CAVITE – Patay ang isang 68-anyos na lola nang masagasaan ng isang sasakyan habang tumatawid sa kalsada sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Martes ng umaga. Isinugod sa ospital ang biktimang si alyas “Nida” ng Tolentino St., Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite subalit hindi na umabot nang buhay. Inaresto naman ang suspek na si alyas “Daryl”, 27, binata, ng Brgy. Bungahan, Biñan, Laguna, na nagmamaneho ng isang KIA K2500 na may plakang NEQ 2141. Ayon sa ulat, bandang alas-6:27 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Tagaytay-Sta.…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
TULAK TIMBOG SA P800K SHABU
QUEZON – Nasakote ng Tiaong Municipal Police Station–Drug Enforcement Team ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Lalig sa bayan ng Tiaong sa lalawigan. Nakumpiska mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na 0.16 gramo ang timbang at tinatayang may standard drug price na P1,088 at street value na P3,264. Ngunit sa isinagawang masusing paghahalughog, nasamsam din ng mga pulis ang apat pang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 39.60 gramo at tinatayang may street value na…
Read MoreBAHAY NATUMBAHAN NG TRUCK, 2 PATAY
LAGUNA – Dalawa ang patay makaraang mawasak ang isang bahay at tricycle matapos na matumbahan ng isang dump truck na nawalan ng preno sa national road ng Barangay Mayatba sa bayan ng Siniloan sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Ilan pa ang nasugatan sa insidente na nagdulot din pansamantalang brownout sa lugar. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang nahaharap ang driver ng truck sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide, multiple physical injuries, and damage to property. (NILOU DEL CARMEN) 4
Read MoreP12-M ARI-ARIAN SA CALAMBA NILAMON NG APOY
LAGUNA -Tinatayang aabot sa P12 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog na tumupok sa isang vulcanizing shop at katabing tindahan ng motorcycle parts sa Barangay San Cristobal sa Calamba City noong Lunes. Ayon sa Bureau of Fire Protection-Calamba, nagsimula ang sunog bandang alas-4:20 ng hapon at itinaas sa ikalawang alarma bago tuluyang nakontrol pasado alas-6 ng gabi. Walang naiulat na nasawi sa insidente ngunit isang tao ang bahagyang nasugatan. Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng nagmula ang sunog sa electrical ignition sa loob ng vulcanizing shop. Patuloy pa…
Read MoreBANGKAY NG BABAE SA PLASTIC BOX SA CAMARINES NORTE, SUSPEK TUKOY NA
NAKILALA na ang bangkay ng babae na natagpuan sa loob ng plastic storage box sa ilalim ng Pinagwarasan Bridge, Purok 1, Barangay Pinagwarasan, Basud, Camarines Norte noong Enero 2. Ayon sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office na nakarating sa Kampo Crame, kinilala ang biktima na si Anelis Agocoy, 38 anyos, ng Barangay Bura, Catarman, Camiguin. Ang pagkakakilanlan ay nakumpirma ng kanyang pinsan. Tukoy na rin ng pulisya ang suspek, na kinilala ng isa sa mga saksi, ayon kay Basud Municipal Police Station Acting Chief of Police. Sinabi ng…
Read More2 INARESTO HABANG KUMUKUHA NG POLICE CLEARANCE
CAVITE – Imbes na police clearance, warrant of arrest ang natanggap ng dalawang lalaki matapos nabuking na may nakabinbin silang kaso sa magkahiwalay na insidente sa Silang at Lungsod ng Dasmariñas sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Nangangailangan ng halagang P60,000 piyansa si alyas “Calabon” ng Silang, Cavite habang halagang P24,000 piyansa naman ang kinakailangan ni alyas “John”, ng Dasmariñas City para sa kanilang pansamantalang paglaya matapos silang arestuhin. Ayon sa ulat, bandang alas-2:30 ng hapon nang mag-apply ng police clearance si Calabon sa Silang Municipal Police Station sa Poblacion…
Read MoreBABAE ITINUMBA SA HARAP NG ANAK
CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang riding in tandem na hinihinalang gun-for-hire, na bumaril at nakapatay sa isang babae sa harap ng anak nito sa Imus City noong Sabado ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas “May”, 44, dahil sa tama ng bala sa ulo. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo na tumakas sa ‘di nabatid na direksyon. Ayon sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa isang subdibisyon sa Brgy. Malagasang I-G, Imus City, Cavite kung…
Read More23 KATAO NASAGIP SA LUMUBOG NA BANGKA
NASAGIP ng Philippine Coast Guard ang 23 katao matapos lumubog ang isang recreational boat sa karagatang malapit sa Sombrero Island, San Pascual, Masbate. Ayon sa PCG, nagkaroon ng butas ang hull ng RBCA Harlyn habang bumibiyahe mula Port of San Andres, Quezon. Agad na nagsagawa ng rescue operation ang Coast Guard at ligtas na nailipat ang 20 pasahero at tatlong tripulante, siyam sa kanila ay bahagyang nagalusan at nasa maayos nang kalagayan. (NILOU DEL CARMEN) 25
Read MoreJEEPNEY DRIVER SUGATAN SA ROAD RAGE SA LAGUNA
LAGUNA – Sugatan ang isang jeepney driver matapos pagsasaksakin ng dalawang lalaking sakay ng isang van sa kasagsagan ng umano’y road rage sa national highway sa Barangay Sambat Bubukal, sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat ng Sta. Cruz Municipal Police Station, nangyari ang insidente bandang alas-6:30 ng gabi matapos magkasabitan sa kalsada ang pampasaherong jeep ng biktima at isang brand new na puting L300 van, na nauwi sa mainitang sagutan. Kalaunan, humantong ito sa away kung saan pinagtulungang saksakin ng dalawang suspek…
Read More