DORMITORYO NG TRANSCO PARA SA FRONTLINERS

0

SA panahon ng malawakang sakuna at pangamba na dulot ng epidemya na tulad nang hinaharap ng Pilipinas ngayon, ang mga manggagawa sa sector ng kalusugan, ang pinakamahalaga.

Sila ang ­nangunguna sa pagharap sa pangangailangan ng taumbayan subalit dahil na rin sa karagdagang komplikasyon nang pagtigil ng pasada ng pampublikong mga sasakyan, isang malaking pasakit ang daramahin ng mga manggagawa sa sector ng kalusugan, upang mapagsilbihan ang mga mamamayan.

Upang matugunan ang hamon na ito, at sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterta, isinabatas ang “BAYANIHAN, TO HEAL AS ONE ACT” kung saan ang buong mekanismo at lakas ng pamahalaan at ng bawat sangay nito ay pinakikilos at pinapagtulong-tulong upang malampasan ng ­sambayanan ang krisis na kinakaharap nating lahat.
Isa sa mga adhikain ng batas na ito ay ang matugunan ang malaking hamon na humaharap sa ating mga kababayan sa sector ng kalusugan, kung paano maiibsan ang mga pasakit at sakripisyo nila, habang ginagampanan ang araw-araw na tungkuling alagaan at pagalingin ang mga kababayan nating biktima nang nakakahawang sakit na coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Bilang pagtugon sa ­hamong ito, ang National Transmission Corporation (TransCo), sa pangunguna ni Atty. Melvin Matibag at ng kalihim ng Kagawaran ng ­Enerhiya na si Alfonso Gaba Cusi ay nagpasimula ng ­programa kung saan ang mga manggagawa ng Lung Center of the Philippines at ng ­National Kindy Institute ay maaring tumira pansamantala sa ipinatayong dormitoryo ng TransCo.

Ang Heal As One ­Dormitory, na nasa loob ng ­Bantayog ng mga Bayani sa Quezon Avenue, ay malapit na malapit lamang sa sinasabing mga pagamutan. Ang nasabing dormitory ay may labing apat na silid at mahigit apatnapung kama kung saan  ­mahimbing na makapagpapahinga ang hanggang isang daan at dalawampung (120) manggagawa ng nasabing mga ospital. Kasama sa serbisyong ibibigay ng TransCo sa mga magiging bisita ay ang libreng pagkain ng almusal, tanghalian at hapunan at pagsundo at paghatid, gamit ang lahat ng sasakyan ng kawanihan.

Sa oras ng kanilang pamamahinga, maari din silang magsaya habang ginagamit ang iba’t ibang home entertainment system at cable tv na ipinakabit sa dormitory.  Kung nais din nila ng makabuluhang pagmumuni-muni, mayroong park at garden sa loob ng compound ng TransCo. Maaari din nilang bisitahin ang museo ng mga Bayani kung nais nilang mapukaw ang kanilang pag-iisip habang nagtatanggal ng pagod.

Ang lahat ng ito ay buong pusong ibinabahagi ng TransCo sa mga Makabagong Bayani ng  ating ­Inang Bayan.

Read More

PAGSASAPRIBADO NG NEGOSYO NG ELECTRICITY TRANSMISSION: MORE HARM THAN GOOD

0

HINDI lamang banta sa pambansang seguridad ng Pilipinas ang dulot nang pagsasapribado ng negosyo ng electricity transmission kung hindi  sa posisyon ng pananalapi ng pamahalaan para sa pagbabayad ng pagkakautang nito sa panlabas.

Ang tagapangasiwa at pagmamay-ari ng ­transmission grid ay nakaatas sa isang Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) at ito ang National Transmission Corporation o TRANSCO.

Sa kasalukuyan, ang pag mamay- ari nito, para sa kaalaman ng marami, ay nananatili sa pamahalaan o sa taumbayan. Ngunit makikita natin na ang pakinabang nito ay nawala sa taumbayan at ipinasa lamang sa iilang mga ­negosyante na mabibilang natin sa daliri ng ating isang kamay.

Bago pa isapribado ang operasyon ng TransCo , ito ay kumikita, bayad lahat ang mga pagkakautang at ito ay pinapatakbo ng Pinoy engineers sa isang operating system na pinili ng mga ito.

Noong 2007, ang ­negosyo ng transmission ay pina-bid sa National Grid Corporation of the ­Philippines sa halagang P168.8 bilyon para sa 25 taong operasyon nito.

Sa operasyon ng ­sampung taon (10 years) ng NGCP, ito ay kumita na ng halagang P206 ­bilyon at nakapagremit na sa ­negosyante nito ng halagang P187.84 bilyon.

Ang apatnapung ­porsiyento (40%) o P75.14 bilyon ng remittance ay napunta sa State Grid of China at ang nalalabing animnapung porsiyento (60%) o P112.7 bilyon ay napunta sa ­dalawang Filipino-Chinese na nagmamay-ari ng NGCP.

Makikita rito na sampung taon pa lang ay mas malaki na ang naibulsa ng mga ­pribadong ­negosyante kaysa sa binayaran na karapatan nito sa negosyo (P168.8 ­bilyon) na binigay sa dalawapu’t limang taon (25 years).

Ayon sa pag aaral ng mga datos sa operasyon ng TRANSCO, bago ito ­isinapribado, ay may mga cash surplus na ito.

Sa pag-tantiya, kung hindi ito isinapribado, sa  tagal na 2009-2018 ang pamahalaan ay mayroon sanang cash surplus na nagkakahalaga sa P112.7 bilyon na pinakinabangan dapat ng lahat ng mamamayang Filipino at hindi ng iilan kung saan mas nakalalamang pa ang mga dayuhan. ATTY. RED TUAZON

 

Read More

BLACKOUTS NA PWEDENG GAWIN NG CHINA MAS DAPAT KATAKUTAN

0

ISA sa pagkakamali sa pagsasapribado ng TRANSCO ay ang pagsama ng System Operation sa Transmission Network. Sa buong mundo na nagrestaktura at nagsa­pribado ng industriya ng kuryente, maliban sa Pilipinas, ang tungkulin ng System Operation na may kontrol sa buong pasilidad ng kuryente ay hiwalay sa Transmission Network at hindi nawala sa kontrol ng gobyerno.

Ang Transmission Network o mga linya at substation lamang ang ipinamahala sa pribado. Ang kontrol ng System Operation ay naisasagawa sa pamamagitan ng telekomunikasyon at remote control na tinatawag na Supervisory Control and Data Acquisition o SCADA. Dahil sa pagsulong ng teknolohiya, ang makabagong SCADA ngayon na kontrol ng telekomunikasyon ay meron din daanan ng internet. Kaya nga naging malaking usapin sa buong mundo nang pinatay ang kuryente at nagparalisa sa 20% porsyento ng bansang Ukraine noong Disyembre 2015 at Disyembre 2016 ng hackers na pinaghihinalaang mula sa bansang Russo na nakapasok at nagkontrol ng SCADA sa kabila ng tinatawag na Virtual Private Network (VPN) cybersecurity sa internet.

Malala ang sitwasyon ng bansang Pilipinas dahil sa pamamagitan ng kontrol ng gobyerno ng China sa NGCP, kahit ito ay 40 porsyento lamang, hindi na kakailanganin i-hack sa internet ang SCADA ng NGCP. Ang susi para makontrol ang SCADA at i-blackout ang buong bansa ay ibinigay ng NGCP sa gobyerno ng China nang kanilang palitan yung SCADA ng TRANSCO ng Chinese brand na “NARI” na ang computer program ay sinulat sa lingwaheng Chinese, kahit ang operating manuals pa nito ay isinalin na sa Ingles.

Bukod sa Chinese ang Chairman ng Board, ang mga nagsilbing ehekutibo ng NGCP ay mga Chinese din. Sa katunayan, si Mr. Wen Bo na isang mamamayan ng China (hindi Pilipino) na nagsilbi bilang Chief Technical Officer kahit labag sa Konstitution ng Plipinas ang pumirma sa napakarami at bilyon-bilyon pisong kontrata ng NGCP sa kumpanyang Chinese na nagpalit ng mga equipment na gawa sa Europa, America at Japan. Kasama sa pinalitan ang SCADA.

Sino ba ang State Grid Corporation of China (SGCC) na may-ari at namumuno ng NGCP? Ang SGCC ay isa sa pinakamalaking ­kumpanya ng gobyernong China na ­nauugnay sa mga ahenysang militar at at intelehensya na dala ang teknolohiyang Huawei na pinagbawal sa Estados Unidos ng Amerika at iba pang bansa katulad ng Australia dahil sa kanyang kaugnayan sa People’s Liberation Army (PLA) na China. Ang State Grid ay nagmamay-ari at may kontrol din sa mga kumpanya na may kaugnayan sa militar ng China kasama ang China Electric Equipment and Technology, China Electric Power Research Institute, State Grid Electric Power Research ­Institute. Isa sa mga ­kumpanya ng State Grid ay ang Nanjing Nanrui Group na mas kilala sa tawag na NARI. Ang NARI ay ­technology partner sa Beidou satellite project ng China na gagamitin sa ­“intelligence ­collection”. Ang Beidou project ay pinapatakbo ng NORINCO, taga-gawa ng mga sandatang militar na suportado ng PLA. ATTY. RED TUAZON

 

Read More