P2.50 ROLLBACK SA GASOLINA  

oil price hike

(NI ROSE PULGAR)

SA ikatlong sunod na linggo, muling magpapatupad ng malakihang bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa simula Lunes ng madaling araw.

Naglabas ng abiso ang kompanyang Seaoil na magpapatupad sila ng big time oil price rollback na P2.45 kada litro ng gasolina, P2.70 kada litro ng diesel at P2.60 sa kada litro ng kerosene epektibo Lunes ng alas-12:01 ng hatinggabi.

Habang ang kompanyang Pilipinas Shell at Petro Gazz ay magpapatupad ng kanilang bawas presyo alas-6:00 ng umaga  sa (Hunyo 11) sa kahalintulad na halaga.

Nauna nang nagpatupad ng rollback ang kompanyang Phoenix Petroleum Philippines nitong nakaraang Sabado dakong alas-6:00 ng gabi sa kahalintulad din na halaga.

Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng big time oil price rollback sa mga produktong petrolyo ang ilan pang kompanya ng langis sa bansa kabilang na ang mga malalaking kompanya sa nabatid na presyo.

Ang ipinatupad na bawas presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaan na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng rollback ang mga kompanya ng langis na P1.70 kada litro ng gasolina, P1.05 kada litro ng diesel at P1.00 sa kada litro ng kerosene.

 

92

Related posts

Leave a Comment