9 NA BAGONG BOC DISTRICT COLLECTORS NANUMPA KAY GUERRERO

9 BOC DISTRICT COLLECTORS

(Ni JOEL O. AMONGO)

Pormal nang nanumpa kahapon kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang siyam na bagong itinalagang district collectors ng ahensya.

Isinagawa ang panunumpa sa BOC Situation Room, Port Area, Manila.

Kabilang sa mga nanumpa ay si Port of Manila (POM) Acting District Collector Arsenia Ilagan at si dating POM District Collector Atty. Ma. Rhea Gregorio, ang kasalukuyang Acting District Collector ng Port of San Fernando, La Union.

Si Atty. Ruby Claudia Alameda naman ang Acting District Collector ng Port of Clark, samantalang si Atty. Michael D.C. Vargas ay itinalagang Acting District Collector ng Port of Limay.  Habang sina Atty. Francis Tolibas at Atty. Lilibeth Sandag ay itinalaga bilang Acting District Collector ng Port of Tacloban at NAIA Deputy Collector for Operations.

Nauna nang itinalaga sina Manila International Container Port (MICP) Port Acting District Collector Guillermo Pedro Francia IV at Atty. Romalino Valdez, bilang Acting District Collector ng Port of Batangas.

Inilagay namang Acting District Collector sa Port of Davao si dating MICP Atty. Erastus Sandino Austria; Atty. Charlito Martin Mendoza, bilang Acting District Collector ng Port of Cebu; at Batangas Deputy Collector for Assessment Atty. Edwar Ibera.

Dahil sa nasabing rigodon inaasahan namang lalo pang gaganda ang kolek­syon ng BOC sa kabuuan ng kasalukuyang taon.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment