LASING BINAUNAN NG BALA

0

DAVAO del Sur – Patay ang isang 38-anyos na lalaki sa insidente ng pamamaril sa lalawigang ito.

Nangyari ang insidente sa Purok 2, Brgy. Pitu, alas-11:20 ng gabi noong Miyerkoles, Agosto 19.

Sa ulat ng Malalag Municipal Police Station, kinilala ang biktimang si Warren Alayosa Caἧabano, residente sa lugar.

Ayon kay Lieutenant Sandique Solaiman, officer-in-charge ng pulisya, huling nakita ang biktimang lasing habang tumatagay malapit sa bahay ni Christopher Derecho, 42-anyos, may asawa at empleyado ng lokal na gobyerno.

Ngunit walang nakakita kung sino ang bumaril sa biktima gamit ang .45 kalibreng baril.

Patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng mga awtoridad para madakip ang suspek at upang mabatid ang motibo sa krimen. (DONDON DINOY)

Read More

LIGWAK NA RAW SINA JENNYLYN MERCADO AT SUNSHINE DIZON SA GMA -7?

0

May malakas na ugong-ugong sa socmed ngayon na ganito ang takbo: May dalawang home-grown talents daw ang Kapuso Network na hindi na ire-renew ang contract. Blind item ito actually pero madali namang hulaan dahil sa clues na ibinigay.

So, how true na end of the road na ito sa pagiging Kapuso talents nina Jennylyn and Sunshine Dizon?  Hindi po namin ito kino-confirm. Nagtatanong lang po.

MALALAOS ANG MAG-NEGA KAY PRES.DIGONG SABI NI ARNELL IGNACIO

Dumaraming artista lately ang sumasawsaw sa mga isyung politikal online. Nothing wrong with that. If they want to express their sentiments, why not? But of course, may consequences ‘yan. They should be prepared to be bashed or, sabi nga ni Arnell Ignacio, be prepared for the consequences nito sa inyong mga career.

Lately kasi ay nakisawsaw na rin si Jennylyn sa mga political issues at nagbigay ng unsolicited advice  si Arnell sa aktres. Bilang sagot (although hindi binanggit ng Kapuso actress si Arnell ), nag-post si Jennylyn ng: “May qualification ba dapat bago ka magkaroon ng karapatan na magkomento sa mga isyung panlipunan? Hindi ba sapat na mamamayan ka ng Pilipinas at nagbabayad ka ng buwis? Bakit kung kelan pandemya na lahat tayo ay apektado saka ang iba ay pilit na pinatatahimik?”

Sa isang panayam sa DZRH recently, ipinaliwanag ni Arnell ang kanyang sinabi.

“Kung ikaw, artista, at nagsimula kang makipagdiskusyon sa mga bagay-bagay na politika, paano ka gaganap ng roles mo uli na madali kang tanggapin ng iyong mga tagahanga?

“Gaano ba kabigat ang gusto mong ipaglaban to put your career sa line? Meron ka bang malalim na ipinaglalaban? “Kasi, kung wala rin naman, bakit isasakripisyo yung career mo na makipagdiskusyon sa ganyan?”

Ganito lang naman ang punto ni Arnell: Is it really worth it? Is it necessary? Hindi ba kayo nanghihinayang sa careers ninyo?

Because whether you admit it or not, going against a still very popular president is an unwise move. You’ll definitely lose a substantial number of followers. At maaaring ang consequence nito ay mag-flop ang mga future projects ninyo.

Kayo rin!

Read More

In denial pa rin VICE GANDA ‘DI TANGGAP ANG PAGKA-LAOS ‘NYA

0

Bilang pagpapatunay na hindi pa raw  laos si Vice Ganda ay  magkakaroon siya ng show sa digital platform titled “Gabing Gabi Na Vice. ”

Para raw tuloy ang paghatid ng aliw sa marami dahil na nga sa nararanasan nating pandemya kasabay din ang pag-shutdown  ng ABS-CBN.

Very excited si Vice para sa kanyang bagong show. Sabi naman ng ilang detractor ‘nya, “wala na good as dead duck na ang celebrity horse ng showbiz.” Pero sabi naman ng mga maka-Vice, ” sasabog daw sa katatawanan ang hatid ni Vice para sa mga manonood.”

Ayon pa sa kanya, wala pa man ang COVID-19 ay matagal na raw niyang pinag-iisipan ang magkaroon ng content sa digital space.

“Actually, mayroon na ako dati na parang website, iyong viceganda.com, pero hindi ko siya na- maintain.  Parang ganito rin ‘yung objective noon, pero hindi ko siya na-maintain, hindi ko siya nalagyan ng content, so nadeadma lang siya, nawala na lang siya nang kusa sa domain, sa online universe, ” sabi pa ‘nya.

“Hanggang one day bumalik sa akin ang ganitong idea, ” pagkukwento pa niya.  “Sa totoong lang aminin nating halos wala talaga tayong  nagawa nung time ng lockdown,” sabi pa niya.

So kailangan raw na makahanap ng paraan kung paano  makaka-reach out sa audience. Isa pa  ‘yon daw ang sinabing  directive sa kanya ng ABS-CBN. Sabi raw sa kanya ni Cory Vidanes na you need to

find a way to reach out to your audience. Kaya malaki raw  ang pasasalamat ni Vice  kay  Vidanes at sa mga friend nila  para mabuo ang konsepto na ito ng nasabing show.

Malaki naman ang expectations ni Vice na marami talagang manonood ng kanyang bagong digital show.

Pero sabi pa rin ng kanyang mga  detractor in denial pa rin si Vice Ganda as in hindi pa rin ‘nya matanggap na tapos na ang masasayang oras ‘ nya at ng kanyang mga kasamahan.

What goes up must go down. Pero hopeful  pa rin talaga si Vice na papatok pa rin siya sa  digital platform.

Mas masaya raw kung marami tayong makakasama sa nasabing platform.

Open ba ang show ‘nya  sa lahat ng artista na pwedeng mag guest sa kanya?

Halos lahat daw ng artista ng Kapamilya network ay na i-guest na niya sa Gandang Gabi Vice, pero sa pamamagitan ng online show niya ay may wish list siya para   makakausap as in mainterbyu niya ang mga taga-Kapuso network tulad  nina Heart Evangelista, Marian Rivera, Dingdong Dantes, etc.

‘Yan kung papatulan siya ng mga taga- kabilang network. Layunin din ni Vice Ganda na tulungan ang mga kasamahan niyang stand-up comedians na nawalan ng

pagkakakitaan. Alam naman ng lahat kung saan si Vice nagsimula sa pagiging host niya sa mga komedy bar.

Dagdag pa  ‘nya:,  “Kasama iyon sa secondary objectives ko. First, ang objective ko nga is to make my audience happy. To make my followers happy. Second, ang mga baklang stand-up comedians.

Kasi, hindi pa man nagkakaroon ng problema ang ABS-CBN, hit na talaga ang mga komedyante sa mga bar,”pagdidiin pa ‘nya. (Throy Catan)

Read More

Takot maaresto JANE ‘DARNA’ DE LEON WA-JOIN SA NOISE BARRAGE NI ANGEL LOCSIN

0

May mga lumutang noong tsika na papalitan na ng dating Miss Universe na si Catriona Gray si Jane de Leon bilang Darna.

Pero ayon sa reliable source sa Star Cinema, tuloy pa rin daw si Jane sa pagganap ng nasabing iconic role na nilikha ng batikang nobelistang si Mars Ravelo.

Bago pa nagkaroon ng Covid-19 at lumaganap ang pandemya, maraming pagbabago ang dinaanan ng nasabing proyekto.

Una, ang tinaguriang real-life Darna dahil sa kanyang pagtulong sa mga biktima ng pandemic na si Angel Locsin ang napusuang gumanap nito. Ididirehe sana ito ni Erik Matti noong 2014.

Noong 2015, nag-back out si Angel for health reasons dahil sa kanyang  spine injury.

Last year lang, inihayag na si Jane de Leon na ang bagong Darna.

Bagamat nakapagsimula na ito ng principal photography, naudlot din ito dahil sa Covid-19 pandemic.

Nabitin pa man ito sa balag ng alanganin, hopeful naman ang mga taga Star Cinema na maitutuloy ang shooting nito pagkatapos ng pandemya.

Kamakailan lang, naging kontrobersyal din si Jane dahil pinarunggitan ito ng ilang bashers kaugnay ng kanyang pananahimik sa kaso ng non-renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Paliwanag naman niya, may kanya-kanyang paraan ang bawat tao ng pagbibigay ng suporta na hindi naman kailangang hayagan.

Kasama raw ang mga ito sa kanyang mga dalangin.

Malaki rin daw ang utang na loob nito sa Star Cinema, sister company ng ABS-CBN dahil ito ang nagbigay ng pagkakataon sa kanya para matupad ang kanyang pangarap na maging Darna.

Sa panahon ng pandemya, importante rin daw na unahin din niya ang kalusugan niya at ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng pag-oobserba ng proper health protocols tulad ng physical distancing kaya iwas muna siya sa mass gatherings. Oo nga naman any moment maaresto pa siya for violating pandemic protocols. (Archie Liao)

Read More

NEW YORKER ROMMEL RICO Paints for children with HIV

0

Some artists continue to create works of art despite the pandemic brought about by the Covid-19 virus.

This happened to Fil-Am based visual artist Rommel Rico  from New York City who returned recently to the country for a fund-raising one-man exhibit of his art works , but was   put on hold due to the pandemic.

Earlier, Rico had a successful one-man exhibit showcased at  Pfizer Headquarters lobby, 42nd St.,   New York.

He was highly acclaimed there by some aficionados and  art critics of New York for his brush works with distinct Mediterranean allure and  appeal of his diverse subjects: Caucasians or  Filipino women from his fabled hometown Sibuyan Island of Masbate  Province.

Keeping in mind the protocols of the pandemic, he emblazoned instead his painterly works on high quality T-shirts into fashionable and wearable  objects of art.

His customized designs were modeled by charitable-minded ladies from the corporate world namely, Carmie De Leon, VP for sales and marketing of  Healthway Medical; Candice Zialcita, founder of  Sauce and Source Business Solutions Studio, Inc.; Cathy Brillantes-Turvill, CEO of Nurture

Wellness Village; and  Joy Subalisid,  grand winner of Shawn Rhoden International Competition for body building.

The fundraising initiative is geared for the Duyan Project of the Project Red Ribbon Care

Management Foundation, Inc., one of   the country’s leading foundations for children with HIV who are misplaced in care centers for adults with the same affliction. (George Vail Kabristante)

Read More

JANE DE LEON, NAAAWA SA MGA BAGUHANG ARTISTA NG ABS-CBN

0

LABIS na ikinalungkot ni Jane de Leon ang nangyari sa maraming baguhang artists ng ABS-CBN sa pansamantalang pagkakasara ng TV network noong May 5, 2020 dahil sa bisa ng cease and desist order na inisyu ng National Telecommunications Commission (NTC).

Si Jane ay ilan lamang sa mga baguhang artista na nagsisikap makagawa ng pangalan sa tulong ng ABS-CBN, pero dahil nagsara ang istasyon, wala pang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa kanila.

“Sobrang nalungkot po ako nung nag-sign-off na ang ABS-CBN dahil hindi pa po ako makapaniwala na wala na, nagsara na ang network,” lahad ni Jane na gumaganap bilang bagong Darna pagkatapos tanggihan ni Liza Soberano ang role dahil sa health issue.

Dugtong ni Jane, “I also felt sad to those working in ABS-CBN, who are dependent of their family’s needs sa company, kasi ‘yun lang ang kanilang source of income. Naisip ko po kasi kung papaano na nga naman sila lalo na at nandito tayo sa sitwasyong limitado po ang lahat ng ating mga galaw.

“And of course, naisip ko rin ‘yung kapwa ko artists din, mga baguhan na nag-uumpisa pa lang buuin ang kanilang mga pangarap sa buhay kagaya ko po. Paano na po sila? Ano na ‘yung mangyayari sa amin?”

Habang hinihintay ni Jane na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN at muli itong makapag-operate ay ibinahagi ng dalaga sa PUSH kung ano ang plano niyang gawin.

“My plan is just to continue doing what is required of me by the management and Darna production. Like, I’ve been regularly doing workout po while on quarantine,” sambit ng dalaga.

“I am also active on social media lalo na ngayon na pinayagan na rin akong mag- vlog which excites me kasi iniisip ko na rin po kung ano ang magiging first content ko.

“Nagsimula na rin po akong mag-post ng mga Tiktok videos ko na ginawa ko during quarantine,” pahayag pa niya.

Ayaw naman munang mag-comment ni Jane sa plano ng Star Cinema tungkol sa Darna at kung kailan ito magre-resume ng shooting.

DIRECTOR, NAGPALIWANAG SA KANSELASYON NG ‘MAKE IT WITH YOU’

Hindi kasama ang teleseryeng “Make It With You” na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil, sa mga programang muling mapapanood sa bagong Kapamilya Channel sa cable and satellite TV habang sarado pa ang ABS-CBN dahil sa cease and desist order na iisyu ng NTC noong May 5, 2020.

Ang isa pang programa na hindi na rin magbabalik sa ere ay ang late afternoon series na “Pamilya Ko” na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Sylvia Sanchez.

Wika ng manager ni Liza na si Ogie Diaz sa kanyang Facebook post, “Sa mga nagtatanong kung bakit hindi nakasama ang ‘Make It With You’ sa magbabalik sa telebisyon ngayong June… Ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo bilang manager ng isa sa bida (si Liza Soberano), na hindi na po ito mapapanood pa”.

Dagdag pa niya, aware din daw ang buong cast sa balitang ito pero hindi raw dapat malungkot ang fans ng LizQuen dahil magkakaroon naman ulit ng bagong teleserye ang dalawa in the future.

Nagpaliwanag din ang director ng LizQuen series na si Theodore Boborol kung bakit hindi na mapapanood ang serye.

“Believe me. It was also hard for everyone. Decisions had to be made. We respect and understand why it ought to be done,” lahad niya.

Samantala, ang mga teleseryeng “Love Thy Woman” (nina Kim Chiu, Xian Lim, Christopher de Leon, Eula Valdez, atbp), “A Soldier’s Heart” (nina Gerald Anderson, Sue Ramirez, Nash Aguas) at “FPJ’s Ang Probinsyano” (ni Coco Martin) ang siguradong muling mapapanood sa Kapamilya Channel simula June 13.

Read More

JAY-R: ‘I WAS DISAPPOINTED THAT A LOT OF MY WORK GOT CANCELLED!’

0

NOONG  Linggo ng gabi ay nagsimula na ang online show mula sa Cornerstone Entertainment na ‘Soul in Love Live’ tampok si Jay-R. Mapapanood din sa bagong online show ang iba pang concert artists ng Cornerstone sa mga susunod na Linggo.

Para sa R&B singer ay medyo nakapaninibago ang kanyang trabaho ngayon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. “People can expect a taste of the new normal for entertainment.

We’ll just gather on social media with my shows every Sunday.

What I enjoy most is that it’s from home. I get to stay comfortable to watch or perform in an online show.

It’s also more comfortable because I can go at my own pace. But I miss the interaction with the crowd where I can hear them singing along or see the smiles on their face when I sing to them,” pagbabahagi ni Jay-R.

Matatandaang tatlong buwan pa lang ang nakalilipas nang magpakasal ang singer at ang aktres na si Mica Javier. Ayon kay Jay-R ay nagpaplano pa lamang sila ni Mica na makapag-honeymoon kapag naging normal na lahat dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa.

“We were planning on saving up again before going on a honeymoon.

The only problem now is when will we be able to work again to be able to save up.

I was disappointed that a lot of my work got cancelled.

My business had to close down as well. No income was being generated.

But I am thankful to Mica, myself, our family and friends are all healthy,” pahayag ng singer.

Samantala, nakatrabaho ni Jay-R si Ylona Garcia para sa music video ng single ng
dalaga na ‘Walk In My Timbs’ ilang buwan na ang nakalilipas.

Para sa R&B singer ay isa si Ylona sa mga mayroong kakaibang boses sa kanyang henerasyon.

“My collaboration experience with Ylona is very pleasant and easy. She has a one of a kind voice and her writing ability is phenomenal. I actually learn from her as well.

We teach each other. You’ll be seeing more of our team up in the near future,” paglalahad ni Jay-R.
-Reports from JCC-

Read More

POKWANG AT LEE, BONDING NGAYON ANG PAG-AALAGA SA ANAK

0

SOBRANG tutok ngayon sa pag-aalaga ng kanilang anak na si Malia sina Pokwang at Lee O’Brian. Stranded sa probinsya ang kasamahan ng magkasintahan sa bahay kaya nagsisilbing bonding umano ang pag-aalaga sa bata. “Yes, bonding talaga namin. Hands-on kami ngayon dahil wala ang kanyang yaya,” nakangiting pahayag ni Pokwang.

Dalawang taong gulang na ngayon si Malia. Limang taon na ring magkarelasyon sina Pokwang at Lee pero mayroon pa ring ilang kumukuwestiyon kung talagang tunay ang hangarin ng aktor sa komedyana. “Actually hanggang ngayon, pinagdaraanan pa rin namin ‘yan eh. ‘Yung mga sinasabi na, ‘Naku! Gagamitin ka lang niyan,’ mga ganon. ‘Yung hindi sila maka-move on sa gano’n. May anak na kami, hindi pa ba sapat na patunay ito na talagang nagmamahalan kami?” paglalahad niya.

Ayon kay Pokwang ay malaki rin naman ang isinakripisyo ni Lee nang iwan ang pamumuhay sa Amerika upang makapagsama na sila sa Pilipinas. Dahil dito ay ramdam na ramdam umano ng aktres ang pagmamahal ni Lee sa kanilang mag-ina. “’Yung iniwan niya ‘yung kung ano ang meron siya doon at hindi niya alam kung ano ang haharapin niya dito, ‘yung mga gano’n. Pero ako, deadma na lang kami kasi mas kilala naman namin ang isa’t isa eh, at iyon ang importante,” giit ng aktres.

Matatandaang unang nagkakilala ang dalawa nang magkasama sa shooting ng pelikulang ‘Edsa Woolworth’ noong 2014. Ngayon ay respeto lamang ang tanging hinihiling ni Pokwang sa mga taong patuloy na kumukuwestiyon sa pagmamahalan nila ni Lee.

-Reports from JCC-

Read More

JODI: ‘HINDI AKO MAGMAMARUNONG SA BATAS!’

0

Sa pangalawang pagkakataon ay naging moderators kaming muli ni Bianca Gonzalez noong Martes ng gabi sa ginanap na ‘Laban, Kapamilya’ online event sa pamamagitan ng Facebook live. Isa si Jodi Sta. Maria sa mga Kapamilya stars na nagbigay ng mga saloobin tungkol sa pagpapasara ng ABS-CBN dahil sa kautusan ng National Telecommunications Commission. Matatandaang napaso na ang prangkisa ng Kapamilya network noong May 4 at kinabukasan ay pinatigil na ito sa operasyon. “Parang in denial ako, nangamba, natakot. Siguro nagalit din ako sa naging desisyon nila na ipasara ang tinuturing naming pangalawang tahanan,” bungad ni Jodi.

Kahit nakaramdam ng takot na ma-bash online ay mas pinili ng aktres na magbigay ng kanyang opinyon tungkol sa pagpapasara sa Kapamilya network. Lumakas ang loob ni Jodi na magsalita nang mabasa ang isang kataga mula kay Martin Luther King na ‘Our life begins to end the moment we become silent about the things that matter.’ “That gave me courage and that is the reason why I am speaking up. Hindi ako magmamarunong sa batas. May mga eksperto tayo diyan,” giit niya.

Mahigit dalawang dekada nang nagtatrabaho sa ABS-CBN si Jodi kaya naman talagang malaki na ang naitulong ng kompanya sa kanyang pamilya. Maraming mga bagay din ang natutunan ng aktres dahil sa pagiging isang Kapamilya star. “I can honestly say na bukod sa family ko, malaking parte ang ABS-CBN sa paghubog ng pagkatao ko. Bilang tao, bilang babae, bilang Pilipino na nagmamahal sa pamilya, sa bayan at sa kapwa tao. Natutunan ko ang rason kung bakit nag-e-exist ang ABS-CBN. Nakita ko na it’s because of love and service. Nakita ko, naramdaman ko personally, kung paano ako minahal ng pangalawa kong tahanan. Nakita ko kung paano nila alagaan at mahalin ang mga empleyado nila. Nakita ko kung paano nila mahalin and to be of service sa sambayanang Pilipino. ‘Yung iba dito na nagkaisip, ‘yung iba gumradweyt ng kolehiyo, ang unang trabaho nila sa ABS-CBN. ‘Yung iba naman dito na nakabuo ng pamilya. For most of us, tahanan po ang tingin namin sa ASB-CBN, pamilya po kami dito. Kung hindi po namin mahal ang ABS-CBN hindi po kami masasaktan nang ganito. Bread and butter po ito ng lahat ng nagtatrabaho dito. Hindi po perpekto ang ABS-CBN pero ang tanong ko, ang pagpapasara ba ng ABS-CBN ang solusyon?” paglalahad ng aktres.

Sa gitna ng lahat ng argumento tungkol sa pagkakasara ng ABS-CBN ngayon  ay mas pinipili na lamang ni Jodi na ipagdasal na maging maayos na ang sitwasyon ng lahat. “I pray that we become sensitive to the feelings of other people. I don’t understand how other people can find joy in the misery and suffering ng ibang tao. I pray for sensitivity. I also pray that we find healing as individuals, as people, as a nation. It is my prayer that we all heal emotionally, mentally and spiritually from this. Hindi po ito magiging posible kung hindi natin paiiralin ang pagmamahal. Hindi po ito magiging posible kung hindi natin isasaalang-alang kung paano natin maaaring pagsilbihan ang isa’t isa,” makahulugang pahayag ni Jodi.

 

-Reports from JCC-

Read More