MyPhone releases first model among upcoming ‘waterdrop series’

0

Following the teasers posted on MyPhone’s social media pages, the newest affordable Android phone ‘for the neXt generation’ has finally arrived.

Introducing MyPhone myWX1 Plus, an elegant and welcoming Android phone that offers a reliable mobile experience as it is the first waterdrop Android phone off the WX Series available in the market.

Although myWX1 Plus is not the first waterdrop Android phone from MyPhone – credits to the eversophisticated myX12 – MyPhone Vice President Kevin Tan said that this entry-level phone is ideal for the bagets market.

“As a Filipino phone brand, we want our younger market to have and own a phone that fits their mobile needs,” Tan said.

VP Kevin Tan also said that ‘younger generations do not need to have expensive phones’.

“They do not have much things to do yet with their phones except for communication and socializing,” he said. “With the new MyPhone waterdrop series, they can maximize these phones through communication and social media,” Tan added.

Among its featured specifications are the 5.71” HD+ Waterdrop IPS Display which gives a wider viewing experience, 1.4GHz Quad-Core processor, 13MP AF Main Camera and 8MP Front Camera, 3,000mAh Battery, Dual 4G LTE SIM slot, a fingerprint sensor, and supported by Android™ 10.

Aside from myWX1 Plus, a lighter and two upgraded versions of the phone model will be available soon for a very affordable price.

myWX1 Plus is now available at select MyPhone kiosks, concept stores, and multi-brand phone stores for only P3,099. Also available in 3 colors: Black, Gray, and White.

For more information about the release and availability of myWX1 Plus and its series, like and follow MyPhone’s official Facebook, Instagram, and Twitter pages or visit www.myphone.com.ph.

Read More

KonekTayo School Bus WiFi inilunsad ng Globe sa Maynila

0

OPISYAL na inilunsad kahapon ng Globe Telecom ang School Bus WiFi program sa lungsod ng Maynila.

Hudyat ito ng bago at mas malaking.bisyon ng Globe at KonekTayo WiFi na magkaloob ng mabilis, maaasahan at murang internet connectivity sa underserved markets sa lokalidad.

Gamit ang KonekTayo WiFi, nag-deploy ang Globe ng mga school bus na nilagyan ng special antennas na magpapakalat ng WiFi signal mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi, Lunes hanggang Linggo, sa mga covered area, kabilang ang Pasaje del Carmen St., Remigio St., 853 Gonzalo Gil Puyat St., 924 Bilibid Viejo St., Tomas Mapua St., Alfonso Mendoza St., Dalupan St., Oroqueta St., at Basco St. sa Maynila.

Libre ang paggamit ng KonekTayo WiFi service para sa unang oras para sa public school students at teachers sa lungsod na pinagkalooban ng 289,000 Globe SIM cards.

Sa pamamagitan ng School Bus WiFi campaign ay natutulungan ng Globe ang mga school bus operator na ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ay naapektuhan ng pandemya.

Sinabi ni Jaime Augusto Zobel de Ayala, Ayala Corporation Chairman and CEO at Globe Telecom Chairman na, “Against the backdrop of COVID-19, internet access has become a lifeline more than a luxury. Internet access is needed by students to pursue online education, by workers to continue earning a living while working from home, by families to stay connected with each other.

With Globe’s School Bus WiFi in the City of Manila, we are able to help in ensuring that residents have access to affordable WiFi connectivity. We look to partner with other local governments to expand this initiative.”

Ayon naman kay Ernest Cu, Globe President and CEO, “We recognize the difficulties faced by the private school transport industry, especially now that classes have started. We sought to develop an innovation that will not only provide this industry with a new opportunity, but will also bring connectivity to students and communities in areas that need it most.”

Dating kilala bilang KapitWiFi, ang KonekTayo WiFi ay isang ‘fast and secure community WiFi service‘ na naglalayong magkaloob sa mga kabahayan ng abot-kayang internet.

Ang School Bus WiFi campaign ay bahagi ng mas malaking layunin ng KonekTayo WiFi na gawing mas accessible ang internet connectivity sa underserved families at communities sa buong bansa.

Sa KonekTayo WiFi, kailangan lamang kumonekta ng mga customer sa isang KonekTayoWiFi hotspot, bumili ng promo at mag-surf buong araw.

Available sa lahat ng mobile networks, ang KonekTayo WiFi ay hindi nangangailangan ng device cashouts monthly fees at modems.

Sa School Bus WiFi Project, ang mga estudyante o ang mga naka-work from home ay maaaring maka-avail ng KonekTayo WiFi service sa halagang P15 lamang kada araw.

Read More

PAGPAPAILAW NG COVID-19 TREATMENT CENTER SA IMUS, HATID NA TULONG NG MERALCO PARA SA MGA CAVITEÑO

0

Puspusan ang pagta-trabaho ng mga kawani ng Meralco upang mabigyan ng ligtas at maaasahang serbisyo ng kuryente ang United Imus Doctors Inc., isa sa mga COVID-19 treatment facilities na matatagpuan sa Lungsod ng Imus, Cavite.

Kasama sa proyektong ito ay ang pag upgrade ng metering facilities, pagtayo ng dalawang concrete poles, at ang pagpalit sa dalawang 75-kVA distribution transformers ng tatlong 250-kVA distribution transformers.

Ang pagbibigay ng maaasahan at tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa mga quarantine at treatment facilities ay isa sa mga priority projects ng Meralco ngayong taon, patunay sa walang humpay na suporta ng Meralco sa gobyerno at sa pribadong sector laban sa pandemyang COVID-19.

Read More

GLOBE MAY LIBRENG WI-FI SA QUARANTINE AREA SA CLARK CITY

GLOBE-1
0

BILANG bahagi ng kanilang pagsisikap na suportahan ang government-designated quarantine facilities, ang Globe ay magkakaloob ng libre, maaasahan at mabilis na internet access sa We Heal As One Center-National Government Administrative Center (NGAC) sa New Clark City.

Magbibigay ang Globe ng libreng wi-fi para sa mga uuwing overseas Filipino workers (OFWs), at sa mga nurse, doktor at iba pang medical staff sa pasilidad na ginawang quarantine area.

“We acknowledge the essential need to provide mobile and internet services in areas for healing including designated quarantine centers, especially for our OFWs. Globe is committed to assist fellow Filipinos in this time of great need,” pahayag ni Yoly Crisanto, Globe SVP for Corporate Communications.

Bukod sa internet access, tumulong din ang Globe sa pagtatayo ng Central Operations Center of Network ng NGAC.

“At the We Heal as One Centers, patients are given the utmost care. Aside from round-the-clock medical care, our facilities provide free meals and are equipped with fast internet connection, allowing the patients to talk to their loved ones. We want to make sure that while they are in these facilities, the only thing they would have to focus on is getting better,” sabi ni National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon. Si Dizon ay President and CEO din ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Ang NGAC sa New Clark City ay itinayo bilang back-up facility ng national government agencies upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon sa panahon ng kalamidad.

Bahagi ito ng Phase 1A ng proyekto, na kinabibilangan din ng sports facilities na ginamit sa 2019 Southeast Asian Games. Isa sa sports facilities, ang Athletes’ Village, ay kasalukuyan ding ginagamit bilang temporary quarantine facility.

Bukod sa NGAC, ang Globe ay nag-donate ng milyon-milyon sa iba’t ibang ospital at medical facilities sa buong Metro Manila at sa key provinces ng Luzon sa pamamagitan ng Globe Rewards Program nito.

Nagbigay rin ang kompanya ng GoWiFi access, signal boosters, Personal Protective Equipment (PPEs), face shields, food packs at preloaded mobile devices na may unli all call at text sa loob ng 45 araw sa medical frontliners sa mga piling ospital at government-designated quarantine facilities.

Read More

GLOBE NAG-DONATE NG GADGETS, FOOD PACKS SA TAGUIG VS COVID-19

0

PINALAKAS ng Globe ang iba’t ibang inisyatiba ng Taguig City para maibsan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa mga residente at premier business center nito, ang Bonifacio Global City.

Ang kompanya ay nagkaloob ng mobile device kits na may load na all net call at text sa loob ng 45 araw sa Manila Naval Hospital sa Fort Bonifacio para padaliin ang komunikasyon sa frontliners nito na naka-duty, pabilisin ang komunikasyon kapag may emergency at panatilihin silang updated sa kanilang mga mahal sa buhay.

Nagkabit din ng GoWiFi sa ospital at sa St. Lukes BGC para sa madali, maaasahan at mabilis na internet para sa frontliners, mga pasyente at kanilang mga mahal sa buhay.

Ang  Manila Naval Hospital ay binigyan din ng Personal Protective Equipment (PPEs) gaya ng suits, face shields at surgical masks para mabawasan ang exposure ng kanilang health workers sa coronavirus. Nagkaloob din ng face shields sa St. Lukes BGC.

“This is our little way of showing our appreciation and gratitude to the City of Taguig which has been the home of our corporate head office. We are one with the Taguig local government in its efforts to keep its residents safe and healthy during this time of the pandemic,” wika ni Yoly Crisanto, Globe SVP for Corporate Communications and Chief Sustainability Officer.

Nakipagsanib-puwersa rin ang Globe sa Fort Bonifacio Development Foundation Inc. sa pamamahagi ng mahigit 4,000 relief packs na nagmula sa Entrego – Lawson sa mahihirap na komunidad sa Taguig tulad ng Brgy. Ibayo, Lower Bicutan, Katuparan, at Brgy. Ususan.

“Malaking pasasalamat ang gusto kong ipabatid sa Globe – Ayala para sa mga natanggap namin na goods, bigas, delata, at coffee.

Salamat po sa Taguig LGU kasi hindi po nila kami pinapabayaan sa kabila ng pandemic na ito. Thank you,” pahayag ni Jeamer Guerra, isa sa mga residente na nakatanggap ng relief pack. Bukod dito, magkakaloob din ang Globe ng meals para sa Fort Bonifacio frontliners, gayundin ng thermal scanners para sa high foot traffic areas gaya ng groceries/mall areas, transport terminals, at bus stops sa Taguig para makatulong sa pagtukoy sa mga indibidwal na maaaring may lagnat.

Read More

LOPEZ, ‘KALAHATING’ FILIPINO NA NGA HINDI PA TAPAT NA PINOY

0

KALAHATING Filipino na nga si Eugenio “Gabby” Lopez III, hindi pa ito tapat sa pagiging Filipino.

Sa esensya, ito ang punto ni Supreme Court Justice Noel Tijam nang magbigay siya ng kanyang pananaw o obserbasyon sa pahayag ni Lopez sa mga kongresista habang binubusisi ng mga mambabatas ang kanyang pagkakaroon ng dalawang pagkamamamayan sa Kamara de Representantes ilang araw na ang nakalilipas.

Si Tijam ay retiradong mahistrado, ngunit kasapi ng Judicial Bar Council (JBC) bilang kinatawan ng akademya.

Ang JBC ang pumipili ng mga kandidato na maging kasapi ng mataas na korte.

Ang mapagpapasyahang kandidato ng JBC mula sa masusing pag-aaral, pagsisiyasat at panayam ay siyang ipapasa sa pangulo ng bansa upang italaga ng huli kung sinu-sino sa mga aplikante ang magiging kasapi ng Korte Suprema.

‘Motherhood statement’ ang pananaw ni Lopez SA kanyang kalatas, idiniin ni Tijam na: “The statement [of Lopez] that he never lost his Filipino citizenship is a motherhood statement. Before one asserts his right to Filipino citizenship, one must demonstrate allegiance to the country and submit proof that he performed his duties as a Filipino citizen.”

Inamin ni Lopez na siya ay Filipino dahil ang kanyang mga magulang ay parehong Filipino nang ipanganak siya noong 1952.

Ang batayan ng posisyong ito ni Lopez at ng iba pang mga may-ari at opisyal ng ABS-CBN Broadcasting Corporation ay ang 1935 Konstitusyon.

Si Lopez ay ipinanganak noong Agosto 13, 1952 sa Boston, Massachusetts kung saan Konstitusyong 1935 ang umiiral sa Pilipinas sa nasabing panahon.

Ang pagkapanganak ni Lopez sa Estados Unidos ang siyang kongkretong batayan kung bakit siya naging Amerikano.

Batas iyan sa Amerika.

Ang sinasabi ng batas sa Amerika, ang sinomang mamamayan ng ibang bansa ay otomatikong mamamayan din ng Estados Unidos kapag ipinanganak sa Amerika.

67 taong Amerikano at Filipino

Sa loob ng 67 taon ay Amerikano at Filipino si Lopez simula noong Agosto 13, 1952.

Kumbindo si Tijam na mayroong problema si Lopez sa ganyang kaayusan.

“In case of war between two countries a dual citizen is affiliated with, which flag shall he defend? The country of his birth or the country of his parents?” tanong ni Tijam.

Iginiit ng dating mahistrado na ang “citizenship is based on allegiance, not convenience.”

Ayon kay Tijam, ang “principle of jus sanguinis is a legal fiction; citizenship is earned, not inherited.”

Ang pagiging kalahating Filipino at kalahating Amerikano ni Lopez ay namana lamang.

Sinungaling si Lopez?

TINIYAK ni Lopez sa pagdinig ng Joint Committees on Legislative Franchises and Good Government and Public Accountability ng Kamara na hindi niya ipinagkanulo ang pagiging Filipino kahit kailan.

Lumilitaw na napakalaking kasinungalingan ang ginawa ni Lopez sa harapan ng mga kongresista, sapagkat nadiskubre ni Tijam na nanumpa ng katapatan si Lopez sa Estados Unidos ng Amerika.

Naniniwala si Tijam na kinilala at mas ginusto ni Lopez ang Amerika kaysa Pilipinas dahil bumoto ito noong 2016 sa halalan sa Amerika.

Ang pagboto ay batayang karapatan, gawain, tungkulin at obligasyon ng bawat mamamayan sa kanyang bansa.

Sa kabilang banda, ang pagiging botante ay hindi maipagkakailangang kongkretong katibayan din ng pagiging mamamayan ng isang bansa.

Karapatang bumoto sa isang bansa ANG pagboto ay karapatan ng bawat tao.

Hindi ito prebilehiyo ng isang tao o higit pa.

Idiniin ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Gregorio Larrazabal ilang linggo bago ilunsad ang eleksyon nitong 2019 na magkakapantay ang bawat Filipino kung pagboto ang pag-uusapan.

Ipinaliwanag ni Larrazabal na “…no matter our place in the social spectrum, whether the individual is a billionaire or an unemployed person who does not know where his next meal will come from, all of us become equals. Each one of us is just allowed one vote, and we are on the same footing.”

Kaso, marami nang nakalimot sa katotohanang ito, wika ng eksperto sa halalan.

Iginiit din ni Larrazabal na ang pagboto ay “core of a country’s democracy, where each person, by voting, makes the statement that he/she has a stake in the country’s future.”

Ang pananaw ni Larrazabal sa pagboto o eleksyon ay hindi lamang totoo sa Pilipinas, kundi maging sa lahat ng bansa, kabilang na sa Estados Unidos ng Amerika, ang bansang itinuturing na pinakamakapangyarihan sa mundo.

Kinampihan ang Amerika kaysa Pilipinas SA pinagsamang pagdinig ng House Committees on Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability, si Lopez na isang Filipino simula noong Agosto 13, 1952 ay umaming lumahok sa eleksyon sa pagkapangulo ng Amerika noong 2016.

Ang paglahok ni Lopez sa halalan ng ibang bansa ay kongretong katibayan na higit na kinampihan ng “Chairman Emeritus” ng ABS-CBN ang Amerika kaysa Pilipinas, ayon kay Justice Tijam.

Naganap din ang halalan sa Pilipinas noong 2016 kung saan ang alkalde noon ng Davao City na si Rodrigo Duterte ang nanalo.

Natalo si dating Interior and Local Government Secretary Manuel “Mar” Roxas II na siyang kandidato ng Liberal Party (LP) sa pagkapangulo.

Si Roxas din ang ‘manok’ ng pamilya Lopez.

Lumabas sa media ang impormasyong si Roxas ang inaasahan noon ni Gabby Lopez na ‘mag-aayos’ sa pagpapalawig ng prangkisa ng panibagong dalawangpu’t limang taon nang walang kahirap-hirap.

Ngunit, nang manalo si Duterte ay napabalitang hilong-talilong ang mga may-ari at namamahala ng ABS-CBN Broadcasting Corporation, lalo na si Lopez, sapagkat ‘naipit’ na ang prangkisa ng higanteng korporasyon.

1952 ipinanganak, ngunit 2000 lang kumilos

NABUNYAG sa Kamara na noong taong 2000 o 48 taon makalipas na ipanganak si Lopez sa Boston, Massachusetts “pormal” at “opisyal” na lumiham ito sa pamahalaan, partikular sa pamamagitan ng Department of Justice (DOJ), na humihingi ng pagkilala bilang Filipino, samantalang 1952 pa siya ipinanganak.

Nabisto rin sa mababang kapulungan na lumipas naman ang 50 taon bago nabigyan ng Philippine Passport si Lopez.

Hindi maganda ang nakikitang dahilan at batayan ni Tijam sa dalawang pangyayaring ito, lalo pa’t parehong mahalaga sa pagiging mamamayan ng Pilipinas ni Lopez ang pinag-uusapan dito.

Kung babalikan at kung sisipatin at pag-aaralang mabuti ang mga ugnayan ng Konstitusyon sa pagiging Filipino ni Lopez, ang 1935 Constitution ay natapos ang bisa nang mapalitan ito ng 1973 Constitution.

‘Di kumilos nang sumapit sa 21 taong gulang

NOONG 1973, 21 taong gulang na si Gabby Lopez, ngunit binalewala niya ang paghingi ng pagkilala mula sa pamahalaan ng kanyang pagiging Filipino.

Ang big boss ng ABS-CBN sa panahong ito ay ang tatay ni Lopez na si Eugenio Lopez Jr.

‘Namatay’ ang Konstitutsyong 1973 nang maging pangulo ng bansa ang noo’y “housewife” na si Corazon Cojuangco Aquino noong Pebrero 1986.

Pinawalang bisa ni Aquino ang Saligang Batas, kaya walang Saligang Batas ang bansa mula Pebrero 26, 1986 hanggang Pebrero 1, 1987.

Nagkaroon lamang ng bagong Saligang Batas makaraang aprubahan ng mamamayang Filipino ang binalangkas na Constitutional Commission (ConCom) noong Pebrero 2, 1987 sa isinagawang plebisito.

Mula noong 1986 hangang 1999 kung saan nasa hustong gulang na si Gabby Lopez ay walang nabalitaan ang mamamayang Filipino na nagpasya at kumilos ang bilyonaryong ito upang kumuha ng pormal at opisyal na pagkilala sa pamahalaan ng kanyang pagiging Filipino.

Idiniin lamang ni Lopez nang dumalo siya sa pagdinig ng dalawang komite sa Kamara na hindi niya kahit kailan inabandona ang kanyang pagiging Filipino.

Dapat 100% Filipino kung may-ari ka ng media firm – Defensor

ANG pangyayaring ito sa buhay ni Lopez mula 1952 hanggang 2000 ang siyang malabo kay Rep. Rodante Marcoleta ng Social Amelioration and Genuine Intervention on Poverty (SAGIP) party-list.

Nang tanungin ni Marcoleta si Lopez tungkol sa milya-milyang haba ng panahon bago pumasok sa isipan nito ang paghingi ng pagkilala ng pamahalaan sa kanyang pagiging Filipino ay upang makakuha ng pasaporte ang diretsong sagot niya sa mambabatas.

Para kay Rep. Michael Defensor ng ANAKALUSUGAN (Alagaan Natin Ating Kalusugan) party-list, estratehikong isyu ang pagiging Filipino at Amerikano ni Lopez bilang isa sa mga may-ari at dating big boss ng ABS-CBN, sapagkat nakadikit ito sa isa sa mga probisyon ng Saligang Batas.

“The issue is, whether he, as a Filipino-American, is allowed to own shares in ABS-CBN, whether his chairmanship and stewardship of the network for many years was consistent with the provision on 100-percent Filipino ownership,” pahayag ni Defensor.

“Consistent with the national interest and largely for national security reasons, the Constitution requires 100- percent Filipino ownership of media. The Charter also bans dual allegiance by any Filipino,” paalala ni Defensor.

Idiniin din ng mambabatas na nakatatakot na mangyari sa bansa na ang may-ari ng kumpanya ng telebisyon at radyo ay dalawang bansa ang kinikilala at tinitindigan.

Inihalimbawa niya ang kaso ng pagiging kalahating Filipino at kalahating Intsik sa ganitong pagsasalarawan: “Imagine a Filipino who is also a Chinese citizen and who owns or runs a television station or a newspaper at this time when the Philippines and China are engaged in a tug-of-war over the West Philippine Sea. Which side would he take? Which country’s interest would he protect?”

“For me, wholly-owned means completely, entirely owned by Filipinos. This means that dual citizens cannot be media owners. In fact, if you stretch the interpretation of that provision, the ban would apply to owning even a single share in a media company,” tirada ng 50 taong gulang na mambabatas.(NELSON S. BADILLA)

Read More

Hindi pa tapos ang ‘boksing’ sa Kamara DRILON AT PANGILINAN SINAKLOLOHAN ANG ABS-CBN

0

NAPAKALINAW ng nakasaad at ipinag-utos ng Saligang Batas sa Kongreso na ang batas para sa prangkisa ng isang kumpanya ng media ay magsisimula sa Kamara de Representantes o mababang kapulungan ng Kongreso.

Hindi maaaring mauna o pangunahan ng Senado o mataas na kapulungan ng Kongreso ang Kamara. Alam naman ito ng mga senador at kongresista.

Nakasaad sa Konstitusyon

KABISADO nila ang ligal at tamang prosesong ito na nakasaad sa Konstitusyon.

Alam ng mga mambabatas na hindi maaaring mauna ang mga senador na kumilos at magdebate hinggil sa hinihinging prangkisa ng ABS-CBN Broadcasting Corporation (ABS-CBN) sa Kamara.

Kahit iyong pinakamatagal nang senador o kongresista ay alam ang itinakda at ipinag-utos ng Konstitusyon sa mga mambabatas.

Ngunit, mayroong senador na ubod nang tigas ng ulo.

Nagpasa si Drilon ng S.B. 1530

NITONG Mayo 27, nakakuha ng malakas na suporta sa Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision on Codes ang Senate Bill No. 1530 na inakda ni Senador Franklin “Frank” Drilon ng Liberal Party (LP).

Ayon kay Drilon, ang S.B. 1530 ay naglalayong amiyendahan ang Section 18, Book VII, Chapter 3 ng Revised Administrative Code na tungkol sa non-expiration ng lisensya.

Ang mungkahing batas ng 74-taong-gulang na senador ay nagsasabing mananatili ang operasyon ng isang ahensiya kahit tapos na ang kontrata nito, basta ang kondisyon o batayang ligal ay naihain ng mga opisyal ng kumpanya ang kanilang aplikasyon para sa pagpapatuloy ng kontrata o lisensya ng negosyo o ahensiya nang (1) tama sa panahon (2) at supisiyente ang laman ng aplikasyon.

Magpapatuloy ang operasyon ng negosyo/ahensiya habang inaantay ang pinal na desisyon ng ahensiya ng pamahalaan sa pagpapalawig ng taon ng operasyon ng aplikante ng kontrata.

Kapag naging ganap na batas, hindi puwedeng patigilin ang operasyon ng isang kumpanya nang kahit anong ahensiya ng pamahalaan.

Kahit ang Office of the President (OP) o Korte Suprema ay walang magagawa dahil mayroong ligal na batayan ang operasyon ng kumpanya.

Walang kinalaman sa prangkisa

HINDI tungkol sa prangkisa ng mga kumpanya ng telebisyon at radyo ang nasabing probisyon ng Revised Administrative Code.

Ang prangkisa ay manggagaling lamang sa Kongreso na magsisimula sa mababang kapulungan nito, batay sa itinakda at ipinag-utos ng Konstitusyon ng bansa.

Obligadong kilalanin, sundin at ipatupad ito dahil ang Konstitusyon ay pundamental na batas ng isang bansa tulad ng Pilipinas.

Ayon sa mga dalubhasa sa Saligang Batas, o ang tinatawag ng mga abogado na “Constitutional Experts” ay bawal magpasa ng panukalang batas ang Kongreso o hindi pinahihintulutan ng Konstitusyon ang sinomang mambabatas mula sa pamahalaang barangay hanggang sa pangulo ng bansa na gumawa at magpasa ng batas na taliwas o tutol sa Saligang Batas.

Ang pangulo ng bansa ay mayroong kapangyarihang maglabas ng batas hinggil sa ilang isyu ng bansa at pamahalaan sa pamamagitan ng tinatawag na “executive order (EO).” ‘Bagsik’ at ‘tapang’ para sa ABS-CBN SA kabila ng limitasyon ng kapangyarihan ng mga kasapi ng Kongreso sa pagbalangkas ng batas ay iwinasiwas ni Senador Franklin Drilon ng Iloilo ang kanyang ‘bagsik’ at ‘tapang’ bilang beteranong senador nang maghain ng panukalang batas na walang dudang magsasalba sa kumpanyang pag-aari ng kanyang kababayan sa Iloilo.

Mulang Ilolilo ang napakayamang angkan ng Lopez.

Si Drilon ay naging kalihim ng Department of Justice (DOJ) noong panahon nina Corazon Cojuangco Aquino at Fidel V. Ramos.

Tatlong beses naging pangulo ng Senado si Drilon (2000, 2001-2006 at 2013-2016).

Siya rin ay chairman ng LP, partido ng oposisyon na kilala rin sa bansag na “dilawan.”

Sa kasalukuyan, lider ng minorya si Drilon sa Senado.

Sa kanyang S.B. 1530, ipinababago ni Drilon ang probisyon sa Revised Administrative Code tungkol sa kontrata o lisensya ng isang kumpanya o ahensiya upang maisama rin ang “prangkisa” ng mga kumpanya ng telebisyon at radyo tulad ng ABS-CBN.

‘Fill the gap’ ng prangkisang tapos na

GUSTO ni Drilon ay huwag maagrabyado ang mga kumpanya ng telebisyon at radyo na tapos na ang prangkisa.

Ito ang pahayag ng press statement ng senador na inilabas nitong Mayo 27: “Drilon explained that [his proposed senate] bill would fill the gap in cases where a franchise has expired while its renewal remains pending [in the House of Representatives].”

Ipinaalala ng mambabatas na: “Congress has applied considerations of equity in previous similar situations and the measure seeks to institutionalize that practice.”

Ang tinutukoy ni Drilon dito ay ang ginawa at pagtrato ng Kongreso sa prangkisa ng ibang kumpanya ng telebisyon at radyo, kabilang na ang isa pang higanteng GMA Network Inc.

Nagpalusot si Drilon

NGUNIT, biglang nagpalusot si Drilon kung saan idiniin niya sa parehong press statement na: “[My proposed] amendment would merely encourage the concerned agency or branch of government, including Congress, to act decisively on an application for renewal, and to express its decision in clear, unmistakable terms, ensuring that the applicant is not punished for the authority’s indecision or inaction.”

Isa sa ginamit na batayan ni Drilon ay ang rekord ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) na umaabot sa sampung kumpanya ng telebisyon at radyo ang nagpatuloy ng kanilang operasyon sa mga nakalipas na panahon kahit tapos na ang prangkisa.

Ayon sa KBP, nagpasa ng aplikasyon ukol sa pagpapalawig ng prangkisa ang mga nasabing kumpanya.

Ngunit, walang desisyon ang Korte Suprema kahit kailan na ligal at tama ang praktis na sinasabi ng KBP at ng iba pang personahe, kabilang na ang mga substansiyal na bilang ng mga mambabatas, tulad ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

‘Walang operasyon kung walang prangkisa’ – Korte Suprema

NABATID ng manunulat na ito na ang umiiral na jurisprudence na galing sa Korte Suprema ay ang desisyong “walang operasyon kung walang prangkisa.”

Inilabas ito ng Ikatlong Dibisyon ng mataas na korte noong Pebrero 2003 na ang naging ponente ay si Senior Associate Justice Reynaldo Puno na naging chief justice ng pinakamataas na korte ng bansa noong 2006.

Kahit napakatagal na ng nasabing desisyon, nananatili itong wasto at kailangang ipatupad.

Mababago lamang ito kung mayroong panibagong pasya ang Korte Suprema na nagbabago at nagpapatumba sa mga argumento ni Puno noong 2003.

Nakasalang ngayon ang petisyon ng ABS-CBN sa mataas na korte na nagpapawalang bisa sa pagpapatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ng operasyon ng nasabing kumpanya noong Mayo 5.

Balik-operasyon bago sumapit ang Agosto?

INAMIN mismo ni Drilon sa nasabing press statement na ang totoong layunin ng kanyang S.B. 1530 ay makabalik ang operasyon ng lahat ng himpilan ng telebisyon at radyo (DZMM) ng ABS-CBN sa mga rehiyon ng bansa.

“The bill, once passed and enacted into law, could give ABS-CBN a chance to operate again and save its 11,000 workers from imminent retrenchment in August,” malinaw na pahayag ni Drilon.

Alam na alam ni Drilon bilang third placer sa Philippine Bar Examinations noong 1969 at bilang dating mahusay na abogado ng malalaking korporasyon at bago maging opisyal ng administrasyon ng namayapang Pangulong Corazon Cojuangco Aquino hanggang naging ‘matinik’ na politiko na hindi puwedeng pangunahan ang Kamara de Representantes sa pagpasa ng panukalang batas hinggil sa prangkisa ng kumpanyang telebisyon at radyo tulad ng ABS-CBN, ngunit naghain pa rin ang senador ng S.B.

1523 upang hindi tuluyang mawalan ng trabaho ang mahigit 11,000 empleyado ng kumpanyang pag-aari ng pamilya Lopez ng Iloilo sa Agosto.

Inihayag sa Kamara nitong Mayo 26 ng pangulo ng ABS-CBN Broadcasting Corporation na si Carlo Lopez Katigbak na posibleng matanggal ang napakalaking bilang sa mahigit 11,000 nilang mga manggagawa dahil milyun-milyon ang ikinalulugi ng Kapamilya Network mula nang ipatigil ang operasyon nito noong Mayo 5.

Mayo 4 ang huling araw ng 25 taong prangkisa ng ABS-CBN na ibinigay ng Kongreso noong Marso 30, 1995.

Iwinasto ito ni Rep. Rodante Marcoleta dahil ayon sa huli ay 2,661 lang ang regular na mga empleyado ng ABS-CBN at mahigit 8,500 ay pawang kontraktuwal at “talent” kung tawagin.

Malakas ang suporta sa S.B. 1530 – Drilon

AYON kay Drilon, malakas ang suporta ng mga senador na kasapi ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision on Codes makaraang karamihan sa kanila ay pumabor sa kanyang panukalang batas na sasalo sa pagtigil ng negosyo ng pamilya Lopez sa naganap na pagdinig ng komite nitong Mayo 27.

Isang araw matapos magsimulang talakayin ng House Committee on Legislative Franchises at House Committee on Public Accountability na pinamumunuan nina Rep.

Franz Alvarez ng Palawan at Rep. Michael Defensor ng Anakalusugan party-list, ayon sa pagkakasunod.

Hindi natapos ang ‘boksing’ ng mga kongresista noong Martes dahil napakaraming isyung nakapulupot sa ABS-CBN.

Ipagpapatuloy ng mga kongresista ang pagtalakay at pagdinig sa prangkisa ng Kapamilya Network.

Ngunit, nitong Miyerkoles, tinalakay at pinaboran ng komiteng pinamumunuan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang panukalang batas ni Drilon na pabor na pabor sa ABS-CBN.

Kampi rin si Pangilinan sa ABS-CBN

HINDI tinutulan ni Senador Pangilinan ang S.B. 1523 ni Drilon.

Tulad ni Drilon, si Pangilinan ay opisyal din ng LP.

Ang LP ay ang partido na namayagpag mula 2010 hanggang 2016.

LP ang partidong tinakbuhan ng ‘manok’ ng pamilya Lopez noong eleksyong 2016 na si Manuel “Mar” Roxas II, ngunit nilampaso ng alkalde noon ng lungsod ng Davao na si Rodrigo Duterte.

Si Pangilinan ay asawa ni Sharon Cuneta na artista ng ABS-CBN.

Si Cuneta ay isa sa mga artistang nanawagan sa mga mambabatas na ibigay ang prangkisa ng ABS-CBN.

Si Pangilinan ay bayaw ng mang-aawit na si Gary Valenciano na beterano na sa ABS – CBN.

Upang patunayang wasto ang ginawang pagsaklolo nina Drilon at Pangilinan sa ABS – CBN, inilabas din ng senador mulang Iloilo ang solidong suporta umano sa S.B. 1530 ng ilang personalidad.

Sumuporta si Carpio

ANG banggit ng press statement ni Drilon nitong Mayo 27, “Former Senior Associate Justice Antonio Carpio expressed support to the measure, citing the “unequal protection of the law and discrimination” in the implementation of the law.”

Ganito ang nakasaad sa press statement na paliwanag ni Carpio: “I support the enactment into law of Senate Bill No. 1530 introduced by Sen. Drilon on the ground that it will remove the unequal protection of the law that presently exists in the renewal of franchises by Congress.”

Tinukoy pa raw ni Carpio na: “all holders of franchises that expired pending renewal in Congress were allowed to operate until Congress finally acted on the renewal of their franchises.”

“This violates Section 1, Article III of the Constitution which guarantees equal protection of the law. Senate Bill No. 1530 remedies this unequal protection of the law,” patuloy ni Carpio, ayon sa parehong kalatas ni Drilon.

Pati KBP, kumampi kay Drilon

UPANG lalong busugin ang publiko sa tingin niyang ‘kawastuhan’ ng aksiyon, iwinasiwas din ni Drilon ang posisyon ng organisasyon ng mga brodkaster sa Pilipinas.

“The Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) also threw its support behind the measure,” banggit ng kalatas ng mambabatas.

“This bill addresses the unfortunate situation wherein renewal for franchise applications are filed before expiration but are not acted upon in time,” pahayag ni KBP President Ruperto S. Nicdao, Jr. na matatagpuan sa press statement ni Drilon.

Binanggit din ni Drilon ang posisyon ng iba pang organisasyong paborable sa pagpapatuloy sa operasyon ng ABS-CBN sa susunod na 25 taon uli.

Sa labis-labis na kaligayahan ni Drilon sa suportang ipinaabot sa S.B. 1530, lubos ding kinilala at pinasalamatan niya ang mga sumuporta sa kanyang ‘priority bill.’

“[I] acknowledged and thanked those who expressed support to the [S.B. 1530],” pahayag ng mambabatas.

Nanawagan din siya sa kapwa senador na madaliin ang pagpasa ng kanyang mungkahing pagbabago sa Revised Administrative Code. NELSON S. BADILLA

Read More

Walang tigil na importasyon ngayon ng bigas, ipinagmalaki ni Dominguez ‘RICE IMPORTATION’ NATULDUKAN SA MASAGANA 99

0

NABUHAY at pinag-usapan muli ang programang “Masagana 99” ng namayapang Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. na ipinatupad limang dekada na ang lumipas.

Napakaganda ng epekto ng Masagana 99 sa isyu ng produksiyon ng bigas sa Pilipinas simula nang ipatupad ang nasabing programa.

(Ideya ni Marcos)

NGUNIT, naging kontrobersiyal at masama ang Masagana 99 dahil sa simpleng isyu na “ideya” ito ni Marcos.

Taong 2020 na ngayon, ngunit marami pa ring pumupuna sa mga proyekto at programa ni Marcos dahil sa deklarasyon ng batas-militar.

Kahit wasto, makabuluhan at totoong nakatulong sa mamamayan ang Masagana 99 ay binibira, binabalewala at hinusgahang palpak ng mga kritiko ni Marcos – lalo na ng mga komunista at mga aktibistang kabilang sa mga organisasyong bahagi ng pambansang demokratikong kilusan na pinamumunuan ng Communist Party of the Philippines (CPP) – dahil proyekto ni Marcos.

Wala namang perpektong pangulo.

Wala ring perpektong rehimen.

Lahat may mali, lahat mayroong nagawang krimen sa mamamayan.

Ngunit, hindi ito dahilan upang hindi obhetibong suriin at tanggapin ang katotohanang maraming nagawa si Marcos sa kabila nang isinailalim niya ang buong bansa sa batas-militar noong Setyembre 1972.

Isa sa mga proyekto ni Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. ang “Masagana 99.”

(Ano ba ang Masagana 99?)

ANG salitang masagana ay “bountiful” sa Ingles, ayon sa artikulong “Masagana 99” na lumabas sa online platform ng The Center for Media and Democracy (CMD).

Ang CMD ay isang watchdog sa Estados Unidos kung saan nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga kawani at mananaliksik nito hinggil sa korapsyong sumisira at nagbabalewala sa demokrasya, kapaligiran at pag-unlad ng ekonomiya.

Pinili ni Marcos ang salitang masagana, sapagkat ang proyekto ay naglalayong maging masagana ang buhay ng mga Filipino, partikular na ang mga magsasaka, simula 1973 hanggang sa mga susunod na taon.

Ang 99 naman ay literal na 99 kabang bigas o 4,900 kilos ng bigas ang dapat anihin sa bawat isang ektaryang (10,000 kuwadro – metro) lupang sinasaka ng grupo ng mga magsasaka, banggit ng artikulo ng CMD at ng iba pang mga taong kabisado ang Masagana 99 tulad nina Dr. Emil Q. Javier, Fernando Malveda at Rosendo So.

Si Javier ay naging pangulo ng University of the Philippines (UP) noong 1993 hanggang 1999 at kinilalang national scientist ng bansa, samantalang si Malveda ay pangulo ng Leads Agricultural Products Corporation at pinuno ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) at Abono party-list si SoBinanggit ni Malveda sa media forum ng isang broadsheet nitong Marso ng kasalukuyang taon na layunin ng Masagana 99 na baguhin ang inaaning 45 kabang bigas kada isang ektarya (mahigit 2,227 kilo).

Sa kolum ni Dr. Javier sa Manila Bulletin noong Nobyembre 5,2016, tinalakay niya ang Masagana 99 na ang pamagat ng kanyang paksa ay “Masagana 99 redux.”

Sabi niya: “Reeling from the effects of 28 typhoons over a four-month period in crop year 1971; a severe outbreak of tungro virus in 1972, and a killer flood in crop year 1973 in Central Luzon followed by a drought, the Philippines was forced to launch Masagana 99 as a crash rice program for “national survival.””

Inilunsad ni Marcos ang Masagana 99 noong 1973 bilang sagot sa matinding suliraning humambalos sa bansa mula 1971 hanggang 1973.

Natigil ang Masagana 99 noong 1979 dahil nagkaroon ito ng problema.

(Masagana 99 ni Marcos, gustong buhayin ni Duterte)

MATAGAL nang wala ang Masagana 99.

Noong 1979 ay itinigil na ito ng administrasyong Marcos kahit naging matagumpay ito.

Ayon kay Javier, nagtagumpay ang proyekto ni Marcos dahil binigyan ang maliliit na magsasaka ng “access to a package of technology without which it is impossible to grow decent, profitable crops of rice.”

Ipinaalala niya sa publiko, marahil partikular sa mga opisyal ng pamahalaan, na “Farmers need good seeds, fertilizers, pest control, dryers and credit. As long as these elements are provided for, the farms will pay for themselves, and the farmers-borrowers should be able to pay back the loans, except during calamities and exceptional circumstances for which we should provide insurance.”

Pinalitan ito ni Marcos ng programang FIELDS na tungkol sa “fertilizers, infrastructure and irrigation, education and extension work, loans, drying and postharvest facilities, and seeds,” ayon sa artikulong “Masagana 99” ng CMD.

Ang FIELDS ay ‘karugtong’ ng Masagana 99.

Inayos ng FIELDS ang naging pagkakamali ng Masagana 99 kung saan ang layunin pa rin ay ang kagustuhan ni Marcos na magtuluy-tuloy ang masaganang produksiyon ng bigas upang buhayin ng mga magsasaka ang mamamayang Filipino.

Ayaw ni Marcos ang importasyon, sapagkat hindi bahagi ng “Bagong Lipunan” ang walang tigil na pag-angkat ng Pilipinas ng bigas sa ibang bansa na nagaganap na mula pa noong sakop ang Pilipinas ng mga dayuhan.

Inilunsad ni Marcos ang Bagong Lipunan makaraang umiral ang batas – militar sa bansa dahil hangad niyang matanggal ang mga suliranin at sakit ng bansa na hindi na natanggal mula Rehimeng Commonwealth nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña hanggang sa kanyang unang dalawang termino.

Muling naging paksa ang Masagana 99 nang inihayag ni Duterte noong 2016 na plano niyang maglunsad ng pang- agrikulturang proyekto na halaw sa nasabing proyekto ni Marcos.

Ganito ang introduksiyon ng kolum ni Javier noong 2016 nang talakayin niya ang Masagana 99: “This column was prompted by the announcement of the President that he will emulate the Masagana 99 rice program and the Biyayang Dagat fisheries program of the Marcos years to achieve his administration’s objective of food self-sufficiency.”

Ang pahayag ni Duterte ay tumanggap ng “[M]ixed reactions. For many small farmers and fisherfolk and some in the business sector, they welcome President Rodrigo Duterte’s statement as a firm commitment to pay more attention and devote more resources to the rural sector to raise productivity, create jobs and increase family incomes. Hence, squarely address our most pressing national problem of eradicating poverty,” patuloy ni Javier.

Inamin ni Malveda sa Daily Tribune na ginaya ng Leads ang Masagana 99, sapagkat bilib siya sa proyektong ito.

Idiniin niya na ipinatupad nila ang Masagana 99 kung saan nagbibigay rin sila suportang pinansiyal sa kanilang mga magsasaka tulad ng ginawa ni Marcos noong 1973 hanggang 1978.

Tinumbok ni Malveda na tanging Masagana 99 ang pang-agrikulturang proyekto ng pamahalaan na tumaas ang produksiyon ng bigas.

(Pinas sagana sa bigas)

MULING ipinaalala ni Dr. Emil Javier ang napakagandang resulta at epekto ng Masagana 99 na naging self-sufficient at masagana ang bigas ng bansa noong 1973 hanggang 1979.

“[O]bjectively, what was the outcome of the Masagana 99 rice program? Contrary to detractor’s claims, the program actually achieved its avowed objective of growing more rice and achieving self-sufficiency, albeit for only a brief period immediately after the program was launched in 1973,” pahayag ni Javier.

Ipinaalala ni Javier na “After M-99 was launched, [the] national average palay yields dramatically increased 10 percent during the wet season, and 25 percent during the dry season compared with the immediate preceding crop years…

During crop year 1975–76, the Philippines finally attained self-sufficiency in rice production and was able to establish a 90-day buffer stock for food security purposes (Jesus Alix, Director, BAEcon).”

“In 1977–1978, the country produced a surplus which enabled it to export 89,000 metric tons to neighbors in Asia,” patuloy niya.

Binanggit naman ni So sa kalatas ng Sinag na “There was an increase of 10-percent yield per hectare during the wet season and 25-percent increase yield per hectare during the dry season under the Masagana 99 from 1974 to 1978, as compared to pre-Masagana from 1969 to 1974.”

Binanggit din ni So ang sinabi ni Javier na mayroong 89,000 metric tons na sobrang bigas ang bansa noong panahon ni Marcos na ipinadadala sa mga karatig bansa upang idiin ang puntong nahinto ang importasyon ng bigas.

Nabanggit ng CMD ang magandang eksportasyon ng bigas ng Pilipinas noong panahon ni Marcos.

Nangangahulugang kumita ang pamahalaan, mga negosyante at magsasaka sa nabanggit na proyekto ni Marcos.

(Tumaas sa 75% kita ng magsasaka)

TINUKOY ng CMD na pumalpak ang Masagana 99 sa usapin ng pagpapataas ng kita ng mga magsasaka.

“Although Masagana 99 made the country self-sufficient in rice during the initial years, it failed to raise real farm income because the increase in total supply intensified the cost-price squeeze phenomenon that removed the intended profits in rice farming,” birada ng CMD sa artikulo nito ukol sa Masagana 99.

Hindi pinalawig ng CMD ang sinasabing dahilan ng binanggit nitong maliit ang kita ng mga magsasaka.

Ang tinukoy na pagtaas ng suplay ng bigas na idinikit sa relasyon ng “cost” at “price” ay hindi nangangahulugang depektibo at mali ang Masagana 99, sapagkat ang nagdesisyon sa resulta ng gastos at presyo ng bigas o ng anomang produkto sa palengke ay ang ‘pagkikiskisan’ ng gastos at presyo sa palengke na tatama sa kita ng magsasaka at negosyante o trader.

Sa punto ng ekonomista, hindi pwedeng masyadong mataas ang presyo ng bigas kung maraming suplay ng bigas dahil labag ito sa “law of supply and demand.”

Ngunit, mali ang impormasyong nakuha ng CMD.

Ayon kay Javier na higit na kabisado ang iba’t ibang parte ng buong katawan ng Masagana 99, hindi lang produksyon ng bigas ang tumaas, kundi “[the f]armer’s incomes per hectare likewise significantly increased.”

Umabot ito hanggang 75 porsiyento mula sa kita nila noong hindi pa inilunsad ang Masagana 99.

Inihalimbawa ni Javier ang Iloilo “… where hundreds of farmers carefully recorded costs and returns, Masagana 99 participants obtained 75 percent more income during the wet season and 55 percent more during the dry season compared with non-Masagana 99 growers.”

(Natuldukan ang rice importation)

MATAGAL nang tapos ang panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Mayroon nang 34 taong nakalipas mula nang palitan siya ng noo’y “housewife” ng pinaslang na si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Kung babalikan ang kasaysayan, naunang ‘namayapa’ ang Masagana 99 kaysa kina Marcos at Aquino.

Subalit, hanggang ngayon ay mistulang mainit na pandesal ang Masagana 99 dahil muling mainit itong paksa sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Galit kay Marcos, banas din sa Masagana 99

“[T]HOSE who have not forgiven the Marcos martial law administration as well as those critical of the undue emphasis on rice at the expense of other commodities, this [Masagana 99 project of President Marcos] is wasteful and a misdirection of scarce resources,” banggit ni Dr. Emil Javier sa kanyang kolum sa Manila Bulletin noong Nobyembre 2016.

Hindi nakapagtataka kung ang mga aktibista at komunistang kabilang sa mga legal na prenteng organisasyon ng Communist Party of the Philippines (CPP) o mismong mga kadre ng huli o dating pinuno nito na si Jose Maria Sison ang sagad- saring galit kay Marcos at sa Masagana 99.

Simula nang itatag ang Kabataang Makabayan (KM) noong 1964 hanggang buuhin ang CPP noong 1968 ay masama na si Marcos para kay Sison at mga kadre ng CPP at mga aktibista nito.
Bawat kilos ni Marcos ay tutol sila.

Kaya, hindi nakagugulat kung masama ang pananaw at pagtatasa nila sa Masagana 99.

Sa hanay ng administrasyong Duterte, si Finance Secretary Carlos Dominguez III ang kilalang tahasang tutol sa pagpapatupad ng pang-agrikulturang programa ng administrasyong Duterte na halaw sa Masagana 99 (mataas ang produksiyon ng bigas, walang importasyon, mayroong eksportasyon ng bigas at malinaw ang interbensiyon ng pamahalaan).

Dahil sa kanyang tahasang pagharang, masasabing si Dominguez ay mistulang lumang basahang isinaksak sa butas ng imbudo, dahilan upang hindi makalabas o makaagos pababa ang mantikang inilagay sa imbudo.

Ang mantika ay produktong higit na magpapaunlad sa mga magsasaka at bansang Pilipinas sa larangan ng agrikultura.

Pumutok sa publiko ang galit ni Dominguez sa proyektong Masagana 99 ni Marcos nitong Mayo 20.

Habang nagaganap ang pagdinig ng Senate Committee of the Whole hinggil sa iba’t ibang ideya, proyekto at solusyon upang maresolbahan ang masamang epekto ng coronavirus disease-2019 (COVID-19), iminungkahi ni Senadora Maria Imelda Josefa “Imee” Marcos kay Dominguez na buhayin ang Masagana 99 upang tulungan ang mga magsasaka ngayong nahaharap ang Pilipinas sa masamang epekto ng pandemyang virus.

Agad tinutulan ni Dominguez ang ideya ni Senadora Marcos dahil (una) hindi totoong nag-eksport ng tone-toneladang bigas, (ikalawa) hindi tumaas ang kita ng mga magsasaka, (ikatlo) pataba na nakasira ng pananim at (ikaapat) 800 rural banks ang nalugi dahil sa pagpapautang sa mga magsasaka habang ipinatutupad ang Masagana 99 noong 1973 hanggang 1978.

Pinatumba at pinatunayang mali ang una hanggang ikatlong argumento ni Domiguez ng mga taong naglunsad ng ‘sarili’ o ‘independent’ nilang pag-aaral tulad ng mga eksperto na sina Dr. Javier, Fernando Malveda ng Leads Agricultural Prodcuts Corporation, at Rosendo So ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) at Abono party-list.

Iyong tungkol sa utang ng mga magsasaka sa mga bangko ay ganito ang nangyari, ayon kay Javier: “Sadly, Masagana 99 proved to be short-lived and unsustainable mainly due to the costly subsidies and failure of many farmers-borrowers to repay the loans.”

Ani Javier: “At the peak of the program, in May 1974, Masagana 99 enrolled 531,000 borrowers (36 percent of 1.13 million small rice farmers). Repayment was at a respectable rate of 93 percent” batay sa nakatabing datos ng Technical Board for Agricultural Credit.

Patuloy niya: “By crop year 1980, after 14 cycles, the farmers-borrowers dwindled down to 54,000 as many run into arrears and were declared ineligible. Repayment went down to 46 percent. And as a consequence, many rural banks through which the loans were coursed folded up. By this period, Masagana 99 ceased to be of consequence as only 3.7 percent of the small rice farmers were able to borrow.”

Sa kabila nito, hindi kailanman hinusgahan ni Javier na mali at kontra-magsasaka ang Masagana 99.

Ang punto niya ay kailangang iwasto ang mga naging pagkukulang ng proyerkto ni Marcos, partikular sa usapin ng pautang sa mga magsasaka at paano ito mababayaran kapag muling naglunsad ng pang-agrikulturang proyekto si Pangulong Duterte na halaw sa Masagana 99.

(Tuluyang ‘ipinapatay’ ni Aquino ang Masagana 99)

SA pagdinig sa Senado nitong Mayo 20, hindi lang iginiit ni Secretary Domiguez ang konklusyon niyang palpak at lagpak ang Masagana 99, kundi ipinamukha at diniin ng kalihim na siya mismo ang tuluyang ‘tumapos’ sa kaligayahan ng mga magsasaka sa Masagana 99.

Inamin ni Domiguez na bilang kalihim ng DA noon ng pangulo ng bansa na si Corazon Cojuangco Aquino, tuluyang ‘ipinapatay’ ang Masagana 99.

‘Inayos’ umano niya ang pagkakautang ng mga magsasaka sa 800 panlalawigang bangko.

Ang hindi lang inamin ni Dominguez kay Senadora Imee Marcos at iba pang mga senador na nakikinig sa kanya ay ipinasa ni Aquino ang mga natitirang kawani ng Masagana 99 sa mga alkalde.

Naganap ito nang ipatupad ni Aquino ang Local Government Code of 1991.

Ayon kay Malveda, naging alalay o drayber ng mga alkalde ang mga kawani ng Masagana 99.

Ibig sabihin, hindi man lang binigyan ng maayos na trabaho nina Aquino at Dominguez upang patunayang higit na malaki ang kanilang malasakit sa mga ordinaryong tao kaysa kay Marcos.

(Pautang sa magsasaka mula kay Cory hanggang kay Duterte)

NOONG 1987, ipinasa ng Kongreso ang Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) upang bigyan ng legal na batayan at pundasyon ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Ang CARP ay “sentrong programa” ng administrasyong Cory Aquino.

Sa pamamagitan ng CARP, ipinamahagi sa mga magsasaka ang substansiyal na bilang ng mga lupaing pansakahan sa maraming panig ng bansa.

Ngunit, hindi isinama rito ang Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilya ng namayapang Pangulong Cory Aquino.

Sa udyok ng pamilya Cojuangco (hindi kasama ang pamilya ni Eduardo Cojuangco dahil bahagi ng mga may-ari ang huli ng nasabing asyenda), hindi pumayag si Aquino na ipasa ang 6,453 ektaryang Hacienda Luisita sa Tarlac sa mga manggagawang bukid ng asyenda.

Layunin ng CARP na ipamahagi ang mga lupaing napakatagal nang sinasaka ng mga magsasaka at manggagawang bukid.

Tiniyak ito ni Aquino, sapagkat alam niyang ang kawalan ng sariling lupa ang isa sa mga naging dahilan kung bakit maraming sumaping magsasaka at manggagawang bukid sa New People’s Army (NPA) simula nang itatag ito noong Marso 29, 1969 sa Tarlac.

Ngunit, hindi libre ang lupang ipinamahagi ng administrasyong Aquino sa mga magsasaka.

May bayad ito, dahilan upang pautangin ng Land Bank of the Philippines (LBP) ang mga magsasaka.

Nakarating kay Senador Ralph Recto na hanggang ngayong 2010 ay hindi pa nababayarang lahat ng mga magsasaka ang kanilang utang sa LBP.

Kaya, iyong binabanggit ni Dominguez na hindi pa nabayaran ng mga magsasaka ang kanilang inutang sa 800 rural banks hanggang napalitan ni Aquino si Marcos sa Malakanyang noong 1986 ay hindi lamang sakit ng ulo ng administrasyong Marcos, kundi ng lahat ng administrasyon hanggang sa kasalukuyan kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan kasapi uli ng Gabinete si Dominguez.

(Walang limitasyong importasyon ng bigas, solusyon ni Domiguez)

NANG muling dagukan ni Secretary Carlos Dominguez III ang Masagana 99 sa mismng pagdinig sa Senado nitong Mayo 20, inilantad ni Senadora Marcos ang totoong kulay ng kalihim sa ganitong mga pananalita: “What our country’s chief economic manager is really saying is that rice farmers are a pain in the budget and are not worth subsidizing. He has given up on our rice farmers ever regaining their export potential and will let unregulated rice importation do the dirty job of snuffing them out.”

“Shame on you, Secretary Dominguez, give the Filipino farmer some credit! When supported by sound government policy and defended against rampant importation, we can feed ourselves. Give the Filipino farmer a chance!,” birada ni Marcos sa kalihim.

Ang totoo, si Dominguez ay tagapagtanggol ng polisiyang “walang limitasyong importasyon ng bigas” upang matiyak na tuluy-tuloy ang pagkakaroon ng bigas sa bansa na mababa ang presyo.

Sa kalatas ng Department of Finance (DOF) noong Nobyembre 13, 2019, idiniin ni Dominguez na “the government, under President Duterte’s decisive leadership, has finally broken the “stranglehold of inefficiency” in the domestic rice industry with the passage of the Rice Tariffication Law (RTL) that aims to “revolutionize” the agriculture sector and slash the retail cost of the staple for the benefit of over 100 million Filipino consumers.”

“We are confident that [RTL] is the best means to move our agriculture forward and foster competitiveness,” deklarasyon ni Dominguez sa Ika-11 World Rice Conference na ginanap sa isang hotel sa lungsod ng Makati.

Sa pamamagitan ng RTL, tuluy-tuloy ang pasok ng mga bigas mula sa Vietnam at Thailand, sapagkat ito ang polisiya at programa ng kasalukuyang rehimen.

Ang kakapusan ng bigas at mataas na presyo nito “is not the future of our agriculture,” wika ni Dominguez.

“We should let the Rice Tariffication Law do its work and give the economy time to adjust for further easing of rice prices for all Filipinos and for support programs to lower the production costs of our farmers,” patuloy ni Dominguez.

Ilang buwan na ang nakalilipas, naglabas ng Special Report ang Peryodiko Filipino Inc. (PFI) na sinulat din ng manunulat na ito kung saan ipinakita nitong dumausdos nang todo ang kita ng mga magsasaka, sapagkat sobrang baba ng presyo ng kanilang palay simula nang ipatupad ang RTL. NELSON S. BADILLA

Read More

GLOBE HINILING ANG SUPORTA NG LGUs SA PAGTATAYO NG CELL SITES

0

UMAPELA ng suporta ang Globe sa local government units (LGUs) kaugnay sa pagtatayo ng cell sites sa harap na rin ng pagtaas ng demand para sa internet services dahil sa ipinatutupad na ‘new normal’ dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Bago ang COVID-19, ang mga lokal na pamahalaan ang nagiging sanhi ng mabagal na rollout dulot ng masalimuot na proseso sa pagbibigay ng permit. Sa katunayan, maraming LGUs ang tumatangging papasukin ang anumang telecom construction dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

“The internet has become an essential part of our new way of life, especially with the prospects of the new normal like work from home and E-learning. It is imperative especially these times of the new normal that we start addressing the challenges in building cell sites so we can provide the 1st world internet quality we all aspire for,” pahayag ni Atty. Froilan Castelo, General Counsel ng Globe.

Tumaas ang demand para sa internet services sa bansa lalo na sa residential areas sa maraming kadahilanan. Kabilang dito ang mga empleyado na naka-work from home, mga estudyante na nagsasagawa ng e-learning, entertainment at nag-i-stream ng videos para manatiling connected sa mga kaibigan at pamilya, nag-oorder ng pagkain at nagsa-shopping online, gumagamit ang digital payments, online banking, at iba pa.

“We appeal to LGUs especially the barangay leaders to rethink the way they view permits to enable building the right amount of infrastructure to best serve their constituents. If they allow just one oppositor in a barangay to stop the permitting process, then it’s a disservice to the entire city, not just the barangay,” sabi pa ni Castelo.

“Homeowners Associations are likewise a source of delay and inevitable loss of connectivity. Homeowners should stop using arguments about health risks because for many years these arguments have already been laid to rest by the World Health Organization (WHO) the same institution we rely on today with the ongoing pandemic,” dagdag pa niya.

Ang Filipinas ay may napakababang site density kumpara sa ibang mga bansa dahil sa kawalan ng cell sites kumpara sa bilang ng internet users. Ang Filipinas ay nasa likod ng India, China, Indonesia at Vietnam pagdating sa cell sites to internet users ratio.

Sa 2019 3rd Quarter report ng Tower Xchange, may 17,850 cell sites sa bansa.

Samantala, sa pinakabagong datos mula sa We Are Social ay lumilitaw na ang internet penetration sa bansa ay nasa 67% noong Enero ng kasalukuyang taon. Ang bansa ay mayroon ngayong 73 million users sa social media.

“This brings the users per site ratio at 4,089 users that are sharing one cell site,” ayon sa Globe.

Bilang paghahambing, ang Vietnam ay may 90,000+ cell sites. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung kaya ang internet speed sa maraming bansa ay mas mabilis kumpara sa Filipinas.

Read More