COVID-FREE CERTIFICATE PAIIRALIN SA PASAY

0

NAGLABAS ng resolusyon at mas naghigpit ang mga barangay sa lungsod ng Pasay bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Nakasaad sa resolusyon na kinakailangan ng barangay ID o quarantine pass ang mga hindi residente ng lungsod.

Kailangan din ng covid-free certificate sa bawat barangay. Naglagay rin ng checkpoint sa mga barangay na may pinaka-aktibong kaso ng COVID-19.

Duda ni Punong Barangay Ruth Cortez, nagmumula sa labas ng kanilang komunidad ang virus ng COVID-19 kung kaya’t mas mahigpit ang paiiraling “preventive measures” ng lungsod. (MARINHEL T. BADILLA)

Related posts

Leave a Comment