representation of the student? Ilan lang ang makakakaliwa na estudyante, marami dyan ang gusto mag-ROTC. Ang layo ng isyu mo just na pepersonalin ako. Dapat matuto ka magrespeto sa senador na nandito sa hearing na ito,” diin pa ni Bato na nagtaas na ng boses.

Hindi pa nagpaawat si dela Rosa at sinabing “Kung Filipino ka. Do you love your country?” na dinugtungan pa ng “Pag inatake tayo ng China dito, sino palabanin mo sa China na yan, NPA? tatawagin mo ang NPA?”

Pumagitna naman na si Senador Win Gatchalian sa pagsasabing isumite na lang ni Manuel ang kanilang position paper habang iginiit ni Senador Pia Cayetano na alisin sa records ng pagdinig ang pahayag ni Manuel na walang kinalaman sa hearing at pinaalalahanan ang iba pang resource person na matutong gumalang.

Humirit naman din agad si Bato na dapat na talagang baguhin ang estado ng pag-iisip ng mga estudyante kasabay pagpapaliwanag sa kanyang posisyon sa kaso ni Sanchez.

“Kung ikaw ang representation ng estudyante ngayon, ganun na pala kawalang disiplina ng mga estudyante. Kaya dapat pala ibalik ang ROTC para madisiplina na kayo,” giit ni Bato.

Humingi naman ng paumanhin si Manuel kasabay ng pangako na hindi na mauulit ang insidente.

Nagpaalam na rin si Bato matapos ang mainit na sitwasyon, “Can I be excuse for a while. Magrerelax lang ako at naha-highblood ako.”

Please follow and like us:
Read More

HEART KINUKULIT NI SHARON CUNETA SA PAINTING!

rey pumaloy(NI REY PUMALOY)

TINATAPOS  pa lang ni Heart Evangelista ang latest painting niya ay pinutakti na ng positive comments ang Kapuso star. Makikita sa posting ni Heart ang painting niya na pawang imahe ng mga mukha ng babae.

Sabi ni Heart sa kanyang bagong masterpiece, inabot din nang matagal ang pagtatapos niya sa painting kaya excited na siyang tapusin at ipa-frame ito.

Sa mga comments, hindi lang daw maganda si Heart kundi napaka-talented nito. Sey nga ng kaibigan niyang si Lovi Poe, tigilan na raw ang pagiging “perfect” ng kanyang best friend.

Sumawsaw rin si Sharon Cuneta sa comments, na nagpapaalala kay Heart tungkol sa inorder niyang painting na babayaran niya at hindi ito libre. Sa lahat ng mga painter-celebrities, si Heart ang pinakasikat at pinupuri sa ganda ng kanyang mga paintings.

 

Please follow and like us:
Read More

SOGIE BILL MALABONG MAIPASA SA SENADO 

(NI NOEL ABUEL)

MALABO nang maipasa ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality bill na isinusulong sa Senado.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, mahihirapang maisulong sa Senado ang anti-discrimination bill na pabor sa lesbian, gays, bisexual, transgender and queer (LGBTQ+) community.

“It has no chance of passing in the Senate, “IF” it transgresses on academic freedom, religious freedom and women’s rights,” sa testimonya ni Sotto.

“Anti-discrimination bill on person’s pwede, pero focused on gays, which the SOGIE bill is, and religious and academic freedom impeded, plus smuggling of same-sex marriage? No chance!” aniya.

Una nang hiniling ni Senador Risa Hontiveros sa mga kapwa nito senador na suportahan at ipasa ang SOGIE bill matapos ang sinapit ng isang transgender woman na si  Gretchen Diez sa isang mall sa Quezon City nang pagbawalang gumamit ng comfort room ng babae.

 

Please follow and like us:
Read More