BOC NAIA MAY RECORD BREAKING ACCOMPLISHMENTS MGA EMPLEYADO PINARANGALAN

BOC-NAIA-3

Naglunsad ng Recognition Day ang Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC- NAIA) para kilalanin ang lahat ng pagsisikap ng mga opisyal at mga tauhan ng nasabing puerto.

Ang pagkilala ng BOC-NAIA sa kanilang mga tauhan  ay nagmula sa ‘amazing record breaking accomplishments’ ng puerto para sa taong 2019 na mula sa makabuluhanh ambag na pagseserbisyo ng bawat opisina.

Pinagkalooban ng Certificates of Appreciation ang lahat ng opisina, Special awards naman ang ibinigay sa warehouses na kung saan ay naabot nila ang 2019 target at mga opisina na may inisyatiba sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin, at Certificates of Commendation naman para sa examiners na naging dahilan ng pagkakasabat ng illegal drugs.

Ipinagmalaki naman ni District Collector  Carmelita Talusan ang award  na kanyang tinanggap para sa Port of NAIA noong nakaraang  BOC Anniversary.

Ang Plaque of Recognition para sa matagumpay na border protection apprehensions ng iba’t-ibang ipinagbabawal na commodities o produkto na naitala sa CY 2019.

Matatandaan noong nakaraang 118th Founding Anniversary ng Bureau of Customs, ang BOC-NAIA ay isa sa labing pitong (17) collection districts sa buong bansa na pinarangalan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero dahil sa kanilang magandang performance para sa taong 2019.

Ang BOC-NAIA ay nakasabat ng ipinagbabawal na mga kalakal na may halagang  P821.15 milyon para sa taong 2019.

Mula sa P821.15 milyon, P430.8 milyon nito ay mula sa dalawang nasabat na aircrafts at P308.3 milyon mula sa illegal drugs.

Ang natitirang P82.05 milyon ay mula sa meat at meat products na walang kaukulang  Sanitary at Phytosanitary (SPS) import clearance, nasabat na illegal wildlife species mula sa illegal wildlife trade, gamit na cellphones na walang National Telecommunications Commission (NTC) permit, unregistered beauty products na nakitaan ng masamang epekto, at mga baril at bala na walang kaukulang permits.(BOY ANACTA)

 

59

Related posts

Leave a Comment