OFW DESK BUKAS SA BAWAT PNP STATION SA CENTRAL LUZON

OFWS44

(NI AMIHAN SABILLO)

NAGLAGAY ng overseas Filipino workers (OFW) ang bawat himpilan ng pulisya sa bahagi ng Central Luzon para sa mas mabilis na pagresponde sa mga reklamo na may kinalaman sa mga OFW.

Ito ang inihayag ni PRO 3 Regional Director B/Gen. Rhodel Sermonia, Anya, inilunsad ng Central Luzon ang pagtatag ng OFW desk, bilang tulong sa DILG, OWWA at POEA.

Nakatuon ito sa pagprotekta sa mga OFW  maging sa kanilang pamilya pagdating sa ibat ibang krimen gaya ng fraud, terrorism at illegal drug abuse ng mga transnational crime syndicates.

Sa kasalukuyan, iilan pa lang ang may OFW desks pero target itong itatatag sa lahat ng police stations regionwide.

Matatandaan na bago nito, may ilang OFW desks na rin na itinayo sa ibat ibang bansa sa inisyatibo naman ng mga LGU.

Please follow and like us:
Read More

PHIL ARENA TOLL PLAZA BUKAS NA

(NI ELOISA SILVERIO)

BULACAN- Bubuksan ngayong Sabado sa mga motorista ng North Luzon Expressway Corporation  at Maligaya Development Corporation ang  Northbound entry at exit toll plaza ng Philippine Arena sa bayan ng Bocaue upang mabawasan ang madalas na mabigat na daloy ng trapiko sa Bocaue interchange.

Ang pagbubukas ng nasabing mga toll plaza ay isinagawa bago pa man sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games opening ceremony na gaganapin sa  Philippine Arena kung saan pangunahing makikinabang dito ay ang mga motorista papunta sa mga bayan ng Sta. Maria, Pandi, Angat, Norzagaray, at mga karatig pook nito.

“This is part of our continuing commitment to enhance our services for the public and help ease traffic flow in and out of our expressways,” ayon kay NLEX Corporation President and General Manager J Luigi L. Bautista, kung saan hindi na makikipagsabayan pa ang mga motorista sa trapiko sa gawing  Gov. F. Halili Avenue sa Bocaue.

Ang nasabing  eight-lane toll plaza, na tatanggap lang ng cash transactions sa ngayon ay kinabibilangan ng limang exit lanes at tatlong entry lanes.

Bukod sa  mga motoristang manggagaling sa NLEX, ang bagong daan ay magagamit din ng mga motoristang manggagaling sa bayan ng Sta. Maria papasok ng  NLEX northbound at kalaunan ay mas magiging maayos na access road ng Philippine Arena, na siya ring ginagamit na venue para sa mga international sports at entertainment events.

Samantala, ongoing na rin ang konstruksyon ng  access road ng NLEX southbound entry mula sa Philippine Arena.

Nabatid na ang Philippine Arena Northbound Entry at Exit Toll Plaza ay bahagi ng  NLEX Closed System kung saan ang sisingilin sa mga papalabas dito para sa Class 1 (ordinary cars) – ₱6;  Class 2 (buses and small trucks) – ₱17 at Class 3 (large trucks/trailers) – ₱19.

 

Please follow and like us:
Read More

KAMARA PAPASOK SA PECO HOUSE INQUIRY

(NI ABBY MENDOZA)

NAKATAKDANG magpatawag ng Congressional Inquiry si Iloilo Rep Julienne Baronda dahil sa mga reklamo laban sa Iloilo Power Distribution Utility na Panay Electric Company(PECO) sa magkakasunod na insidente ng pagkasunog ng poste ng kuryente na  maaaring maglagay sa panganib sa may 65,000 consumer nito.

Ayon kay Baronda, kailangan ang House inquiry dahil  may kailangang ipaliwanag ang Department of Energy (DoE) at PECO  sa mga mambabatas at sa kanilang mga consumers, hindi umano simpleng bagay ang 9 na magkakasunod na sunog sa poste ng PECO na naitala mula October 19 hanggang 21, 2019.

Lalong ikinabahala ng mambabatas ang report ng Bureau of Fire Protection(BFP) sa Energy Regulatory Commission(ERC) na sa 2,887 naitalang fire incidents sa Iloilo City mula Enero 1, 2014 hanggang Oct. 29, 2019 ay kalahati dito ay poll fires ng PECO o nasa 1, 447 kaso.

Sa ngayon ay hinihintay ni Baronda ang tugon ng DOE sa naging liham niya kung saan humihingi ito ng paliwanag kung paano nagkakaroon ng mga pagkasunog ng poste ang PECO at kung gaano pa kaligtas ang operasyon ng distribution utility.

 

Please follow and like us:
Read More

ABC PRESIDENT BINARIL SA LOOB NG E-CASINO

(NI JG TUMBADO)

PATAY sa pamamaril ang kasalukuyang pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC) sa loob ng isang  E-Casino sa bayan ng Bauang, La Union Miyerkoles ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Ilocos Training and Regional Medical Center  bunsod ng isang tama ng bala sa mukha ang biktima na si Noel Gallardo, Barangay Captain ng Pagdalagan Sur.

Nakilala naman ang bumaril sa barangay executive na si Jeffrey Escobal na agad tumakas sa lugar bitbit ang .45 baril na ginamit nito sa krimen.

Ayon kay Police Regional Office 1 Director Brig. General Joel Orduna, nangyari ang insidente habang ang biktima ay naglalaro ng slot machine.
Nilapitan umano ni Escobal si Gallardo at walang sabi sabing binaril ito sa  bunganga na tumagos sa kanyang batok.

Sinasabing magkakilala umano ang dalawa at palaging nagkakausap sa loob ng gusali ng e-Casino.
Palaisipan sa mga awtoridad kung ano ang dahilan ni Escobal para barilin at patayin si Gallardo.

Please follow and like us:
Read More

LIBU-LIBONG PASAHERO STRANDED KAY ‘RAMON’

BAGYONG USMAN-2

(NI DAHLIA S. ANIN)

UMAABOT na sa mahigit 3,000 pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Bicol region dahil sa Bagyong ‘Ramon’.

Sa pagtatala ng Philippine Coast Guard (PCG) nasa 3, 406 pasahero stranded sa Albay, (Tabaco Port-325, Pio Duran Port-153), Camarines Sur (Pasacao Port-30), Catanduanes (Virac Port-6, San Andres Port-1), Sorsogon (Bulan Port-16, Matnog Port-1237, Pilar Port-68), Northern Samar at Western Samar (Dapdap Port-143, Port of Balwarteco-704, Port of San Isidro-77, Port of Sta. Clara-646).

Suspendido rin ang operasyon ng mga rolling cargo vessels at motorbanca dahil sa sama ng panahon.

Mahigpit na ipinatutupad ng Philippine Coast Guard ang mga hakbangin na kailangan upang masigurong ligtas ang mga pasaherong maglalayag sa karagatan.

 

Please follow and like us:
Read More

REP. NOGRALES SA 800 RIZAL FARMERS: KABUHAYAN, LUPA TIYAK NA

REP NOGRALES-4

(PFI REPORTORIAL TEAM)

HINDI lang pagkakaroon ng lupa ang siniguro ng batambatang mambabatas sa may 800 magsasaka mula sa lalawigan ng Rizal kundi maging ang ayudang pangkabuhayan upang sila’y mapaunlad.

Mahigit 800 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa ikalawang distrito ng Rizal ang nakatanggap ng titulo ng kanil-ang sinasakang lupa bukod pa sa naipangakong tulong upang mapaunlad ang sakahan na saklaw ng 737 ektaryang lupaing agrikultural.

Sinabi ni 2nd District Rep. Fidel Nograles, hindi magtatapos sa pamamahagi ng lupa bilang pagtupad sa kautusang ni-lalaman ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang tulong na ibibigay sa ARBs.

“Magbabalangkas kami ng mga pamamaraan upang siguruhin na mapapakinabangan nang husto ng mga benepisyaryo ang lupa na kanilang natanggap. Magtutulungan kami hindi lang para maiangat ang buhay nila, kundi para na rin umusbong ang agrikultura sa aming distrito,” ayon kay Nograles.

Nabatid ng Peryodiko Filipino Inc. na umabot sa kabuuang 807 magsasaka mula sa Rodriguez, San Mateo, Teresa, Morong, Baras, Pililia, Jalajala, Tanay, at Pinugay ang tumanggap ng kanilang Certificates of Land Ownership Award (CLOA) para sa lupaing may lawak na 737.0017 na ipinamahagi noong Set­yembre at Oktubre.

Iginiit ng mambabatas na kumikilos ang kanyang mga tauhan upang direktang ilapit ang serbisyo ng gob­yerno sa mga benepisyaryo ng lupa upang hindi na ang mga ito mamroblema sa paraan ng pagpapaunlad sa kanilang lupain at kung saan-saan tutungo para sa tulong.

“Madalas kasi hindi na priority ng farmers ang magtanong at lumapit sa pamahalaan para humingi ng tulong. So hindi nila batid kung anong mga serbisyo ang pwede nilang makuha,” paliwanag ni Nograles.

“Mabilis na access sa credit facilities para magkaroon ng salaping magagamit sa pagpapaunlad ng ani at pagkakaloob ng kagamitan sa pagsasaka, pati na rin ng technical assistance at edukasyon sa pananalapi ang ating prayoridad upang ma-tiyak na ang kabuhayan ng mga magsasaka ay umasenso.”

Idinagdag pa nito na ang pagbibigay ng mas madaling access sa pananalapi ay isa ring paraan upang hindi lumapit ang benepisyaryo sa mapagsamantalang nagpapautang o mauwi sa pagbebenta ng kanilang lupa.

Please follow and like us:
Read More

ISABELA NIYANIG NG 4.4 LINDOL

(NI KIKO CUETO)

NIYANIG ng magnitude 4.4 na lindol ang Isabela Lunes ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, nangyari lindol ng alas-8:28 ng umaga.

Nasukat ang sentro nito 33 kilometero southeast ng Palanan town.

Ayon pa sa Phivolcs, tectonic ang ang origin ng lindol at may lalim na 14 kilometer.

Hindi naman inaasahan na magkakaroon ito ng mga aftershocks.

Madalas ang lindol sa Pilipinas dahil nakalinya ito sa tinatawag na Pacific Ring of Fire.

Nitong nagdaang buwan, niyanig ang Mindanao ng sunud-sunod na lindol na pumatay sa 23 tao at daan-daan ang sugatan.

 

Please follow and like us:
Read More

MARTIAL LAW EXTENSION SA MGA PILING LUGAR SA M’DANAO IKINAKASA

martial law12

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY– Malaki umano ang posibilidad na ma-extend pa ang Martial Law sa Mindanao ngunit ipatutupad na lamang sa ilang piling lugar.

Una nang sinabi ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP) Sec. Carlito Galvez Jr., na kanilang inirekomenda na piliin na lamang ang mga lugar na isasailalim sa batas militar dahil may ilang lugar na sa Mindanao ang payapa at wala ng banta ng mga terorista.

Ngunit nilinaw ng opisyal na tanging ang mga ground forces pa rin ang makapagsabi kung kinakailangan na ipapatupad ang Martial Law dahil sila ang nakaaalam sa sitwasyon sa isang lugar kung may mga banta pa rin sa seguridad.

Ang desisyon sa extension ng Martial law ay nakatakdang desisyonan ng Kongreso bago magtapos ang kasalukuyang taon.

 

Please follow and like us:
Read More

CAGAYAN ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY DAHIL SA BAHA

ISINAILALIM ang lalawigan ng Cagayan sa state of calamity ngayong Biyernes dahil sa matinding pagbaha sa rehiyon.

Sa resolusyon na isinumite sa provincial board ng Cagayan, pinahintulutang gamitin ang local disaster funds para sa rehabilitasyon ng nawasak na ari-arian bunsod ng malawakang pagbaha.

Ayon sa Office of Civil Defense, nasa 12 bayan sa northern Cagayan ang nakalubog dahil sa ilang araw na malalakas na pag-ulan.

Umabot na sa 4,760 pamilya o 20,152 katao ang apektado sa pagbaha.

Tatlo katao na rin ang nasawi sa pagkalunod habang dalawa naman ang nasabi sa pagguho.

Please follow and like us:
Read More