BOC-NAIA HUMATAW VS ILLEGAL DRUGS

BOC-NAIA VS ILLEGAL DRUGS

Mahigit P100-M halaga ng iba’t ibang illegal drugs nasabat

(Ni JOEL O. AMONGO)

Aabot  sa mahigit P100 milyong halaga  ng iba’t ibang klaseng ilegal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) mula Setyembre hanggang ngayong buwan ng Oktubre.

Sa report, lumitaw na noong nakaraang buwan, nakasabat ang   Customs NAIA  ng P35.1 milyong ha­laga ng shabu mula sa isang pasahero sa tulong na rin ng NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang physical examination gamit ang dog sniffing.

Nakuha ang naturang ilegal na droga sa iniwang bagahe ng pasahero na sakay  ng Philippine Airlines Flight No. PR 596 mula Hanoi, Vietnam.

Samantala, nasabat naman ng Customs-NAIA ang anim na boteng Liquid Marijuana na idineklarang “ULEI CBD full plant extract” sa loob ng shipment mula Romania noong Set­yembre 20, 2019.

Ito’y matapos ang isinagawang 100% physical examination ng Customs examiner sa nasabing bagahe  na sinaksihan ng  kinatawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine Post Office (PHILPOST), Customs Anti-illegal Drugs Task Force (CAIDTF), X-ray Inspection Project (XIP), Enforcement Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).

Nang isailalim sa eksaminasyon ng PDEA ang nasabing liquid substance ay nagpositibo ang resulta ng presensiya ng TE­TRAHYDROCANNABINOL, isang substance na nakita sa Marijuana.

Nakasilid ito sa mga box na may label na “Lady Mary Farm Cannabidiol CBD Oil BIO” na nakabalot ng PHILPOST tracking no. CO979705967RO,  naka-consign kay Jeffrey Ciabal Perez ng 0690 Purok 6 San Lucas 2, San Pablo City, Laguna, at ipinadala sa pamamagitan ng BAYER JASILICA ng Gr. Miko Imre, Sf. Gheorghe, Romania.

Dahil dito,  kinasuhan si Perez dahil  sa paglabag sa  Section 4 ng Importation of Dangerous Drugs  at Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act.

Gayunpaman, nitong Oktubre 7,  umabot naman sa P54 milyong ha­laga ng shabu ang nasabat ng ahensiya mula sa isang pasaherong Indonesian.

Ang Indonesian ay na­kilalang si Agnes Alexandra na dumating mula Siem Reap, Cambodia sa NAIA Terminal 3 via flight 5J 258.

Ayon sa report,  nang isailalim sa  X-ray scanning ang naturang bagahe ay nakita ang images ng pinaghihinalaang dangerous drugs at  matapos ang 100% physical examination ay tumambad ang crystalline substances na nakabalot ng aluminum foil at nagpositibo sa shabu nang  isinailalim sa test ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF).

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment