CHOP-CHOP VICTIM ISINAKO, INIWAN SA HARAP NG NBI

NATAGPUAN sa harap ng tanggapan ng National Bureau of Investigation sa Bacolod City, ang frozen na chop-chop na katawan ng isang lalaking sangkot umano sa ilegal na droga. Hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan ng biktima habang hinihintay pa mula sa isang team ng technical division sa NBI Manila, ang isinasagawang imbestigasyon. Samantala, itinanggi ni NBI Bacolod chief Renoir Baldovino ang mga ulat na nagkaroon ng lamat sa pagitan ng dalawang ahente ng NBI Bacolod na maaaring may kaugnayan sa kaso ng chop-chop na katawan ng tao. Sinabi ni Baldovino, ang…

Read More

LOCAL OCD CHIEF PATAY SA AMBUSH

PATULOY na tinututukan ng Philippine National Police ang kaso ng pinaslang na local disaster chief ng Cotabato City, na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Ayon sa ulat, napatay ang opisyal ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) matapos umanong tambangan ng hindi pa kilalang mga suspek. Kinilala ng Cotabato Provincial Police Office (PPO) ang biktimang si Jose Raymond Marquez, chief of operations ng Cotabato CDRRMO. Agad nalagutan ng hininga ang biktima makaraan ang pananambang noong Sabado ng gabi sa Barangay Rosary Heights 4. Base sa…

Read More

GOV’T DAPAT HUMIKAYAT NG MAS MARAMING INVESTORS

IMINUNGKAHI ng isang malaking grupo ng Filipino-Chinese businessmen na dapat mas tutukan ng gobyerno ang pag-akit at paghikayat ng mamumuhunang mga mangangalakal at bigtime investors upang makalikha ng mas maraming trabaho, na maaaring maghatid ng mas mataas na suweldo para sa mga manggagawa. Bahagi ito ng naging pahayag ni Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) president, Dr. Cecilio Pedro kaugnay sa pagpapaunlad ng pamumuhunan sa bansa at sa isinusulong na wage increase para sa mga manggagawa. “Ang mas maraming namumuhunan ay mangangahulugan ng mas maraming…

Read More

FUEL TANKER TUMAGAS

NAALARMA ang mga residente nang tumagas ang isang Isuzu tanker na naglalaman ng kemikal sa panulukan ng Pedro Gil St. at Quirino Avenue, Malate nitong Linggo ng madaling araw. Ayon sa ulat ng isang Dominador Evangelista, 36, driver, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang tumagas ang kemikal mula sa mimamaneho niyang tanker na may plakang CAY-1606, sa naturang lugar Agad siyang huminto at kinumpuni ang butas mula sa tanker. Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), sa pangunguna nina Manila Team Leader, Fire Superintendent Leo…

Read More

GINANG UMINOM NG LASON

UMINOM ng lason ang isang 48-anyos na ginang makaraang makipagtalo sa kanyang asawa dahil sa problema ng pananalapi, sa kanilang bahay sa Quiapo, Manila nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si alyas “Corazon”, residente ng nabanggit na lugar. Batay sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang uminom umano ng lason ang biktima makaraang makipagtalo sa kanyang mister dahil sa problema sa pera. Agad isinugod sa Ospital ng Sampaloc ang ginang ngunit hindi umabot nang buhay. (RENE…

Read More

PBBM lauds Pag-IBIG for record-high P48.76B dividends declared for members in 2023

President Ferdinand R. Marcos Jr. lauded Pag-IBIG Fund anew as the agency declared P48.76 billion in dividends to be distributed to its members as earnings on their savings in 2023, the highest in its 43-year history. For 2023, Pag-IBIG Regular Savings earned an annual dividend rate of 6.55 percent while the Modified Pag-IBIG 2 (MP2) Savings gained an annual return rate of 7.05 percent, both record-highs since the pandemic. The announcement of the dividend rates on the members’ savings of the agency were among the highlights of the Pag-IBIG Fund…

Read More

3 MAGSASAKA PINAULANAN NG BALA

AGUSAN DEL SUR – Malubhang nasugatan ang tatlong magsasaka matapos ratratin ng hindi kilalang mga suspek habang magkakaangkas sa motorsiklo sa Purok Brazil, Barangay Sta. Maria, sa bayan ng Trento, sa lalawigan noong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ng Agusan del Sur Police Provincial Office ang mga biktima na sina Tyson Havana Tayao, 26; Adam Paulo Bondia, 29, at isang alyas “Otto Tomboy”. Batay sa report ng Trento Municipal Police Office, magkakaangkas ang tatlo sa motorsiklo na minamaneho ni Tayao ngunit hinarang ng dalawang suspek at sila ay pinagbabaril. Masusing…

Read More

BATA NALUNOD SA POOL

CAVITE – Nalunod ang isang 8-anyos na batang lalaki sa pool sa isang isang resort habang naliligo kasama ng nakatatandang kapatid sa Bacoor City noong Sabado ng umaga. Dinala pa sa St. Dominic Medical Center ang biktimang si alyas “Karl”, elementary student, ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas. Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga nang dumalo sa family reunion ang pamilya ng biktima sa Luna Amore Resort sa Brgy. Ligas 1, Bacoor City. Napag-alaman, kararating pa lamang nila sa lugar ay kaagad umanong lumusong sa pool ang…

Read More

‘PULIS’ INARESTO SA PANGINGIKIL

CAVITE – Arestado ang isang lalaking nagpakilalang pulis makaraang kikilan ng buwanang allowance ang may-ari ng heavy equipment kapalit ng pagbabantay nito sa bayan ng Silang sa lalawigan, noong Linggo ng madaling araw. Nahaharap sa kasong usurpation of authority at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek na si alyas “Ronaldo”, 51, dahil sa reklamo ni alyas “Romy”, may-ari ng isang motorpool kung saan nakalagay ang heavy equipment. Sa reklamo ng biktima, nagpakilala ang suspek na isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at…

Read More