BOC – PORT OF CEBU BALIK TRABAHO

PORT OF CEBU-5

MATAPOS ang magkasunod na holidays – Pasko at Bagong Taon, balik sa normal ang trabaho ng mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs – Port of Cebu.

Noong Lunes, Enero 6, 2020, ginawa ang first flag raising ceremony para sa taon  sa ground ng Port of Cebu ay pinangunahan ni District Collector Atty. Charlito Martin Mendoza.

Kasabay nito, nanumpa sa harap ni Mendoza ang mga opisyal at empleyado ng Port of Cebu na ga­gampanan nila ang kanilang tungkulin nang buong katapatan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mendoza na buong puso niyang tinatanggap ang lahat ng opisyal at empleyado na kanyang nasasakupan subalit kailangang handa ang mga ito sa muling pagbabalik trabaho upang mas maging maayos ang kanilang serbisyo para sa taong 2020.

Ipinagmalaki pa ni Mendoza sa kanilang mga panauhin na handang-handa sila sa panunungkulan.

“Your customs officers are more than ready to serve you this fiscal year,” diin ni Mendoza.

Gayunman, iginiit ni Mendoza na ang BOC-Port of Cebu ay nangangailangan ng kooperasyon at pagkakaisa ng bawat personnel upang magkaroon ng kaayusan  ang pagtupad sa kanilang layunin para sa taong kasalukuyan.

Ang BOC ay nakapagtala ng 12% taas sa koleksyon sa taong 2019 kumpara noong 2018.

(Boy Anacta)Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mendoza na buong puso niyang tinatanggap ang lahat ng opisyal at empleyado na kanyang nasasakupan subalit kailangang handa ang mga ito sa muling pagbabalik trabaho upang mas maging maayos ang kanilang serbisyo para sa taong 2020.

Ipinagmalaki pa ni Mendoza sa kanilang mga panauhin na handang-handa sila sa panunungkulan.

“Your customs officers are more than ready to serve you this fiscal year,” diin ni Mendoza.

Gayunman, iginiit ni Mendoza na ang BOC-Port of Cebu ay nangangailangan ng kooperasyon at pagkakaisa ng bawat personnel upang magkaroon ng kaayusan  ang pagtupad sa kanilang layunin para sa taong kasalukuyan.

Ang BOC ay nakapagtala ng 12% taas sa koleksyon sa taong 2019 kumpara noong 2018. (Boy Anacta)

Related posts

Leave a Comment